Patuloy pa ring bumubuhos ang pagbati sa Instagram account ni Angel Locsin tungkol sa wedding anniversary nila ng asawang si Neil Arce.
Noong July 26, 2025, ipinagdiwang nina Angel at Neil ang kanilang ika-apat na wedding anniversary.

Pero walang post pareho ang mag-asawa tungkol sa kanilang anibersaryo.
Kaya naman si Neil na mismo ang nagsabi sa netizens na meron silang kasunduan ni Angel tungkol sa mahahalagang okasyon sa buhay nila.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, July 27, naglabas sina Neil at Angel ng joint statement.
Nagpasalamat sila sa netizens sa pagpapaalala sa kanila tungkol sa ikaapat na anibersaryo ng kanilang kasal.
Ibinunyag din ni Neil na may kasunduan sila ni Angel noong nagdi-date pa pa lamang sila na huwag maging sensitibo sakaling makalimutan ng isa't isa ang mga mahahalagang petsa ng kanilang relasyon.
Araw-araw raw kasing dapat espesyal para sa kanila.
Buong laman ng pahayag: "To everyone who reminded me, my wife that it’s our anniversary, thank you! We wouldn’t have remembered it without all of you [laughing with tears emojis].
"Don’t worry, when we started dating, may usapan kami Not to be sensitive with anniversaries and monthsaries because everyday should be special.
"Again, thank you!
"Angel and Neil"

Read: Angel Locsin-Neil Arce wedding: Simple affair, Splendid day
NEIL ARCE-ANGEL LOCSIN WEDDING IN 2021
Ikinasal sina Neil at Angel sa isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni noo'y Taguig City Mayor Lino Cayetano noong July 26, 2021.
Ilang beses nang naurong ang kasal nina Angel at Neil.
Dapat ay noong November 8, 2020 ang kasal ng dalawa ngunit na-postpone ito dahil sa COVID-19 pandemic.
February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.
Makalipas ang isang taon at apat na buwan, noong June 2019, nag-propose si Neil kay Angel.
Read: Angel Locsin and Neil Arce are now married
