PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Klea Pineda posts heartfelt birthday message for Janella Salvador

Klea Pineda calls Janella Salvador “My Janjan” on her birthday
by Arniel C. Serato
Published Mar 30, 2026
Klea Pineda pens heartfelt post on Instagram for Janella Salvador's 27th birthday
Klea Pineda to Janella Salvador on her birthday: "Masuwerte ako dahil nakilala kita, dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba. Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko. Happy Birthday, my Janjan."
PHOTO/S: Instagram

Madamdamin ang mensahe ni Klea Pineda sa rumored partner niyang si Janella Salvador para sa pagdiriwang ng ika-27 kaarawan ni Janella ngayong Lunes, March 30, 2026.

Maiksi lang ang caption na isinulat ni Klea sa kanyang Instagram post.

"Maligayang Kaarawan, aking Janjan," mensahe ng Kapuso actress para sa Kapamilya actress.

Pero sa short Reel, may inilapat a voice-over si Klea n kung saan may nakakaantig siyang mensahe sa taong tinawag niyang "my Janjan" — si Janella.

Saad ni Klea: "Masuwerte ang mga taong minamahal mo at isa na ako sa kanila.

"Masuwerte ako dahil nakilala kita, dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba.

"Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko.

"Happy Birthday, my Janjan. Ikaw ang tahimik kong tula at paborito kong himig sa mundong ito."

View this post on Instagram

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)

Sa caption, kinilig ang ilang celebrities tulad nina Sue Ramirez, Faye Lorenzo, at Kim Rodriguez sa post ni Klea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Netizens on Janella Salvador
Netizens on Janella Salvador
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagustuhan naman ng ilan ang pa-voice-over ni Klea. Nakaka-in love daw kasi ang boses nito.

Netizens on Janella Salvador
Netizens on Janella Salvador
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP

KLEA PINEDA, JANELLA SALVADOR STILL MUM ON REAL STATUS

Pag-amin na lang ang kulang mula kina Klea at Janella.

Pero kahit hindi pa nila tuwirang inaamin ang kanilang relasyon, makikita naman sa mga kilos nila sa publiko na more than friends lamang sila.

Katunayan, noong March 8, 2026, spotted ang dalawa na magka-holding hands habang naglalakad sa Mactan-Cebu International Airport.

Bago pa nito, namataan din silang bumili ng lote sa hindi binanggit na lugar.

Read: Janella Salvador, Klea Pineda spotted HHWW at Cebu airport

Namataan ding magkasama sina Janella at Klea noong birthday ng ina ni Klea na si Charito Pineda sa isang resort sa Angeles, Pampanga, nakaraang February 10, 2026.

Read: Janella Salvador, son Jude bond with Klea Pineda’s family

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klea Pineda to Janella Salvador on her birthday: "Masuwerte ako dahil nakilala kita, dahil ako ang nakakakita sa mga bahaging mas totoo na hindi madalas nasisilayan ng iba. Sa bawat simpleng ngiti mo, parang humihinto ang mundo at ikaw na lang ang natitira sa paningin ko. Happy Birthday, my Janjan."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results