Hindi pa umaamin sina Janella Salvador at Klea Pineda sa tunay na estado ng relasyon, ngunit base sa kanilang mga kilos, walang dudang may namamagitan na sa dalawa.
Kagaya na lamang nang maispatan ng netizens ang dalawa na magkahawak-kamay habang naglalakad sa Mactan-Cebu International Airport.

Sa TikTok kahapon, March 8, 2026, nag-upload ang ilang netizens ng video nina Janella at Klea sa airport.
Caption ng isa, "The kind of chemistry you can’t fake. ctto."
@axis1847 The kind of chemistry you can’t fake.???? ctto.@Klea Pineda @Janella #foryoupage #kleapineda #fyp #janellasalvador #lovewins ? original sound - Jea_Klea
Ayon sa isa pa, "Janella Salvador at Klea Pineda naaktuhan holding hands sa Cebu Airport! #janellasalvador #kleapineda #cebu #cebucity #fyppppppppppppppppppppppp"
@backstage.pass.ph Janella Salvador at Klea Pineda naaktuhan holding hands sa Cebu Airport! #janellasalvador #kleapineda #cebu #cebucity #fyppppppppppppppppppppppp ? original sound - Backstage Pass PH
Caption ng isa, "Yung dalawa happy at enjoy sa kung anong meron sa knila, ang mga basher stress"
@kleanaticsforever07 Yung dalawa happy at enjoy sa kung anong meron sa knila, ang mga basher stress ????????. Crdt po sa owner ng video. #KleaPineda #foryoupage???? #views #JanellaSalvador #tiktok ? original sound - KleaNatics Forever
Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church
JANELLA SALVADOR, KLEA PINEDA REPORTEDLY BOUGHT A LOT
Ayon pa sa isang video na inilabas ng fans ng dalawa, bumili raw ng lote sina Janella at Klea.
Hindi lang daw ito basta lote kundi isang malaking lote.
Ayon sa video, "Grabe ang lawak ng lupa na nabili nina klea at Jea. Congrats klea and Janella. Sobrang deserve nyo yan."

Caption ng uploader, "Deserve nyo yan Klea and Janella."
@kleanaticsforever07 Deserve nyo yan Klea and Janella ????????!!! UH baka sabihin gaya-gaya ???? @Klea Pineda @Janella #KleaPineda #WeLoveYouKLEA #foryoupage???? #JanellaSalvador #fyp?? ? original sound - KleaNatics Forever
Hindi malinaw ang lokasyon ng nabiling lote ng dalawa.
Namataan ding magkasama sina Janella at Klea noong birthday ng ina ni Klea na si Charito Pineda sa isang resort sa Angeles, Pampanga, nakaraang February 10, 2026.
Read: Janella Salvador, son Jude bond with Klea Pineda’s family
Hanggang ngayon ay wala pang direktang pag-amin ang dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Nagsimulang ma-link ang dalawa nang kanilang gawin ang 2025 Cinemalaya queer film Open Endings.
