Meet Jozef Maynard Borja Erece, 25, isang Filipino-Kiwi-Australian na kinilala bilang isa sa mga pinakabatang abogado sa buong mundo.
Si Jozef ay naging abogado noong siya ay 18 anyos lamang. Siya rin ang itinuturing na “youngest law graduate” sa kasaysayan ng Australia, New Zealand, at Pilipinas.
Itinuturing rin siyang youngest lawyer sa maraming bansa sa southern hemisphere.
Mababasa ito sa iba't ibang international websites.
Nagtapos siya ng Bachelor of Laws mula sa University of Southern Queensland noong 2015, at sa parehong taon ay nakumpleto ang Graduate Diploma in Legal Practice sa Queensland University of Technology.
Naging laman siya ng news sa Australia nang ganapin ang kanyang admission ceremony sa grupo ng mga abogado at solicitors ng Supreme Court of Queensland noong September 7, 2015.
Bukod pa rito, natapos ni Jozef ang Master of Corporate Law, isang nine-month long program sa University of Cambridge sa United Kingdom, noong 2021.
Ang University of Cambridge ay itinuturing na isa sa mga pinaka-prestihiyosong universities sa buong mundo, at ang acceptance rate as of 2020 ay wala pa sa 20 percent, base sa 3, 997 na natanggap out of 20,426 applications.
Pangalawang master's degree na ito ni Jozef, na nagtapos ng Master of Legal Studies sa Australian National University of Canberra.
Dahil sa dami ng kanyang achievements, itinuturing si Jozef bilang isang “genius, polymath, and prodigy.”
Nagsimula siyang magsalita noong siya ay eight months old. Naka-publish na si Josef ng isang fantasy novel, noong siya ay eight years old.

Natapos niya ang kanyang secondary education bilang valedictorian sa edad na 14 sa New Zealand.
Lumipat ang kanyang pamilya sa Australia nang magsimula na siyang magkolehiyo.
JOZEF VALUES RELATIONSHIPS
Pero nang ma-interview si Jozef ni Direk Rene Molina sa kanyang YouTube channel noong September 2021, sinabi ni Jozef na ang pinahahalagahan niya ay ang “relationships” na nabubuo niya sa kanyang pag-aaral.
Sabi ni Jozef, “I think a lot of it is the relationships you form along the way, when you talk about learning and pursuing enlightenment, and knowledge and trying to build the toolset to be able make a positive difference in the world.
“A lot of the time, you end up just by virtue of the fact that you’re going in the same direction, meeting of sort of like-minded people.”
Patuloy niya, “I think that the most valuable element and aspect of the experience have been the relationships with like-minded people, like-hearted people that make the journey worthwhile.
“It makes it memorable and fun journey, sharing experiences and journey…”
EXCELS IN EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES
Hindi lang sa academics nag-e-excel si Jozef kundi pati na rin sa sports at music.
Sa kanyang taas na 6’1”, isa siyang magaling na basketball player.
Naging team captain siya sa mga basketball teams ng kanyang schools sa New Zealand at Australia, at nakakaabot ang kanyang teams sa regional competitions.
Sa katunayan, nire-recruit siya noon para mag-train sa Ateneo Blue Eagles at sa national team na Gilas Pilipinas, pero mas pinili niya ang edukasyon sa Australia.
Aniya sa interview ni Direk Molina, “[I'm] pretty content with the path that I’ve taken.
“I’m quite at peace with the way that things have turned out. I’m quite happy with the story that had been unfolded.”
Nagsimulang mag-aral ng martial arts si Jozef sa edad na limang taon.
Pagsapit niya ng 14 years old, ginawaran siya ng third degree black belt at naging youngest taekwondo instructor sa New Zealand.
Natuto si Jozef na tumugtog ng violin noong siya ay six years old at napabilang sa iba’t ibang youth symphony orchestras sa New Zealand.
Isa ring mahusay na chess player si Jozef, na naglaro sa kanyang secondary school at tinalo ang mga chess players na mas senior sa kanya sa national level sa New Zealand.
IT RUNS IN THE FAMILY
Ang mga magulang ni Jozef ay sina Dr. Maynard Victor Erece, isang educator, at si Dr. Josephine Ana Borja-Erece, isang medical doctor.
Pareho silang graduates ng University of the Philippines sa Baguio City kung saan sila nagpakasal.
Nagtungo sila sa New Zealand noong 1996 at kalaunan ay pumunta sa Australia.
Ang kapatid naman ni Jozef ay si Maynah Lourellen Josephine Erece na magtatapos ng double degree—Bachelor of Science major in Psychology at Bachelor of Arts major in Creative Writing.
Bukod sa pagiging scholar, si Maynah ay isa ring writer, ballerina, at contemporary dance choreographer.
Read also:
- Sobrang quota! Valedictorian sa Bulacan, humakot ng 60 certificates, 30 ribbons, 24 medals
- Graduate, ipinaalam sa parents na siya ay magna cum laude gamit ang money cake
- Yanna Jillianne Cruz, na-judge, napag-iwanan ng batch; nag-Top 2 sa CPA board exam
- Matthew Volante, summa cum laude: sad story behind his success