Nakuha ng Pinoy doll artist na si Noel Cruz ang paghanga ng mga doll collectors, pati na rin ng local at Hollywood celebrities.
Nakakabilib kasi ang kanyang mga obra.
Ito yung mga factory-made dolls at action figures.
Matapos silang bilhin ni Noel ay pinipintahan niyang muli ang mga ito para mas maging kamukha o kahawig ng mga artista at famous movie characters.
Read:
- Alvin Ocampo: known maker of doll dresses now full-fledged fashion designer
- Pinoy doll candidate shines in annual international pageant
Sa pamamagitan ng paint contouring, shading, at metikulosong pagpipinta ng mga detalye sa mukha, ang kanyang mga likha ay nagiging miniature versions nina Angelina Jolie, Johnny Depp, Michael Jackson, Audrey Hepburn, Gal Gadot, Henry Cavill, at Gigi Hadid.
Meron ding Princess Diana, Queen Elizabeth II, Emma Watson, Kristen Stewart, at si V ng BTS.
Sa local showbiz naman ay mayroong Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Manny Pacquiao.

Audrey Hepburn doll

V of BTS

Catriona Gray doll
Naibebenta ni Noel ang kanyang mga obra via international online shopping sites tulad ng eBay. Tumatanggap din siya ng commissioned work.
Paglalarawan nga ni Christine Bersola-Babao sa binili niyang Audrey Hepburn doll mula kay Noel ay “buhay na buhay" ang manika.

Christine Bersola at ang kanyang Audrey Hepburn doll at si Noel Cruz via Zoom interview
Sa U.S. na nakatira ngayon si Noel kasama ang kanyang pamilya. Nagsimula siya roon bilang janitor at saka gumuhit ng portraits.
Pero kalaunan ay nakilala siya dahil sa kanyang repainted dolls.
ASHTON KUTCHER AND ANGELINA JOLIE NOTICE NOEL'S WORKS
Maraming tanyag na tao ang nakakapansin sa mga pambihirang obra ni Noel.
Na-feature na rin siya sa international media tulad ng New York Times at UK Daily Mail.
“Ashton Kutcher shared my work,” ani Noel tungkol sa Maleficent doll na ginawa niya at ishinare ni Ashton sa social media.
Ibinahagi rin ni Noel ang kuwento tungkol kay Angelina Jolie, na napansin rin daw ang kanyang gawa.
Marami sa mga repainted dolls ni Noel ay si Angelina.
“I have this very interesting story that somebody told me,” ani Noel sa vlog ni Julius Babao noong May 2021.
“Because in 2008, I created an Angelina Jolie doll which sold $3,000 [PHP168,000] and the buyer of the doll happened to be from France.”

Noong mga panahong iyon ay nasa France din daw si Angelina at naghahanda para ipanganak ang kanyang twins na sina Knox Léon and Vivienne Marcheline.
Pagpapatuloy ni Noel, “Somebody told me that Angelina Jolie secretly bought the doll.
“It might just be an anecdote, but what a coincidence for her to be in France and for this buyer to be in France.”
Napahanga at napa-post din sina Catriona at Pia dahil sa mga manikang ginawa ni Noel na kawangis ang dalawang former Miss Universe.
Paulit-ulit din daw ni-repost ng ama ni Liza Soberano ang gawa ni Noel na manika ni Liza.

Ang mga obra ni Noel ay ipino-post niya sa kanyang Instagram at Facebook accounts.
NOEL ON BEING RECOGNIZED
Bukod sa nag-e-enjoy sa ginagawa, kumikita pa si Noel.
“Not only do you get compensated, but even more important is you get compensated significantly by people’s feedback. And to me, that’s very important.
“I really take pride in what I do, and you would hope when people finally receive the dolls, matutuwa sila. It’s well worth what they paid for.”
Ang pagkilala at paghanga ang nagbibigay ng satisfaction kay Noel sa kanyang ginagawa.
“Some are pretty emotional feedback from my clients, saying how touched they were.
“I wouldn’t have even fathomed in my mind when I was younger that this could be such an impactful way na maaapetukhan mo yung mga clients just by creating these dolls."
STARTED FROM NOTHING
Lumaki sa hirap si Noel na taga-Muntinlupa. Sa murang edad ay sinuportahan siya ng kanyang mahal na ina sa kanyang hilig sa pagguhit.
Noong 21 anyos siya, pumanaw ang kanyang ina sa edad na 52.
Taong 1988 ay lumipad si Noel, kasama ang asawa, sa U.S., kung saan siya nagtrabaho bilang janitor.
“It’s very tough and really just trying to raise a child with an income that you only make a minimum wage,” kuwento ni Noel sa BITAG Media Digital nitong Marso 2023.
Nagsimula ang kanyang pagpipinta noong 2001.
Hilig ng kanyang misis ang mangolekta ng dolls.
Kuwento ni Noel kay Julius Babao, kaswal siyang nagba-browse sa Internet, at namangha siya sa mga manikang buhay na buhay ang itsura.
Kinuha niya ang mga manika ng asawa at pinagpraktisan ito ni Noel nang maraming linggo.
Nang ibenta niya sa eBay ang kanyang unang obra ay may bumili at doon na nagsimula ang kanyang pagiging repaint artist.
Pati ang kanyang ina ay ginawan din niya ng manika, at dala-dala niya ito sa kanyang trips.
Sabi ni Noel, “My mom always wanted to travel, but we were so poor. We could never afford that.
“So right now, when I take the doll with me, I think as if somehow napapasyal ko siya.”

Si Noel bitbit ang manika ng ina nang dumalaw sa puntod nito
Ano ang susi sa kanyang tagumpay?
Ani Noel, may pagmamahal siya sa kanyang ginagawa.
“I literally started from nothing, I am thankful I have the passion, because passion is very important. And you have to have the focus, just make it come to your heart. Motivation must be coming from the heart.
"If you have the drive and desire and passion to do something, there is nothing impossible that can be achieved."
