Isa nang ganap na abogado ang isang lalaking visually impaired na mula sa University of Baguio (UB).
Si Anthony Mark Dulawan Emocling ay nagtapos mula sa UB Law School.
Siya ang kauna-unahang bulag na kumuha at nakapasa sa bar examination.
Isa siyang cum laude at Political Science graduate mula sa UB at anak ng isang taxi driver, post ng Baguio Chronicle Facebook page.
Related articles:
- Beauty queens, siblings, police officer, licensed professionals among 2022 Bar Exam passers
- Inah Revilla, Tippy Dos Santos among 2022 Bar Exam passers
Read also: Nerikka Escario, nabulag pero naipasa ang board exam; nag-mental solving sa math problems
Mismong si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Pablito V. Sanidad Sr. ay binati si Anthony dahil naging estudyante niya si Anthony.
Post ni Sanidad sa Facebook: “Congratulations ANTHONY MARK DULAWAN EMOCLING!!! My blind student at the University of Baguio, School of Law (UBSOL) who against all the odds and despite being blind is now a Lawyer!”
Si Sanidad ay isa ring bar topnotcher noong 1967 at naging dean ng UB School of Law kaya naging estudyante si Anthony.
Si Anthony ay hindi ang unang bulag na bar examinee.
Ang UB law student na si Christopher Yumang, na may kapansanan din sa paningin, ay kumuha ng bar exam noong 2014.
Gayunman, mostly ay essay ang exam ni Yumang at nag-exam siya sa harap ng isang Supreme Court Examiner, ayon sa Baguio Chronicle. Hindi siya pinalad na makapasa.
Inilabas ang resulta ng 2022 Bar Exam nitong Biyernes, April 14, 2023.
Ang nakapasa ay 3,992 mula sa 9,183 na kumuha noong November 2022.
MORE NON-CELEBRITY STORIES:
