PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Round 2! Isa pang anak ng dating TNT sa Japan, pumasa rin sa bar exam

Congrats!
by Bernie V. Franco
Published Apr 19, 2023
maiko kay baysa and lynk juren baysa tarpaulin bar passers
Noong 2022, viral si Renato Baysa nang isabit ang tarpaulin ng anak na si Lynk Juren Baysa, isang bar examinee taong 2021, bago pa man lumabas ang resulta. Ngayong 2023, isinabit muli ni Renato ang tarpaulin ng anak na si Maiko, isa ring bar examinee taong 2022, kahit wala pa ang resulta. Pasado ang dalawang anak, at ngayon ay pareho nang abogado.
PHOTO/S: Maika Kay Baysa

Dalawa na ang abogado ng single father na naging TNT (Tago Nang Tago) noon sa Japan at pag uwi sa Pilipinas ay naging jeepney operator!

Nag-viral noong nakaraang taon ang pag-akyat sa puno ng isang ama para isabit ang tarpaulin ng kanyang anak na pumasa sa 2021 bar exam.

Ang interesting dito, isinabit ni Mang Renato Meniado Baysa, 66, ang tarpaulin ng anak na si Lynk Juren Baysa, 29, bago pa man nito malamang pumasa ito sa bar.

Read: Anak ng dating TNT sa Japan, pumasa sa bar exam

Muling naulit ang eksena ngayong 2023, matapos pumasa rin sa 2022 Bar Exam ang isa pang anak ni Mang Renato na si Maiko Kaye Baysa, 32.

Kuwento ni Maiko, bago pa man niya nalamang pasado na siya sa bar exam ay isinabit na ng ama ang kanyang tarpaulin.

Bahagi ng tweet ni Maiko noong April 15, 2023: “Aga nating gumising kaya i-share na lang natin to for now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My dad and my brother celebrating ahead of me. (Di ko kasi inalam agad yung results)

“Lord God, thank you po. I promise to be of service to the people. Today is my Day 1.”

[twitter:

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maiko kung ano ang pakiramdam niya na history repeats itself ang nangyari.

“Natawa ako, actually. The first person I call after learning that I passed the Bar Exams was, of course, my father,” mensahe ni Maiko sa PEP.ph nitong April 18.

“When I called him, though, ang response nya sa akin was ‘tawag ka mamaya, nagsasabit ako ng tarp.’

“Kidding aside, though, I felt so happy that I made my dad proud cause I felt na kompyansa syang papasa ako.”

Sa tarpaulin na isinabit ni Mang Renato, mababasa kung gaano siya ka-proud na naitaguyod kanyang dalawang anak na pareho nang ganap na abogado.

Kalakip ng larawan ng kanyang dalawang anak na abogado ay ang mga salitang: “From single [parent] ‘daddy”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga bahagi na lang tayo ng isang kwento balang araw, tulad ng pagsakripisyo at paghubog ko nang mabuti sa aking mga anak.

“Kahapon a isang panaginip at pangarap lamang pag-gising ko kanina totoo na pala: THANK YOU LORD”

Maiko kaye baysa and lynk juren baysa tarpaulin

NAGING WORKING STUDENT

Sabi ni Maiko, na graduate sa nursing, gusto sana talaga niyang kumuha ng medicine, pero hindi nila kaya ang pagkamahal-mahal na tuition.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Maiko, “Di po kasi kami well-off but we were great dreamers, I guess.

“I took up nursing po in the hopes that I could use it as my pre-med course.

“Unfortunately, we could not shoulder med school expenses at that time.”

May nagmungkahi kay Maiko na kumuha na lang siya ng abogasya.

“I heard I could take up law as well and thought kaya ko naman, so I pursued it along with my brother."

Dahil nasa tamang edad na rin, hindi na inobliga nina Maiko at Lynk Juren ang ama na sagutin ang lahat ng gastusin sa pag-aaral.

Naglakas-loob din siyang mangutang noong mga panahong naging mahirap ang buhay dahil sa pandemya.

Kuwento ni Maiko, “We felt na dapat responsible na kami sa mga sarili namin when we were studying law.

“Minsan, di ko na pinapasa yung responsibility na magpa-tuition kay Daddy since sabay kami ng brother ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was working as an instructor in UST when I was in law school. Pa-unti-unti rin yung tine-take kong subjects so I could manage the fees.

“When times got tougher (ie, covid), I had to borrow money from friends who were gracious enough to loan some to me.

“Actually, yung fees ko nung 4th year ako was hiram from several people kasi bumagsak talaga business namin as jeepney operators that time.”

Lahat ng sakripisyo ni Maiko ay nagbunga. Kabilang ang pangalan niya sa 2022 Bar exam results.

Dalawa na silang abogado sa pamilya.

Si Maiko ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang senior associate sa SGV & Co., isang professional services firm, habang si Lynk Juren ay empleyado sa Supreme Court.

Ani Maiko, “I really plan to be of service to people in any way. I do not see myself doing otherwise.

“I promise to render my services to people in need in any way that I can dahil doon ko nakikita ang fulfillment ng lawyer work. I feel na yun talaga yung calling ko as a lawyer.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVICE TO BAR EXAMINEES

May payo rin si Maiko sa mga kukuha ng bar exam in the future o sa mga nais maging abogado.

“Persevere. I heard from some of my profs na yung law school ay hindi lang para sa matalino. Para rin siya sa matiyaga.”

Giit ni Maiko, hindi ang sitwasyon ang magdidikta o maglilimita sa gusto mong hangarin.

Base ito sa kanyang personal experience.

“When the circumstances tell you you’re not fit to be a lawyer, dictate the circumstances by persevering.

“I’ve failed many times. Transferred to different schools several times. Had I given up in the first moment of failure, I would not become a lawyer years later.

“And for an average learner like me, ito yung kaya kong gawin. Kaya don ako kumapit.

“Hindi sila ang magdidikta kung magiging abogado tayo o hindi. Tayo ang gagawa ng paraan para mangyari yon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2022, viral si Renato Baysa nang isabit ang tarpaulin ng anak na si Lynk Juren Baysa, isang bar examinee taong 2021, bago pa man lumabas ang resulta. Ngayong 2023, isinabit muli ni Renato ang tarpaulin ng anak na si Maiko, isa ring bar examinee taong 2022, kahit wala pa ang resulta. Pasado ang dalawang anak, at ngayon ay pareho nang abogado.
PHOTO/S: Maika Kay Baysa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results