Nag-viral agad ang TikTok video ng isang content creator mula sa New York City, USA, dahil na-interview niya si Anne Curtis.
Hindi pala talaga alam ng TikToker na si Shan Rizwan, na ang kausap niya ay isang tanyag na artista sa Pilipinas.
Ang content ni Shan ay random na lumalapit sa pedestrians at ini-interview sila para malaman kung ano ang kanilang trabaho.
Read: TikToker who interviews random people had "no idea" he interviewed Anne Curtis; views hit millions
Ipinost niya sa TikTok ang interview niya sa isang babae noong June 6, 2023. Walang ideya si Shan na si Anne Curtis ito.
Pumalo na sa halos 29 million views ang video after only three days. Ito rin ang video ni Shan na may pinakamalaking views ngayon.
Pero may ibang netizens ang nagdududa kung scripted lang ba na di kilala ng influencer si Anne.
Pero rebelasyon ni Shan, na isa palang half-Filipino, hindi niya talaga kilala si Anne.
Maraming netizens pa ang may witty reactions sa parte nang tanungin ni Shan si Anne ng “What’s your income.”
“Uhh, it’s pretty personal,” pag-iwas ng aktres at It’s Showtime host.
Sobrang ikinagulat ni Shan ang pangyayaring ito at ang video interview with Anne ay patuloy ang paglobo ng views.

SHAN ON VIDEO WITH ANNE: “ONE OF THE CRAZIEST THINGS”
Naglabas ng kanyang reaction si Shan sa isang follow-up TikTok video nitong Huwebes, June 8.
Inamin niyang wala siyang kamalay-malay kung gaano kasikat ang kanyang na-interview.
“This is one of the craziest things to ever happen to me,” sambit ni Shan.
“So, I coincidentally and obliviously ran into the most followed woman in the Philippines, Anne Curtis.
“I am half-Filipino, my mom is from Iloilo. But I had no idea who Anne Curtis was.”
Kuwento ni Shan, inakala lang niyang ang pag-interview niya sa babaeng naglalakad, na si Anne Curtis pala, ay tulad lang ng iba niyang random interviews.
Ani Shan, “The context on how this interaction happened was that I was pretty much just going up to strangers, trying to guess their jobs for TikTok.
“And I literally just went up to Anne Curtis, not knowing who she was.”
Ang napansin daw ni Shan ay naging mabait sa kanya ang aktres. Naranasan na raw kasi ni Shan ang mapahiya sa mga nai-interview.

Sabi ng influencer, “And she was down to do an interview. And what you saw is exactly what happened.
“And she easily could’ve just blown me off, as I get blown off a lot as a street interviewer in New York City, but she gave me a few minutes of her day, and [she] was super authentic and genuine.
“It was fun making that video.”
Pinasalamatan ni Shan ang lahat ng mga nagpa-viral sa kanyang TikTok video, gayundin si Anne, na inimbitahan pa niyang gumawa ng part two video.
Sabi ni Shan, “I wanted to make this video to give a huge shoutout to everyone that watched the video, and was very supportive.
“But more importantly, I wanted to thank Anne Curtis for taking the time to talk with me.
“She was super humble for all the things that she did just gave. A super down-to-earth vibe.
“Anne if you’re watching if you ever wanna make a part two video, or maybe I go to the Philippines, yeah, just let me know.
“Probably one of the most serendipitous interactions I’ve had living in New York City.”
Ayon sa article, si Shan ay isang TikTok star na ngayon ay may 1.7 million followers at higit 162 million views, dahil na rin kay Anne.
