Madalas, pagkain ang karga ng mga food-delivery rider sa kanilang motor o bisikleta.
Pero recently, a post about a rider went viral when a netizen took a picture of him carrying a dog on his shoulder.
Ipinost ng netizen na si Jhed Reiman Laparan ang photo ng rider na naglalakad imbes na nakasakay sa kanyang bisekleta.
May karga ang rider na malaking aso, na ayon sa Facebook account ng News5, ay isang Siberian Husky, na halatang matamlay at hindi umaalma habang karga-karga.
Read: Meet Scooter, World’s Ugliest Dog 2023 winner; netizens inalmahan ang contest
IPINALIGAW NA ASO, NAKAKAANTIG NG MGA PUSO
Inilahad ni Jhed sa post at sa News5 ang pangyayari.
Nakita raw ng delivery rider ang isang bata na may kasamang aso sa gitna ng tirik na araw.
"Sabi raw sa kanya ng bata na ipinapaligaw daw yung aso sa kanya.
"Sabi naman ni Kuya, 'Naku, bakit niyo ililigaw iyan? May buhay din naman iyan, akin na lang, iuuwi ko.'"
Pumayag daw ang bata.
Aniya pa si News5, "Mukha kasing nalalagas na yung buhok ng aso, may lahi pa naman, Husky."
Sa tuwa raw ni Jhed, hindi siya nag-atubiling ibahagi ito online.
Sa mga ganitong posts, puwedeng maraming ma-inspire at gayahin din ang kabutihan ng iba.
Puwede ring for social awareness dahil hindi dapat ililigaw o itatapon ang asong may sakit.
Read: Ang cute! Pet dog, nakilala pa ang ex-boyfriend ng amo 18 months after breakup
Aniya, sa gitna ng trabaho ng rider at sa kainitan ng araw, hindi ito nagdalawang-isip na kargahin ang aso.
Isinantabi muna nito ang sariling pangangailangan para sa kawawang aso.
RIDER, NAKILALA NA!
Likod ng food-deliver rider ang nakita sa nag-viral na photo sa Facebook.
Sa Bow House Facebook Page, ipinakilala kung sino siya matapos mag-viral online.
Siya si Junius Arellano, na pinangalanang Kiba ang bagong alaga.

Nakakalungkot isipin na ganito ang sinapit ng aso.
Ipinaligaw umano ito ng dating may-ari dahil natakot na baka mahawa ang mga anak sa mange o sakit sa balat ng aso.
Read: Rare "asong gubat" o "witch dog," kikilalaning pure-breed asong Pinoy ang orig
Mabuti na lang at to the rescue si Junius, na dinala agad sa veterinarian ang aso.
Kiba was diagnosed with Ehrlichia and Babesiosis.
Ayon sa Wikipedia, “Ehrlichia is a genus of Rickettsiales that are transmitted to vertebrates by ticks.”
Naresetahan ng gamot si Kiba at ito’y nagpapagaling na.
Masaya si Junius sa nagawa niyang ito para kay Kiba, na ngayon ay nasa isang loving hom kasama ang iba pang house pets na si Bela, 5-year-old aspin, at 10 rescued cats.
Kung tutuusin, puwede namang binigyan lang niya ng panggamot o pagkain ito, pero Junius went the extra mile.
Sabi ng rider,“Nagkatinginan lang kami tapos hindi ko na magawang iwan siya.
“Kaya’t sinabi ko, ako na lang mag-aalaga kay Kiba. Kahit mabigat siya, binuhat ko na lang siya pauwi.”
ANIMAL LOVERS REACT
Lungkot at pagkahabag ang naramdaman ng dog lovers para kay Kiba.
Hindi nga naman porke’t may karamdaman ang aso, basta na lang siya ipapatapon.
Pero gaya ng isang pelikula, may bidang superhero na sinalba siya at binigyan ng bagong buhay.
Kaya pinuri ng netizens ang pambihirang malasakit ng lalaking rider sa husky.
Pagka-dismaya at galit naman ang ipinukol ng karamihan sa dating amo ng aso.
As of press time, recovering na si Kiba, at may mga nagpaabot ng tulong sa kanya.