Kitang-kita ang pagkakaiba nina Sultan Kosen ng Turkey at Jyoti Amge ng India nang lumabas recently ang kanilang mga larawan at video na magkasama.
Ang kanilang very obvious difference: si Sultan, 41, ay 8’2” ang height habang si Jyoti, 30, ay 2’1” lamang.
Nagkita ang dalawa sa California, U.S.A. nito lamang Lunes, February 19, 2024.
Pero may pagkakapareho sila: pareho silang Guinness World Records holder.
Si Sultan ang tinaguriang tallest man alive, habang si Jyoti ang smallest woman.
Sa isang larawang nai-post, makikita na halos kasing-taas ni Jyoti ang sapatos ni Sultan.
Ipinost din ng dalawa ang kanilang pagkikita sa kani-kaniyang Instagram account.
Read: Lalaki, tumatangkad kada tatlong buwan; ano ang dahilan?

Jyoti Amge (left) is almost as tall as the shoe of Sultan Kosen.
Ayon sa IG post ng Guinness World Records, muling nagtagpo ang dalawa para sa isang proyekto na hindi binanggit.
Hindi naman nila first time magkita. Noong 2018 ay nagkasama sila sa Cairo, Egypt, para bisitahin ang mga pyramids sa Giza.

Sultan and Jyoti in Cairo, Egypt in 2018
Pero ang first-ever nilang pagkikita ay noong 2013 nang lumabas sila pareho sa Guinness World Records TV show in Chinese.
Si Sultan ay opisyal na hinirang na Guinness World Record tallest man noong 2009.
Bago siya, ang naunang record holder ay si Bao Xishun, pero naungusan siya ni Sultan dahil mas mataas ang huli ng 10 centimeters.
Si Sultan din ang record holder ng world’s largest hands of a living person, na ang haba ay 11.22 inches mula sa pulso hanggang sa dulo ng kanyang daliri.
Nang tumuntong sa edad 10 si Sultan, tinubuan siya ng isang tumor na naging sanhi para magkaroon ng medical condition na pituitary gigantism.
Si Jyoti naman na isang aktres ay mas maliit pa sa average na two-year-old toddler noong tumuntong siya sa edad na 18.
Ang kanyang pagiging maliit ay dulot ng isang uri ng dwarfism na kung tawagin ay achondroplasia, na nangangahulugang hindi na siya tatangkad.
Si Jyoti ang unang nahirang na world’s shortest living female teenager noong siya ay 15.
Noong siya ay naging 18 years old, itinanghal siya bilang Guiness World Record shortest living female.
