PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki, tumatangkad kada tatlong buwan; ano ang dahilan?

New contender for the world's tallest man.
by PEP team
Published Jan 4, 2023
Awuche being measured
Pangarap ng Ghanian na si Awuche, o Sulemana Abdul Samed, na maging driver. Pero dahil sa bigla niyang paglaki simula noong 22 years old siya, hindi na siya magkasya sa mga sasakyan. Aniya, "I am okay. I don't have a problem with the way God created me."

Na-curious si Favour Nunoo, isang senior journalist mula sa Greater Accra Region, Ghana, sa kaso ng 29-year-old Ghanian na si Sulemana Abdul Samed, mas kilala bilang Awuche.

Nakarating kasi sa kanyang kaalaman na matapos itong ma-check up sa isang clinic, ang sukat nito ay nasa 9 feet and 6 inches (2.89m).

Ayon kay Favour, kung totoo ito, posibleng maging kandidato si Awuche bilang tallest man in the world.

Awuche sitting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, nalaman niyang hindi sure ang clinic sa ibinigay na sukat dahil wala itong correct measuring tools.

Si Awuche ay suki sa nasabing clinic at kada tatlong buwan ay may appointment.

Na-diagnose siya na may kondisyon na tinatawag na “gigantism” ilang taon na ang nakalilipas.

Nang sukatin siya, bulalas ng nurse, "You've grown taller than the scale."

Dahil dito, nag-improvise na lang ang staff ng clinic para ma-estimate ang kanyang height.

READ:

Meet Rumeysa Gelgi, world's tallest living woman

Meet Galen Casida, 7’2”, ang tallest man sa General Santos City

TINIYAK ANG SUKAT

Ayon naman kay Favour, nang una niyang makita si Awuche ilang buwan na ang nakararaan ay wala siyang dalang measuring tape para matiyak ang height nito.

Kaya sa pagkakataong ito, nagbalik siya sa village ng mga ito at nagdala ng 16 feet measuring tape.

Ang plano ni Favour ay pasandalin si Awuche sa pader, saka kukunan ng sukat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iyon nga lang, mas mataas pa ito sa mga bahay sa village.

Awuche smiling

Hanggang sa wakas ay makakita sila ng building na sapat ang taas para ito masukat.

Matapos ang proseso, deklara ni Favour, "The measuring tape reads 7ft 4in."

Awuche being measured

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Awuche sa kanya, "Wow, so what does it mean?"

"Well, the tallest man alive is 8 feet, 2.8 inches tall, he is barely one foot taller than you."

Ang tinutukoy ni Favour ay ang 40-year-old na si Sultan Kösen na taga-Turkey at kasalukuyang may hawak ng Guinness World Record.

Hindi naman umano nadismaya si Awuche.

Sambit nito, "I'm still growing tall. Who knows, maybe one day I may get to that height, too.

"Every three months or four months I grow. If you've not seen me for three months or four and you see me, you'd realize I have increased."

PANGARAP MAGING DRIVER

Ang pagtangkad ni Awuche ay nagsimulang mapansin noong 22 years old at lumipat sa Accra nang makatapos ng secondary school.

Nagtrabaho siya sa slaughterhouse at nag-ipon para mag-aral magmaneho.

Isang umaga ay nagising siyang may kakaiba sa kanya.

"I realized my tongue had expanded in my mouth to the extent that I could not breathe.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang araw, natuklasan niyang nagsimula na ring lumaki ang ibang bahagi ng kanyang katawan.

Maging ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan ay napuna ang kanyang sobrang paglaki.

Mas tumangkad siya sa mga taong nakakasalamuha niya.

Napilitan siyang magpakonsulta dahil sa pagsulpot ng iba pang kumplikasyon na dulot ng kanyang sobrang pagtangkad.

Nagkaroon siya ng abnormally curved spine, isa sa prominent symptoms ng kanyang condition.

Awuche's deformed back

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon din siyang Marfan syndrome, isang genetic disorder na nakaaapekto sa connective tissues ng katawan at nagreresulta sa abnormally long limbs.

Bukod dito, nagkaroon siya ng kumplikasyon sa puso.

Ayon sa mga doktor, kailangan ang surgical procedure sa kanyang utak para huminto ang kanyang paglaki.

Pero hindi covered ng public healthcare insurance ng Ghana ang nasabing procedure.

Nabibigyan lang siya ng basic treatment—at kailangan pa rin niyang magbayad ng katumbas ng US$50 sa kanilang currency o (PHP2,798.40).

NABAWASAN ANG SOCIAL LIFE, PERO SIKAT

Anim na taon ang nakalipas, nagbalik na siya sa kanilang village. Hindi niya natupad ang pangarap na maging driver.

Paliwanag ni Awuche, "I was planning to go to driving school, but even when I shift the seat back, I can't hold the steering wheel.

“I can't stretch my leg because my knee will knock the wheel."

Para kumita, nagtitinda siya ng mobile phone credits. Nabawasan na rin maging ang kanyang social life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I used to play football like every other young man. I was athletic, but now I cannot even walk short distances."

Ang kanyang sapatos ay yari sa goma ng gulong ng sasakyan—na ginagawa lang ng isang local handyman dahil walang magkasya sa kanya.

Sa kabila nito, masayahin, palangiti, at palakuwento si Awuche.

Local celebrity siya kung ituring sa kanilang village.

Maging mga dayuhan sa kanilang lugar ay nagpapa-selfie sa kanya.

Madalas din siyang tanungin kung siya ang “giant” na nakikita ng mga ito sa social media.

"I usually will say: 'Yes, come closer.' We stand and take nice pictures."

WISH MAGKAROON NG SARILING PAMILYA

Nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya sa todong suportang ipinagkakaloob ng mga ito sa kanya.

Wala naman siyang ibang kapamilya na taglay ang kanyang condition, maging ang tatlo niyang kapatid na lalaki.

"None of them are tall, I am just the tallest man."

Pangarap niyang magkaroon ng asawa at mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa ngayon, gusto muna niya maging maayos ang kanyang kalusugan.

Prayoridad niya ang makakalap ng pondo para sa plastic surgery para maayos ang problema niya sa balat na nababatak sanhi ng sobrang paghaba ng kanyang paa.

Tanggap din ni Awuche ang kanyang kalagayan, "That is how Allah chose it for me.

"I am okay. I don't have a problem with the way God created me."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pangarap ng Ghanian na si Awuche, o Sulemana Abdul Samed, na maging driver. Pero dahil sa bigla niyang paglaki simula noong 22 years old siya, hindi na siya magkasya sa mga sasakyan. Aniya, "I am okay. I don't have a problem with the way God created me."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results