PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerry Watamama: from security guard to registered criminologist

He is the first-ever Criminologist board passer from the Manobo Dulangan Tribe.
by Bernie V. Franco
Published Mar 25, 2024
Jerry Uwag Watamama
“Nag-continue pa rin ako, nag-security guard pa rin ako,” say Jerry Uwag Watamama, who worked as a security guard to finance his college education and board-exam review.
PHOTO/S: Jerry Uwag Watamama

Sulit ang lahat ng paghihirap ni Jerry Uwag Watamama na isa nang registered criminologist ngayon.

Isa si Jerry, 25, taga-Sultan Kudarat, sa mga pumasa sa 2024 Criminologists licensure exam nitong February 2024.

Isa at kalahating taon siyang naging tagalinis sa campus at tatlong taong naging security guard para matustusan ang pag-aaral at pagre-review sa board exam.

Mahirap ang pamilya ni Jerry. Pero gaano man kahirap ang buhay, nagsikap siyang maabot ang pangarap na makapagtapos at makapasa sa board.

Siya rin ang kauna-unahang board passer mula sa tribo ng Manobo Dulangan, na ang ibig sabihin ay "high place" kaya nakatira sila sa bundok.

Aniya sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ay, sobrang saya ko, Sir. Sobrang thankful at napaka-blessed ko talaga.

“Kasi kahit na sobrang daming hirap naming pinagdaanan... Kasi working student ako. Pero sa awa ng Diyos, nalampasahan ko lahat. At nakapasa rin ako sa board exam.”

Suwerte si Jerry na nabigyan siya ng scholarship sa college. Pero sa kabila nito ay kinailangan niyang maging working student para matustusan ang allowance at mga gastusin para sa kanyangboard exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala kasing permanenteng trabaho ang mga magulang niya na nakikitanim at nakiki-ani sa bukid.

Si Jerry rin ang panganay sa tatlong magkakapatid na lalaki, kaya't ramdam niya ang malaking responsibilidad sa kanyang mga balikat.

Read: Meet Lady Anne Duya, scholar and first female Aeta to pass Criminologists Licensure Exam

HE TOOK ON ODD JOBS TO FINANCE COLLEGE EDUCATION

Kumuha ng kursong Criminology si Jerry sa Notre Dame Tacurong College sa Sultan Kudarat.

Pero inabot siya ng limang taon bago nakapagtapos dahil sa financial difficulties.

Sa first year ng kolehiyo ay nag-working student na siya sa mismong paaralan.

“Naglilinis ng mga room, nagwawalis, ganyan. Tapos, taga-trapo [tapunas] ng mga libro.”

Pagsapit ng second year ay namasukan siyang security guard. Aniya, maraming establishments siyang nilipatan para maging guard.

“Palipat-lipat lang bilang security guard, minsan sa lodging house, minsan sa mga commercial building, at sa mga internet cafés,” lahad ni Jerry.

Nag-aaral sa umaga, security guard sa gabi. Ganoon ang naging buhay ni Jerry sa loob ng ilang taon. Mahirap man, kinailangan daw niyang magtiis dahil sa kagustuhang makapagtapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Night duty ako bilang security guard. Tapos, pag araw, nag-aaral ako. Pag natulog ako, mga-ala-una ng umaga. Five hours ang sleep.

“Yung ano lang tulog-tulog, pero hindi na normal na tulog talaga.”

Tiniis din niya ang pagiging malayo sa pamilya para sa kanyang pag-aaral.

“Pangbaon talaga. Pang-allowance sa araw-araw. At saka pangbayad ng boarding house.

“Nag-boarding house ako, kasi yung family ko, nasa bundok man sila. Sa Tacorong City kasi ako nag-aral.”

“Hirap na hirap pa rin yung parents ko na mabigyan ako ng mga allowances, yun yung pangkain. Kaya hirap-hirap talaga ako sa financial…”

Jerry Uwag Watamama

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Single mom in Cavite turns home into animal shelter; has 200 rescued animals including a baboy-ramo

Mahirap man na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, determinado si Jerry na makatapos.

Alam niyang hindi magbabago ang kanilang buhay kung hihinto siya sa pag-aaral.

“Kasi wala din naman pinagkaiba kung titigil ako. Gano'n pa rin. Mahirap. Kaya pinili ko na lang magpursige at magtiis hanggang sa makatapos at makapasa ng board kaysa titigil sa pag-aaral.

“Gusto ko kasi makahanap ng magandang trabaho at makaahon sa kahirapan. Saka yung parents ko talaga, hirap.”

WORKED AS SECURITY GUARD WHILE REVIEWING FOR THE BOARD EXAM

Noong Mayo 20, 2023, sa wakas ay naka-graduate na si Jerry.

Pero panibagong hamon na naman ito dahil kailangan niyang mag-review para sa board exam.

Itinuloy niya ang pagiging security guard para may panggastos. Alam niyang walang kakayahan ang mga magulang para matustusan ang kanyang pagre-review.

Ganoon uli. Review sa umaga, security guard sa gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-continue pa rin ako, nag-security guard pa rin ako,” saad niya.

“Ang totoo nga niyan, nakatigil pa ko ng isang buwan sa review dahil isang financial problem.”

Pero nang magkaroon na ng pambayad ay itinuloy ni Jerry ang pag-review kahit na nakalaktaw siya ng isang buwan.

Sabi niya, "Hindi ako nakapag-final coaching sa isang area dahil sa financial problem talaga.

"Natigil ako ng isang buwan sa review. Bumalik pa rin ako. Palapit na board exam, at yung review patapos na."

Dumating ang araw ng board exam. Hindi man sapat ang pagre-review, sinabi ni Jerry na kumpiyansa siyang makakapasa siya.

"Nahirapan naman kaunti. Pero hindi naman masyadong nahirapan. Although hindi ako nakapag-focus sa pag-review. Pero naka-prepare man din para masagutan din ang mga tanong sa board exam," sabi niya.

PASSING THE BOARD EXAM

Paglabas ng results, kabilang ang pangalan ni Jerry sa mga nakapasa.

“Super blessed talaga. Kasi kahit na mahirap yung board exam, isa ako sa mga nakapasa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kahit na medyo kulang-kulang yung preparation ko sa board exam, makapasa pa rin.”

Achievement raw para kay Jerry na nagawa niyang suportahan ang pag-aaral.

“Gumagawa rin ako ng paraan. At least, makatulong rin ako sa pamilya ko na mabawas-bawasan rin yung problema sa pagsuporta sa akin.”

Jerry Uwag Watamama and parents graduation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay instructor si Jerry isang private school sa kanilang lugar.

Ang pangarap niya eventually ay makakuha ng trabaho sa tri-bureau—Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology.

Ang payo naman niya sa mga kagaya niyang salat sa buhay, gawin itong motivation at isipin na ang kahirapan ay hindi dapat pang-habang-buhay.

“Ang mapapayo ko lang sa mga kabataan na may mga pangarap na gustong abutin ang pangarap na kahit mahirap sila, huwag talaga natin gawing excuse ang sitwasyon natin.

“Yung sitwasyon natin, gawing dahilan para huwag itigil yung gusto mong abutin.

“Ipagpatuloy mo lang yung pangarap mo at gawan talaga ng paraan at mag-succeed.

At, simple, manalangin sa taas para gabayan ka Niya para maabot yung pangarap mo.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nag-continue pa rin ako, nag-security guard pa rin ako,” say Jerry Uwag Watamama, who worked as a security guard to finance his college education and board-exam review.
PHOTO/S: Jerry Uwag Watamama
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results