PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Single mom's Cavite home shelters 200 rescues, including a wild boar

183 cats, 22, dogs, and one baboy- amo
by Chan-Chan Torres
Published Mar 21, 2024
Cats inside house
Arizza Dungca, a single mom from General Trias, Cavite, decided to turn her home into an animal shelter for rescued cats, dogs, and even a baboy ramo (inset).
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Dumarami ang pakalat-kalat na stray cats and dogs sa daan, kaya malaking bagay ang animal shelters na tumatanggap sa mga aso at pusang inabandona at kinawawa ng ibang tao.

Isa na rito ang The Cat House sa Cavite na pinapatakbo ni Arizza Dungca, 43.

Ilang beses nang na-feature ang The Cat House sa ilang social media platforms.

Muli itong itinampok sa programang Tao Po ng ABS-CBN nitong March 16, 2024, kung saan ipinakita ang kabuuhan ng animal shelter.

Arizza Dungca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Arizza Dungca, 43, turns her home into an animal shelter for cats, dogs, and even a wild boar.

Read: 12-year-old kid traps leopard inside office

THE CAT HOUSE IN CAVITE

Matatagpuan sa General Trias, Cavite, nagsimulang mag-operate ang animal shelter noong 2019 bago mag-pandemic.

“Currently, we have 183 cats and 22 dogs and farm animals,” sabi ni Arizza.

Ang nakakabilib kay Arizza, ang kanyang mismong bahay ang ginawa niyang animal shelter.

“May ni-rescue kaming baboy damo noong isang gabi. Ni-rescue siya mula sa place na yun dahil baka makatay,” kuwento ni Arizza na hindi na nagdetalye kung saang lugar nakita ang baboy ramo.

baboy ramo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Cat House's recent rescue—a baboy-ramo or wild boar

Read: 1,800-year-old Roman relic discovered by construction worker

Bata pa lang si Arizza, naroon na ang malasakit at pagmamahal niya para sa mga hayop.

Kaya hindi na bago sa kanya ang pagtulong sa mga hayop na inabandona at nangangailangan.

“Ako po, I grew up with animals. Yun pong parents ko, kahit mahirap ang buhay namin, nila noon, sinisikap nilang magpakain ng mga strays.”

rescued cats

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

The Cat House animal shelter has around 200 rescued animals

Read: Woman insecure of her wide forehead undergoes surgery worth PHP638,000

ANIMAL SHELTER IS LOVE

Ang nag-iisang anak ni Arizza at dalawang helper ang katuwang niya sa pag-maintain ng shelter.

Hindi biro ang pagpapatakbo nito. Bukod sa gastos para sa pagkain at mga gamit, kailangan din ng manpower na mahilig talaga sa hayop.

“Ang hirap balewalain. Kaya ang ginagawa namin, ginagawan namin ng paraan para makuha iyon.

"Yung mga rescues po namin sa iba’t ibang lugar, merong galing lang sa malapit, meron ding galing sa malayo.”

Kahit nasa General Trias, Cavite, ang The Cat House, dinarayo pa rin ito ng mga animal lovers na nakikipaglaro sa mga rescued animals.

Nagkataong naroon din ang grupo ng Tao Po kaya naabutan nila ang mga kabataang galing pa ng Metro Manila.

“Birthday po ng idol namin which is from a K-pop idol group, and advocacy nila is for children and animals,” sabi ng bisitang si Farrah Nicole Cordeno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At naging inspiration na rin po namin na mag-organize ng events such as this to celebrate their birthdays.”

Bumilib din ang mga bagets na bisita sa dedikasyon ng The Cat House, lalo na sa pag-aaruga nila sa mga inabandonang hayop.

KAPON ANG SOLUSYON ADVOCACY

Aside from her love for animals, Arizza wants to spread awareness about spay and neuter procedures done for cats and dogs.

“Gusto ko rin sanang makapag-educate, makapag-raise ng awareness tungkol sa pagkakapon.

“Kasi kalimitan yun talaga ang nagiging problema ng mga nag-aalaga ng hayop—yung pagdami,” sabi niya.

Malaking tulong ang kapon sa hindi na pagdami ng mga pusa at aso, lalo pa’t na-rescue na sila.

May mga health benefits din ang procedure na ito sa inyong fur babies.

Samantala, kahit parami nang parami ang rescued animals sa The Cat House, nakakabilib na alam lahat ni Arizza ang mga pangalan nila.

“Isang technique para matandaan ko lahat ng names nila ay kung saang lugar ko sila na-rescue at kung kailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya na lang ni PB, isang dog na na-rescue niya sa may Padre Burgos Avenue sa Cavite City.

“Meron naman si Cali, kasi nakuha siya sa Calumpang [Laguna], sa baybaying dagat,” kuwento pa ni cat mom Arizza.

animals

CURRENT CHALLENGES BEING FACED BY The Cat House

Ang hamon ngayon kay Arizza ay ang laki ng kanyang animal shelter dahil sa dumaraming bilang ng rescued animals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay na work-from-home ang kanyang trabaho since 2012 kaya bukod sa may source of income siya, may oras din siya para sa mga alaga.

Medyo mahihirapan lamang siya kapag may mga emergency health cases.

Ipinakita ni Arizza ang dalawa niyang rescued cats na dumaan sa critical condition noon.

Isa rito si Almond na nasagasaan at sumailalim sa dalawang reconstruction ng panga at bibig dahil nabasag sa aksidente. Bulag na rin ito.

Ipinakita rin niya si Tracy na binanlian ng tubig ,at nagkaroon ng maggots ang sugat. Kita pa rin ang malaking sugat sa katawan ng pusa pero pagaling na ito.

May na-rescue rin siyang pusa na pinangalanan niyang Lolo Gary dahil ito na ang pinakamatanda sa mga na-rescue niya.

Sa kabila ng lahat, masaya si Arizza. Aniya, walang kapantay ang makitang masaya at ligtas ang mga animals sa kanyang shelter.

Mabuti ang kalooban at maganda ang layunin ni Arizza, kaya may mga taong sumusuporta sa kanyang adbokasiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa The Cat House, maaring bisitahin ang Facebook Page (The Cat House) nito.

Sabi nga ni Arizza, “Yung mga hayop, parang hanggang kamatayan mahal ka nila. Walang araw na hindi ka nila minahal.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arizza Dungca, a single mom from General Trias, Cavite, decided to turn her home into an animal shelter for rescued cats, dogs, and even a baboy ramo (inset).
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results