Ang kambal na sina Audrey Doering at Gracie Rainsberry ay may dalawang rason para mag-celebrate
Una, pareho silang valedictorian sa kani-kanilang high school.
Pangalawa, nagkaroon sila ng reunion sa isang American morning talk show kung saan una ilang nagkita.
Yup, sina Audrey at Gracie ay kambal na nagmula sa China. Taong 2007, nagkawalay ang dalawang sanggol nang ipaampon sa magkaibang pamilya.
Taong 2017, noong naganap ang una nilang reunion.
Pareho silang may heart condition at dinala sa U.S. para sumailalim sa heart surgeries.
Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis
Matapos ang isang dekada, ang nag-ampon kay Audrey na si Jennifer Doering ay nagsaliksik tungkol sa nakaraan ng kanyang adopted daughter.
Natuklasan ni Jennifer mula sa isang Chinese researcher na si Audrey ay may kambal na babae na ang pangalan ay Gracie.
"As soon as I had that picture, I was desperate to find out who that other child was," sabi noon ni Jennifer sa interview ng Good Morning America ng ABC Network.
Natunton ni Jennifer sa Facebook ang inang nag-ampon kay Gracie—si Nicole Rainsberry.
Si Jennifer ay nasa Wisconsin at si Nicole naman ay nakatira sa Washington.
Nangyari ang unang pagkikita nina Audrey at Gracie sa Good Morning America noong 2017, at parejho silang 10 years old noon.
Emosyonal ang pagkikita ng kambal, at simula noon ay nagkikita ang dalawa twice a year.

Read: Twins separated at birth discover each other on TikTok after 19 years
TWINS REUNITE AGAIN
Kamakailan, muling bumisita ang kambal sa Good Morning America.
Pareho na silanng 18 anyos, at pareho rin silang valedictorian sa kani-kanilang school.
Dumalo si Gracie sa graduation ni Audrey, at iyon din ang gagawin ni Audrey sa nalalapit na graduation ni Gracie.
Ani Gracie sa programa: "As Audrey mentioned, our situation is not ideal, it’s not like most twins.
“But I’m so glad that I was able to go down and be with Audrey on her special day. And then when I graduate, she’s going to be able to come to Washington."
Sabi naman ni Audrey sa sitwasyon nila ng kakambal: "Obviously, our situation is not like other twins ... but we've just had so many amazing opportunities.
“We've been able to travel together and experience so many firsts, which has been special.
"I think just the best part is spending time with each other ... and just seeing how we’ve matured, but how we’re still very similar."
Magkokolehiyo si Audrey sa Vanderbilt University sa Nashville, Tennessee, habang si Gracie naman ay sa Eastern Oregon University.
May full scholarships sina Audrey at Gracie sa kani-kanilang papasukang university.
