PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taxi driver returns bag with PHP200K cash

Pampaospital pala ng kanyang pasahero ang pera.
by KC Cordero
Published Oct 4, 2024
Photo of James Palma with his taxi cab
Tiniyaga ng taxi driver na si James Palma na hanapin ang mag-asawang naging pasahero niya para isoli ang naiwang PHP200,000. Napaiyak pa siya nang malamang gagamitin pala iyon sa pagpapaospital. (Photo courtesy of GMA Regional TV One Western Visayas)

Hindi nagdalawang-isip ang taxi driver na si James Palma, 57, na ibalik ang perang naiwan ng kanyang pasahero.

Pagbabahagi ni James sa ulat ng GMA Regional TV noong October 1, 2024, naisakay niya ang isang mag-asawa mula sa isang ospital sa General Luna Street sa Iloilo City bandang alas diyes ng umaga noong September 23.

Read: Store owner may pa-free snacks sa mga estudyanteng perfect sa exam

Photo of James Palma
Ang taxi driver na si James Palma. Photo: GMA Regional TV One Western Visayas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janitor sa NAIA pinarangalan matapos magsauli ng napulot na cash

Nagpahatid ang mga ito sa Iloilo Central Market.

Nang makababa na ang mag-asawa at naghahanap na siya ng bagong pasahero, nakita niya ang isang itim na bag sa upuan sa likod ng kanyang taxi.

Nang silipin ni James ang bag, nakita niyang may laman iyon na PHP PHP200,000 cash.

Agad hinanap ni James ang mag-asawa.

Naibalik din niya ang bag na may lamang pera sa mga ito bandang hapon noong araw ring iyon.

Read: 11-year-old Ifugao isinauli ang PHP100K+ na napulot sa jeepney

Tuwang-tuwa ang mag-asawang may-ari ng bag dahil talagang nag-effort si James na hanapin sila para lang maibalik sa kanila ang pera na kung tutuusin ay malaki ring halaga.

TAXI DRIVER'S REASON

Ayon naman kay James, madali lang para sa kanya ang magsauli ng mga bagay na naiiwan sa kanya sa taxi kahit pa malaking pera iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi umano niyang iniisip ang kapakanan ng may-ari kaysa ang mga pansarili niyang pinagdaraanang hirap.

Read: Horrible painting found by junk dealer is a Picasso worth PHP338M

Pagbabahagi pa ng taxi driver, madali lang para sa kanya ang kumita ng pera basta malusog siya.

“Baka di na po ako makakahingi sa Diyos ng magandang kalusugan kung may bagabag sa dibdib ko.”

Lagi umano niyang ipinagdarasal na manatili siyang malusog para maresolba niya anuman ang kanyang problema.

Naiisip din niya ang pakiramdam at sitwasyon ng isang nawalan ng pera—kaya hindi siya natutuksong angkinin ang hindi kanya.

Read: Stranger obtains fraudulent deed to dentist’s PHP232M property

MONEY FOUND BY TAXI DRIVER INTENDED FOR HOSPITAL BILL

Nalaman din ni James mula sa mag-asawa na gagamitin pala ang pera sa pagpapa-confine sa ospital ng isa sa mga ito.

Kinabukasan, September 24, ang admission.

Napaluha pa umano siya nang sabihin iyon sa kanya ng mag-asawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inimbitahan naman ng mga ito si James sa kanilang tahanan sa bayan ng Pavia para personal siyang mapasalamatan.

Ayon kay James ay hindi dapat angkinin ng kahit sino ang hindi nito pag-aari.

At kung may mapulot, dapat isauli.

Dagdag pa ng taxi driver, kung ganito ang panuntunan sa buhay, mas nagbubukas ang pintuan sa pagdating ng mga biyaya.

Read: Man buys PHP226K Taylor Swift-signed guitar, smashes with hammer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyaga ng taxi driver na si James Palma na hanapin ang mag-asawang naging pasahero niya para isoli ang naiwang PHP200,000. Napaiyak pa siya nang malamang gagamitin pala iyon sa pagpapaospital. (Photo courtesy of GMA Regional TV One Western Visayas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results