Ang cancer ward sa three-story Child Health Department ng Korle Bu Teaching Hospital sa Accra, Ghana, ay laging puno ng mga batang pasyente.
Sabihin pa, malungkot ang atmosphere dito.
Pero noong November 14, 2025, napuno ng masisiglang sigawan ng mga batang pasyente ang corridors ng ospital.
Kahit may dextrose sa kamay ang mga ito, nagawa nilang maupo sa gilid ng kani-kanilang kama.
Maging ang mga hindi halos makatayo ay nilabanan ang panghihina at kakikitaan ng ngiti sa mga labi.
Tumigil din muna sandali ang mga nurse sa kanilang rounds.
At panandaliang nakalimutan ng mga magulang ang pangamba at pagod.

Ang dahilan: dumating ang Brazilian na si Leonardo Muylaert, na may taas na six feet seven inches (2.03-meters).
Nakasuot siya ng iconic blue-and-red Superman suit and cape—na labis na nagpa-excite sa mga bata.
Read: Meet Ronerick Ballesteros: Up-and-coming Filipino pro boxer
BRAZILIAN SUPERMAN BRINGS EXCITEMENT TO CHILD CANCER PATIENTS
Si Leonardo Muylaert ay kilala sa buong mundo bilang "Brazilian Superman."
Isa siyang lawyer na ang espesyalisasyon ay civil rights.
Una na siyang nai-feature ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 20, 2024.
Bumisita siya sa Ghana at isa sa kanyang pinuntahan ang ospital ng mga batang may cancer.
Bawat batang pasyenteng lapitan niya ay hinahawakan ang kanyang mga kamay.

Hindi magkamayaw ang mga magulang para makipag-selfie sa kanya.
Ayon sa ulat ng news website na France 24 last November 15, sinabi ng isang medical staff na namangha sila sa tila magic na dala ng Brazilian Superman.
"He moved from bed to bed, giving each child attention.
"For some of them, this is the first time we’ve seen them smile in weeks."
Ibinahagi naman ng parents na tuwang-tuwa ang mga bata nang makita si Superman.
Napakalaking bagay umano iyon para sa kanila.
Ayon sa isang nanay, tahimik lang na nakahiga ang kanyang anak sa kama, “But he had the energy to wake up as soon as he saw him."
Read: Rare one-eyed kitten born in Brazil
HOW BRAZILIAN SUPERMAN BECAME POPULAR
Pinili ni Leonardo niyang bisitahin ang Ghana para sa kanyang birthday.
"I feel I identify with the culture, with the heritage, with the happiness.”
Ang Brazilian Superman ay nag-aral sa United States sa ilalim ng isang basketball scholarship program.
Una naman siyang sumikat noong 2022 habang nasa Comic-Con convention sa Sao Paulo.
Isang estranghero ang kinunan siya ng video dahil namangha sa laki ng hawig niya sa Superman film star na si Christopher Reeve.
Ang video ay nilagyan ng estranghero ng caption na: "Am I seeing Clark Kent?"
Agad itong nag-viral sa TikTok.
Wala namang kaalam-alam si Leonardo na sikat na siya dahil wala siyang social media account noon.
Read: Meet Lyle and Eleanor Gittens: World’s longest-married couple
BRAZILIAN SUPERMAN TRIES TO BE A SYMBOL OF KINDNESS AND HOPE
Sa isang kaibigan nalaman ni Leonardo na tinagurian na pala siyang Brazilian Superman sa social media.
Aniya sa isang panayam: "It was funny and crazy to read that so many people think I look like Superman."
Hanggang maisipan niyang bumili ng Superman suit na old-fashioned.
Sinimulan niyang lumibot sa Brazil bilang si Superman.
Bumisita rin siya sa mga ospital, school, at mga charitable institution.
Nagpapa-selfie siya sa mga pasahero kapag nakasakay sa public transport, at maging sa mga nakakasalubong niya sa mga daan.
Ani Leonardo, pinilit niya ang sariling maging symbol of kindness and hope—nang walang bayad.
Read: Couple looks strikingly similar; often mistaken as twins
BRAZILIAN SUPERMAN SAYS EVERYBODY CAN BE A HERO
Sa ngayon, hindi na lang sa kanyang sariling bansa naghahatid ng kindness and hope ang Brazilian Superman.
Binibisita niya ang mga higit na nangangailangan sa buong mundo.

Sa Accra, pagkaalis niya sa ospital, nagpunta siya sa isang prosthetics workshop kung saan tinuturuang maglakad ang mga batang kinabitan ng artificial leg.
Pagkakita sa kanya, nagsigawan ang mga ito ng: "Superman! Superman!"
Nakipaglaro siya sa mga ito ng football.
Para kay Akua Sarpong, ang founder ng Lifeline for Childhood Cancer Ghana, dama agad ng mga bata ang impact ng Brazilian Superman.
"I have seen so many children smiling and happy, even children undergoing treatment sitting up that I haven’t seen in a long time.
“He has brought such positive change."
Para naman kay Leonardo, ang pagbisita niya sa Ghana ay nagpalakas sa kanyang paniniwala sa small acts of kindness.
"The smile on their faces changes the world."
Sambit pa niya, kahit sino ay maaaring maging superhero, at hindi na kailangan ang kapa.
Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone
