5 Pinoy pancit pasok sa Top 50 Best Noodle Dishes in the world

by Mavell Macaranas-Dojillo
6 days ago
pancit
World-class ang pancit ng Pilipinas dahil pasok ang five pancit dishes sa 50 Best Noodle Dishes ng TasteAtlas ngayong September 2022.
PHOTO/S: shutterstock

Para sa ating mga Pinoy, maituturing ng staple dish ang pancit.

Ke ordinaryong meryenda o magarbong handaan, present ito.

At huwag kayong magtaka kung sa mga susunod na panahon ay mas dumami ang magka-interes dito.

Hindi lang kasi isa kundi limang pancit dishes ng mga Pinoy ang napasama sa Top 50 Best Noodle Dishes ng TasteAtlas para sa September 2022 edition nito.

Previously ay napabilang sa best dishes list nila ang adobo at adobo at sinigang.

Also Read:

  1. Sinigang na Baboy Top 1 sa best-rated soups in the world list
  2. Adobo at sinigang, hindi natutunan ng mga sinaunang Pinoy sa Kastila

RANKING NG PINOY PANCIT

Naka-rank ang all-time favorites nating pancit (#24), pancit canton (#31), pancit bihon (#33), pancit palabok (#34), at pancit lomi (#48), kasama ang iba pang noodle dishes mula sa iba’t ibang bansa.

Nakuha ng Khao soi ng Thailand at Tonkotsu ramen ng Japan ang una at pangalawang pwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-post ang list na ito sa Facebook page ng TasteAtlas at may caption na, "World's noodle dishes ranking according to TasteAtlas audience ratings."

Ang TasteAtlas ay ang world encyclopedia pagdating sa pagkain, ayon sa website nito.

Ang Top lists nila ay ibinabatay mula sa critics' reviews ng food professionals at hindi nagmula sa user-generated accounts.

ANG PANCIT, BOW!

Ang noodles na may konting gulay, pampalasa, at sinahugan ng karne ay inihahanda sa halos lahat ng okasyon, lalo na sa birthdays dahil pinaniniwalaang simbolo ito ng mas mahabang buhay para sa celebrant.

Bukod sa mga hapag-kainan ng mga tahanan at handaan, ito ay mabibili rin sa mga street-food stalls at specialty restaurants na tinatawag na panciteria.

Base sa mga pag-aaral, ang pancit ay impluwensiya ng mga Intsik sa mga Pilipino as far back as 16th century.

pancit malabon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Limang pancit dishes ng Pinoy ang pasok sa 50 Best Noodle Dishes ng TasteAtlas

China rin ang itinuturong origin ng noodles, tulad ng kung paanong Italy ang origin ng pasta.

Ang term na “pancit” ay tumutukoy sa mismong noodles of different types.

Ilan sa mga pinaka-popular na klase nito ay ang rice vermicelli (bihon), egg noodles (canton or lomi), yellow cornstarch noodles (palabok), wheat vermicelli (miswa), and glass noodles (sotanghon).

Iyan din ang batayan ng mga pancit dishes sa Pilipinas. Iba-ibang noodles, iba-ibang sangkap o maging ang paraan ng pagluluto, pero same, old, comforting pancit!

RATING NG PINOY PANCIT

Sa nakaraang listahan na inilabas ng Taste Atlas, ang Pinoy pancit ay binigyan ng 4.3 rating, bagama’t hindi malinaw kung anung klase ito dahil ang general term na “pancit” ay maaaring tumukoy sa ibang variations ng stir-fried noodles na sinahugan ng karne or hipon at mga gulay.

Ang pancit canton na gawa sa mabibilog na egg noodles ay nakakuha ng 4.2 rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin ang ibinigay na rating sa pancit bihon, na gawa sa rice vermicelli na manipis at transparent pag naluto na.

Parehong rating ang ibinigay sa pancit palabok, na popular sa mga taga-Malabon at madalas na sinasahugan ng tokwa, tinapa, dinurog na chicharon, giniling na karne, at ng special palabok sauce.

Ang pancit lomi na ibinibida ng mga taga-Batangas ay nakakuha ng 4.0 rating.

Gamit dito ay matatabang egg noodles at karaniwang isine-serve na may malapot na sabaw at mga toppings, gaya ng atay at karne ng baboy, kikiam, chicharon ,at nilagang itlog.

pancit lomi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katakam-takam ang mga Pinoy pancit kaya’t hindi nakapagtatakang itinuturing ang mga ito na best in the world.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
World-class ang pancit ng Pilipinas dahil pasok ang five pancit dishes sa 50 Best Noodle Dishes ng TasteAtlas ngayong September 2022.
PHOTO/S: shutterstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results