PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeus Collins turns PHP50K savings into food business with 43 branches

Nitong pandemic, dahil walang gig at paubos na ang savings, nagnegosyo siya.
by Melba R. Llanera
Published Jan 26, 2023
Zeus Collins
Hashtags member Zeus Collins credits his fiancée Pauline Redondo for pushing him to venture in business in 2021: "Naubos ang savings ko, kabado na kasi nga nag-pandemic akala natin saglit lang then naubos ang savings ko.... Sabi ko di ito puwede maubos ng ganito lang, kailangang makaisip ng paraan kasi walang show."
PHOTO/S: @hashtag_zeuscollins on Instagram

Sobra-sobra ang pasasalamat ng Hashtags member na si Zeus Collins dahil sa success ng food businesses na itinayo nito at ng kanyang fiancée na si Pauline Redondo.

Mayroon silang dalawa na Japanese food kiosk, at open sila for franchising.

Noong April 2021 unang binuksan ni Zeus at Pauline ang Ta Ramen Na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong buwan matapos nito, noong July 2022, nagbukas muli ang dalawa ng panibagong food business, ang Le Katsu MNL.

Ngayon, naka-focus sina Zeus at Pauline sa patuloy na paglago ng kanilang mga negosyo.

Sabi ni Zeus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung sa business kaya medyo dun ako naka-focus ngayon kasi nga nag-pandemic, walang trabaho, nagsarado pa ang ABS-CBN kaya nag-isip ako ng puwede pang pagkakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naisip namin yung mga business namin na Le Katsu, mga katsu, mga Japanese food, at mayroon na kaming forty-one business at kaka-isang taon pa lang namin.

"Sobrang blessed ako nun kaya ito ang pinagkakaabalahan ko."

Paglalarawan naman ni Zeus sa business set-up nila, "Kiosk, depende sa mga nagpa-franchise sa amin kung gusto nila ng mini-restaurant, pero kami nag-start kami sa kiosk lang. As in sa labas lang."

Nakapanayam ng PEP.ph si Zeus sa Hey Pretty Skin year-end party na ginanap sa Marriot Hotel sa Pasay City, noong December 13, 2022.

As of January 20, 2023, nadagdagan pa ng dalawang branches ang kanilang business at umabot na ito sa 43 branches.

GETTING STARTED

Ayon kay Zeus, isa sa mga naging dahilan kung bakit nito naisipang sumugal sa isang food business ay dahil sa pandemic.

Kuwento nito, "Naubos ang savings ko, kabado na kasi nga nag-pandemic akala natin saglit lang then naubos ang savings ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang mga fifty thousand [pesos] na lang, siyempre mayroon tayong pamilya, nandiyan yung mama ko, mga kapatid ko na umaasa sa akin.

"Sabi ko di ito puwede maubos ng ganito lang, kailangang makaisip ng paraan kasi walang show."

Patuloy nito, ang kanyang long-time partner na si Pauline ang nakaisip at nag-motivate na pasukin ang pagnenegosyo.

Patuloy na kuwento ng Hashtags member, "Hanggang yung girlfriend ko, 'Mag-business na lang tayo.' Sabi ko, 'Anong business? Wala akong alam sa business.'

"Nag-suggest siya kaya hayun nagtuloy-tuloy."

Sa kabila ng magandang takbo ng negosyo, di naman tuluyang tinatalikuran ni Zeus ang pag-arte?

"Di naman, napakasuwerte ko na nandito na tayo, bakit ako titigil, di ba?

"Hanggang kaya pa, kaya ko pang sumayaw, may mga projects pa naman di ako titigil.

"Lagi kong pinagpapasalamat na nakapasok ako sa showbiz, di ko naman dati naiisip yun.

"Di ba nga lagi kong sinasabi ang pangarap ko talaga ay maging back-up dancer ng mga artista, pero tingnan nyo ngayon kahit papaano nakapasok ako kahit kaunti lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Saka di ako yung basta-basta na susuko na ayoko nang mag-showbiz, hindi, tutuloy-tuloy pa rin. Basta may offer bakit hindi? Talagang tatanggapin ko iyan."

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtags member Zeus Collins credits his fiancée Pauline Redondo for pushing him to venture in business in 2021: "Naubos ang savings ko, kabado na kasi nga nag-pandemic akala natin saglit lang then naubos ang savings ko.... Sabi ko di ito puwede maubos ng ganito lang, kailangang makaisip ng paraan kasi walang show."
PHOTO/S: @hashtag_zeuscollins on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results