PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cory Quirino Revives Eng Bee Tin Hopia Brand

Bakery Fair, magbabalik pagkatapos mahinto ng dalawang taon dahil sa pandemic.
by Jojo Gabinete
Published Feb 9, 2023
cory quirino gerry gerik chua eng bee tin
(Left) TV personality Cory Quirino during her visit to Eng Bee Tin store in Binondo; (right) Eng Bee Tin owners Gerry and son Gerik Chua.
PHOTO/S: Courtesy of Gerik Chua

Muling ibabalik ng Filipino Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI) ang biennial event na Bakery Fair na pansamantalng nahinto dahil sa coronavirus pandemic.

Si Gerik Chua, vice president for operations ng Eng Bee Tin, ang kasalukuyang pangulo ng FCBAI.

Pangunahing layunin ng FCBAI na isulong at iangat ang industriya ng bakery sa Pilipinas para makatulong sa ekonomiya ng ating bansa.

Ang Bakery Fair 2023 ay tatlong araw na magaganap: March 2, 3, at 4 sa World Trade Center, Pasay City.

Pinahahalagahang mabuti ni Gerik ang katungkulan nito bilang pangulo ng FCBAI dahil ang kanyang ama na si Gerry Chua ang kauna-unahang pinuno ng nabanggit na samahan na nag-umpisa ng Bakery Fair.

Kabilang si Gerry sa ikatlong henerasyon ng mga Chua.

Ang kanyang lolo na si Chua Chiu Hong ang nagtayo ng Eng Bee Tin noong 1912, pero si Gerry ang may ideya na gumawa ng ube hopia na nagpatatag nang husto sa kanilang negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang Eng Bee Tin, hindi siya pangalan ng tao. Eng is forever, Bee is beautiful, Tin is precious, forever beautiful and precious,” paliwanag ni Gerik tungkol sa pangalan ng kanilang bakery business.

gerik chua eng bee tin

Nangunguna ngayon ang Eng Bee Tin sa paggawa ng mga hopia na may iba’t ibang klase ng lasa, pero ang ube ang pinakapopular.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naging hadlang ang pandemya para huminto ang pamilya ng Chua sa pagtulong. Namigay sila ng mga tinapay sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho at halos walang makain, isang paraan ng pagbabahagi ng mga grasya na kanilang natatanggap dahil nagdaan din sila sa mga pagsubok.

Ayon kay Gerik, naranasan noon ng pamilya niya ang pagbagsak ng kanilang negosyo pero nakabangon dahil sa kanyang ama na hindi huminto sa pagsasaliksik hangga’t hindi natutuklasan ang klase ng hopia na magugustuhan ng mga tao.

“Sira-ulo at shoplifter ang tawag noon sa father ko. Sira-ulo kasi dati lagi siya sa kalsada, nagta-traffic.

“E, kilalang-kilala sila na walang bumibili sa tindahan nila. Sabi ng mga tao, ‘Sira-ulo ng batang ito. Imbes na tumutulong sa negosyo nila, nandito sa kalsada, nagta-trapik.’

“Ang hindi nila alam kaya nagta-trapik siya, para makalabas yung firetruck tapos sasakay siya kasi ang pakiramdam niya, bumbero siya, at sixteen years old.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto niya maging bumbero kasi kapag nagbubumbero siya, iniisip niya na makakatulong siya sa kapwa, hindi puro problema," kuwento ni Gerik tungkol sa kanyang ama.

Hindi natupad ang pangarap ng ama ni Gerik na maging bumbero pero naging firefighter volunteer ito. Nagbigay rin siya sa maraming lugar ng firetrucks na ube ang kulay bilang pagbibigay-pugay sa ube hopia na dahilan ng pagbangon ng kanilang tumamlay noon na negosyo.

gerry chua firetruck

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy na kuwento ni Gerik, “Tinatawag siyang shoplifter noon dahil siya nga ang bumibili ng ingredients at gumagawa ng hopia, nagbabalot, nagbebenta.

“So every afternoon, pumupunta siya sa supermarket. Araw-araw nagpupunta siya, araw-araw wala siyang binibili kaya naging suspect siya na shoplifter.

“Noong panahon na yon, yun lang ang tindahan na may aircon. Siyempre, pagkatapos niya magtrabaho nang buong araw, gusto niya na magpalamig sa supermarket,”

Si Gerry chua ay nagmamay-ari ngayon ng 15-storey airconditioned purple building sa Binondo at sangay ng mga Eng Bee Tin sa Robinsons at SM malls.

CORY QUIRINO'S ROLE IN THE RESURRECTION OF ENG BEE TIN

Kinikilala ng pamilya ni Gerik ang malaking partisipasyon ng TV personality na si Cory Quirino sa pagbangon ng Eng Bee Tin.

Si Cory ang host ng Citiline, ang lifestyle program na napanood sa ABS-CBN mula 1994 hanggang 1999 at siya ang kauna-unahang gumawa ng feature story tungkol sa Eng Bee Tin sa kanyang television show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang tawag namin sa kanya, angel namin,” pagsasalarawan ni Gerik sa apo ni dating Pangulo Elpidio Quirino na nagpunta sa Chinatown para sa isang episode ng Citiline.

Si Gerry ang pinakabata noong firefighter volunteer sa Filipino-Chinese community kaya siya ang ininterbyu ni Cory.

Si Gerry ang nagboluntaryong samahan si Cory at ang production crew nito sa pag-iikot sa Chinatown dahil hindi pamilyar ang grupo sa nasabing lugar.

Nang dumating sila sa isang Chinese temple, tumanggi ang namamahalang papasukin si Cory at ang mga kasama nito.

Si Gerry ang nagkumbinsi sa namamahala na payagang mag-shoot si Cory sa loob ng Chinese temple dahil sinabi niyang sikat na TV show ang Citiline kaya malaki ang tsansang marami ang magbibigay ng suporta kapag napanood sila sa telebisyon.

Nang matapos ang TV shoot, niyaya ni Gerry si Cory na kumain muna sila kahit wala siyang pera kaya ikinatuwa pa niya nang tumanggi ang Citiline host dahil may pupuntahan pa itong ibang lakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pasasalamat sa kanyang pagtulong sa Citiline staff sa paglilibot sa Chinatown, inihatid si Gerry ni Cory sa kanyang tindahan kaya nakita ng TV host ang Ube Hopia signage.

“Ano yan?” tanong ni Cory kay Gerry, na nagpaliwanag na siya ang nag-imbento at gumawa ng ube hopia.

Makalipas ang isang linggo, nakatawag si Gerry ng tawag sa telepono mula sa production staff ng Citiline dahil gusto ni Cory na interbyuhin siya tungkol sa ube hopia.

Dito na nagsimula na makilala ang Eng Bee Tin.

“Angel namin siya,” ulit na sabi ni Gerik tungkol kay Cory, na nananatiling kaibigan ng kanilang pamilya mula noon hanggang ngayon.

Sa tanong kung may lifetime supply si Cory ng hopia, natawa si Gerik bago nito sinabi na, “Anytime, basta kailangan niya. Nag-o-organize siya lagi ng mga pageant. Basta nag-organize siya, sigurado may hopia.

“Tatawag siya sa akin, ‘Kailangan ko ng hopia, pang-merienda. Okay lang ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Never siya humingi sa amin ng monetary sponsorshop. Basta hopia lang. Mabait yon,” ani Gerik tungkol sa TV personality na may kontribusyon sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Eng Bee Tin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) TV personality Cory Quirino during her visit to Eng Bee Tin store in Binondo; (right) Eng Bee Tin owners Gerry and son Gerik Chua.
PHOTO/S: Courtesy of Gerik Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results