Sikat ngayon sa social media ang mag-asawang sina Roberto Villacabral at Beatriz Gomez dahil sa kanilang channel na nagtatampok ng mga makalumang lutong Pinoy, pati na rin ang makulay na pinagmulan ng mga ito.
Sila ang nasa likod ng social-media account The Lost Filipino Cookbook.
Si Rob ay Pinoy, habang si Bea ay Española. Kasalukuyan silang naninirahan sa Manila.
Read: Original paintings sa museum, pinalitan ng fake at ibinenta; salarin, empleyado pala

Ang couple na sina Beatriz Gomez and Roberto Villacabral
PRESERVING FILIPINO FOOD HERITAGE
Malinaw ang goal ng mag-asawa nang simulan ang kanilang social-media project.
Inihayag ng couple sa nolisoli.ph ang kanilang ultimate goal: pangalagaan ang Filipino cultural heritage sa pamamagitan ng pag-i-inform sa young generation kung ano ang pinagmulan ng Filipino cuisine.
Ang kanilang featured recipes ay karaniwang makikita pa rin sa makabagong hapag. Pero sa malalim na pag-iimbestiga at pagbuklat ng kasaysayan, naihahatid nila ang mga ito in their most authentic form.
Hindi lang sila basta nagluluto o kumakain. Nag-a-ala-detective ang mag-asawa para masigurong tama ang mga ibinibida nila sa TikTok.
Sabi ni Rob, malaking tulong na ang kanyang maybahay ay Spanish dahil nagiging mas madali para sa kanila na tuklasin ang “Spanish connection in our cuisine and culture.”
Dagdag pa ni Rob, “I would turn to Bea and ask her, ‘What do you think could possibly be [the root of this dish]?’ Using her own wealth of knowledge, she’d go through [our theories] and tell me, ‘I’ve seen this in my country and perhaps maybe there would be an analog [version] to what you have here.’”
Nag-e-enjoy ang mag-asawa sa kanilang ginagawa.
“We would come up with these theories, so it’s a very organic process for both of us, too. It makes us [feel] like a couple of detectives.
“Instead of uncovering the mysteries of crimes, we’re uncovering the mysteries of cuisine—which is really cool,” ayon pa kay Rob.
Isa umano sa pinaka-challenging sa kanilang ginagawa ay ang paghahanap ng mga sangkap.
Pero dahil sa kanilang resourcefulness, nagagawan naman nila ito ng paraan.
Kuwento ni Rob, “If we have the majority of ingredients, and we only have one that is unavailable, we usually just go ahead with it and either opt out that ingredient or replace it with something similar.”
Malaking tulong din ang kanilang TikTok followers dahil pag may mga sangkap silang hindi mahanap ay sila ang nagbibigay-daan upang mahanap ang mga ito.
Read: "Most Handsome Police Officer" sa venue ng 19th Asian Games, pinagpipiyestahan
THEIR LOVE AFFAIR…WITH FOOD
Lumaki sa magkabilang panig ng mundo sina Rob at Bea. Pero ang hilig sa pagkain ang naglapit sa kanila.
“I met Bea at a food event and realized that she also had the same things in mind. Like I said, we clicked.
"Then from there, we got married after doing long distance for three years, and we were able to marry all these other aspects of ours to what would become [The Lost Filipino Cookbook].”
Si Bea ay lumaking pinanonood ang ina habang nagluluto ng hearty Spanish meals. She took up food science in college, specializing in dairy products and probiotics.
Si Rob naman ay fascinated na sa mga pagkain bata pa lang, ngunit nagdesisyong kumuha ng mass communication sa college.
Matapos makapagtrabaho ng isang taon sa larangan ng media, nagdesisyon siyang balikan ang kanyang naunsiyaming pangarap na maging chef.
At ito na nga ang naging simula ng kanilang love affair.
NETIZENS’ TOP PICKS
Sadyang nakakamangha ang pagod at hirap na ibinubuhos ng mag-asawang Rob at Bea sa bawat social-media post. At hindi nakapagtatakang maraming netizens ang naaaliw sa kanila.
Ang pinaka-hit nilang video ay ang Visayan version ng Tinolang Manok na niluto sa palayok at ibinase sa 1913 recipe na kilala noon bilang tinola de gallina.
Imbes na sayote o hilaw na papaya na karaniwang gamit na sangkap sa makabagong tinola, upo ang kanilang inilahok dito.
Kaakibat nito ang mahaba at malamang istorya ng ulam sa kasaysayan, maging ang pagkakatukoy dito sa Noli Me Tangere, ang pamosong akda ni Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 603,200 views at 53,800 heart reactions ang video.
Ang kanilang kare-kare video na ipinost noong June 21, 2023, ay humakot din ng atensiyon. Mayroon na itong 438,300 views at 46,200 heart reactions.
Ang TikTok channel na sinimulan nila noon lamang Abril ay kasalukuyang mayroong 52,500 followers at higit 50 uploaded videos.
Ang kanila namang Facebook page gamit ang parehong account name ay mayroon nang 99,000 followers at mahigit 11,000 likes.
Espesyal ang 1916 recipe ni P. Sayo Balo ni Soriano, na kauna-unahan umanong gumamit ng buntot ng baka o oxtail bilang pangunahing sangkap.
Pagmamalaki ni Rob, “When we did the kare-kare clip, we followed a recipe from 1916; and everything you saw in that clip was all there.”
Pero nahirapan umano silang maghanap ng bataw na kabilang sa mga sangkap, kaya’t nagdesisyon silang palitan na lamang ito ng sigarilyas at nag-work naman umano ang kanilang pag-improvise.
Kapansin-pansin ding ang paraan ng pagluluto nila ng dishes ay hinugot mula sa decade-old traditions.
Pahayag ni Bea, “It’s been very enriching, culturally.”