PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

City Heights Cafe offers coffee and picturesque view of Mt. Mayon

Masarap na kape, magandang view.
by KC Cordero
Published Apr 22, 2024
Photo of City Heights Cafe and Mount Mayo
Bukod sa masarap na kape na inio-offer ng City Heights Cafe, mae-enjoy rin ang magagandang tanawin, gaya ng Legazpi City skyline at Mayon Volcano. (Photo courtesy of City Heights Cafe Facebook)

Katuwang ang apat na kaibigan, naitayo ni Alexander Galicia, 47, ang City Heights Cafe na nasa Highlands Park, Estanza Village, Legazpi City, noong 2021.

Ang plano lang nila noong una ay mai-share ang common love nila for coffee sa kanilang komunidad na unti-unti pa lang bumabangon mula sa epekto ng pandemya.

Read: Bride, groom, 30 guests 'take control' of coffee shop and turn it into wedding venue

Photo of Alexander Galicia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Alexander sa panayam ni Gladys Serafica ng Philippine News Agency (PNA) last April 1, 2024, “Initially, we just wanted to offer a tranquil place where people can unwind and enjoy their coffee.

“But when we realized the potential for foot traffic given our cafe's scenic location, we saw the opportunity to turn it into a lucrative business by expanding our product line.”

Nakapanayam din si Alexander ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 18, 2024, via Facebook Messenger.

Aniya, ang City Heights Cafe lang talaga ang may ganitong view sa mga coffee shops sa kanilang lugar.

“Kasi located siya sa tuktok ng bundok inside Highlands Park.

Kitang-kita rito ang picturesque view and panoramic view of Mt. Mayon overlooking Legaspi City.”

Paglalarawan pa ni Alexander, “Hindi naman siya kalakihan na coffee shop.

“Maliit lang siya na alfresco and dining, pero binabalik-balikan dahil sa masarap at quality ang mga products.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Instant o ground: What kind of coffee will keep you awake?

CITY HEIGHTS CAFE: RISING AMONG GIANTS

Pero noong ipinatupad ang lockdown at quarantine, naapektuhan ang coffee shop.

Kuwento ni Alexander, may mga araw na halos hindi kumikita ang City Heights Cafe.

“But we managed to keep the business afloat because of sound management decisions.”

Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

Accounts officer si Alexander ng isang company na ang specialization ay office equipment.

Kaya't alam niya na ang operasyon ng service business ay kailangang i-prioritize ang four Ps: product, place, price, and promotion—o ang karaniwang tinatawag na marketing mix.

Pagbabahagi ni Alexander sa panayam ng PNA, bago nila itinayo ang coffee shop ay nagsagawa muna sila ng extensive market research and planning para maunawaan ang dynamics ng papasuking negosyo.

“Since none of us had prior knowledge of running a cafe business."

Read: Award-winning barista, nakapagtayo ng cakes, pastries, coffee shop sa puhunang PHP1K

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kanilang isinagawang research, natukoy nila kung saan itatayo ang coffee shop.

Pinag-isipan din kung anu-ano ang mga produkto, specialty drinks, at unique coffee blends na io-offer nila sa mga customer, maging ang presyo ng bawat produkto pati na rin communication and marketing strategies.

Ani Alexander, dahil mas malalaki at sikat ang coffee shops na kakumpitensya ng City Heights Cafe, pinagtuunan nila ng pansin ang bagay na alam nilang mag-aangat sila.

“But if you position your local coffee shop uniquely and innovate consistently, you can grow your business.”

Read: Pamilya ng OFWs nakapagpatayo ng unique coffee shop sa Pangasinan

Noong panahon ng pandemya kung saan nag-boom ang mga online businesses, ginamit ng City Heights Cafe ang power ng social media.

Binabaan din nila ang presyo, pero mataas ang kalidad ng kanilang coffee drinks.

Products of City Heights Cafe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin sila nagpahuli sa mga trends sa market para sa mga coffee lovers.

Read: Ang kuwento tungkol sa kapeng barako, ayon sa coffee farmer na si Lester Ledesma

CITY HEIGHTS CAFE'S BESTSELLERS

Kabilang sa mga ino-offer ng coffee shop ang lattes, frappes, pastries, flavorful pastas, desserts, at appetizers.

Pagbabahagi ni Alexander sa PEP.ph, "Ang bestsellers namin ay cold brew, iced caramel macchiato, and salted caramel macchiato.

“Sa frappe naman ay dark choco, cookies and cream; at sa blended naman ay nutella, caramel at marami pang iba."

Read: Employee asked by former employer for laptop password 6 months post-termination; netizens react

Products of City Heights Cafe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Coffee shop sa gitna ng palayan? Tara sa ag.KAPI.ta sa Pangasinan!

Pagbabahagi ng isang customer ng City Heights Cafe na si Mary Joy Lodronio, 38, isa sa pinakagusto niya sa naturang coffee shop ang al fresco dining experience at signature blends nito.

Para sa kanya, perfect spot ang cafe for a caffeine fix kapag nasa Legazpi City siya.

Ayon pa kay Mary Joy, sa City Heights Cafe ay na-e-enjoy niya ang dalawa sa kanyang paborito—kape at ang kalikasan.

Read: Coffee shop na itinayo sa halagang PHP6K, may 15 branches na ngayon

CITY HEIGHTS CAFE NOW SOLELY OWNED BY ALEXANDER

June 2023, naging solong pag-aari na ni Alexander ang coffee shop matapos niyang bilhin ang shares ng mga dating kasosyo.

Noong una, ang naging mutual decision nilang magkakasosyo ay ipagbili na lang ang coffee shop.

“Kasi nga hindi rin namin maasikaso kasi we all have works and the others have other businesses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung isang co-owner namin na siyang nagma-manage, nagdesisyon naman magbalik na sa abroad.

Nag-suggest naman ang isa nilang co-owner na isa dapat sa kanila ang magmay-ari ng City Heights Cafe para hindi masayang ang binuo nilang concept.

“Kaya ako yung na-i-suggest nila na bumili ng shares nila. Sabi ko, I'll take the risk.”

Unti-unti, lumago ang negosyo. At ang next step ni Alex ay makapagtayo ng mga branches sa Albay.

Simultaneously, aniya, “Inayos ko yung operations and management, and binago ko ung mga guidelines as sole proprietorship.”

Read: "World’s Narrowest House" built to spite neighbor

Payo niya sa mga gustong magnegosyo batay na rin sa naging experience niya sa City Heights Cafe, “Business entails calculated risks.

“As long as you keep your goals, stay committed to your passion no matter what the setbacks are, and adjust your strategies when necessary, you will be on the right track.”

Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa masarap na kape na inio-offer ng City Heights Cafe, mae-enjoy rin ang magagandang tanawin, gaya ng Legazpi City skyline at Mayon Volcano. (Photo courtesy of City Heights Cafe Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results