PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Davao del Sur farmer Benzone Sepe grows 500 apple trees

He now owns a 2-hectare land, a house, and a car.
by Bernie V. Franco
Published Feb 20, 2025
Benzone Kennedy Sepe
Benzone Kennedy Sepe, 33, made history as the first person to successfully grow apple trees in Mindanao. His venture into apple farming not only thrived but also transformed his life—allowing him to purchase a two-hectare farm, buy a car, and build his own home.
PHOTO/S: Benzone Kennedy Franes Sepe on Facebook

Makalipas ang mahigit isang dekada, isang farmer mula sa Digos City, Davao del Sur, na nagtanim ng ilang buto ay mayroon ng orchard na may 500 apple trees.

Siya si Benzone Kennedy Sepe, 33, ang itinuturing na kauna-unahang nakapagpatubo ng mansanas sa Mindanao, at marahil sa buong Pilipinas.

Dati lang silang nakikitanim sa lupain ng iba, pero ngayon ay nakabili na siya ng dalawang ektaryang sakahan, nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng sasakyan, at nakaluwag-luwag na sa buhay.

Naitampok na si Benzone dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2021.

Binanggit sa artikulo na taong 2018 noong unang beses mamunga ang mga itinanim niyang mga puno ng mansanas.

Isang achievement ang nagawa ni Benzone lalo pa at karaniwang sa malalamig na bansa lamang tumutubo ang mansanas.

Read: Student, matagumpay sa pagtatanim ng mansanas sa Davao Del Sur

HOW A FARMER IN DIGOS CITY GREW APPLES

Ang mga mansanas na ibinebenta sa Pilipinas ay karaniwang imported sa U.S. at China.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2013, naisipan ni Benzone na itanim ang ilang buto mula sa kinaing Fuji apple, ulat ng programang Good News ng GMA Public Affairs, February 15, 2025.

Makalipas ang limang taon, unang namunga ang mga itinanim na mansanas ni Benzone.

Si Benzone ay isang IT (Information Technology) graduate na napag-aral ng kanyang mga magulang na farmers.

Kalaunan ay sumunod si Benzone sa yapak ng mga magulang sa pagsasaka. Kumuha rin siya ng second degree na Agriculture.

Ito ang naging daan para mas tutukan niya ang pagpaparami ng apple trees.

“Wala kasing naniniwala na puwedeng magpabunga, mag-farm ng apples dito sa Pilipinas,” lahad ni Benzone.

Isa raw sa mga struggles niya ay ang negativity ng mga tao.

Kaya naman, ibang tuwa ang naramdaman niya nung unang beses niyang makitang namulaklak ang mga itinanim na apple trees.

Sa ngayon, kumikita si Benzone sa pagbebenta ng grafted apple saplings sa halagang PHP3,000-PHP3,500 kada piraso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil sa grafting, isang "artificial method of vegetative propagation," napabilis ang pamumunga ng kanyang mga puno mula five years to two years.

Benzone Sepe apple
Si Benzone Kennedy Sepe ang kauna-unahang nakapagpatubo ng mansanas sa Mindanao.
Photo/s: Benzone Kennedy Franes Sepe

LOCAL APPLES VS IMPORTED APPLES

Inilarawan ni Benzone ang lasa ng mga mansanas na napatubo niya kumpara sa imported apples.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa lasa wala pong pinagkaiba. Pina-test din po namin yung sugar level, kinompare po namin sa apples na imported, medyo mas matamis po ang apples natin dito due to sunlight exposure,” ani Benzone.

“Yung apples po kasi is considered as temperate fruit, yung usual na makikita po natin sa mga place na kung saan merong winter.

“But yung apples din po kasi is tree po siya, so highly adaptive po siya na kind of fruit. Puwede natin siyang itanim kahit sa tropical areas.”

apple
Because of grafting, Benzone can make an apple tree bear fruits in just two to three years.
Photo/s: Benzone Kennedy Franes Sepe on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2020, kinilala ng Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture ang farm ni Benzone bilang apple-growing learning site, ang Kapatagan Apple Orchard, Rare Fruit Farm and Nurseries.

May mga tanim din siyang mulberry, blueberry, langka, persimmon, at marami pang iba.

Maaaring bumisita ang mga interesado sa kanyang farm para matutunan ang pagpapatubo ng mansanas at pumitas ng mga hinog na prutas nang libre.

Para sa inquiries, maaaring bumisita sa Facebook account ni Benzone.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benzone Kennedy Sepe, 33, made history as the first person to successfully grow apple trees in Mindanao. His venture into apple farming not only thrived but also transformed his life—allowing him to purchase a two-hectare farm, buy a car, and build his own home.
PHOTO/S: Benzone Kennedy Franes Sepe on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results