PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What happens if you eat two eggs a day?

Nutritionist of Filipino Olympians reveals the benefits of eating eggs.
by Bernie V. Franco
Published Apr 15, 2025
fried egg
Is eating eggs daily good or bad for your health? A registered dietitian and nutritionist who worked with Filipino athletes in the Tokyo and Paris Olympics cites its benefits.
PHOTO/S: Canva

Para sa mga Pinoy, staple food, lalo na sa almusal, ang itlog dahil affordable at masustansiya.

Pero advisable nga bang kainin ito araw-araw?

May mga nagsabi kasing mataas daw ang cholesterol content nito.

Ito ang binigyang-linaw ni Coach Jeaneth Aro, isang registered nutritionist-dietitian at may diploma sa sports nutrition mula sa International Olympic Committee.

Kilala rin si Aro bilang nutritionist ng mga Filipino national athletes na sumabak sa Paris at Tokyo Olympics.

Read: Gwyneth Paltrow's version of tocino goes viral

eating eggs for better intake of CHOLINE

Ang itlog ay isa sa best sources ng choline, ani Aro sa YouTube video niyang in-upload noong March 31, 2025.

Ang choline ay mahalaga sa brain at liver functions.

May mga studies na nagpapakita na ang mababang choline levels sa older adults ay maaaring magdulot ng mas mahinang memory retention, cognitive speed, at executive function.

At ang mataas na choline intake naman ay may connection sa mas mahusay na verbal at visual memory, paliwanag ng nutritionist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa liver, ang choline ay nakakatulong para maiwasan ang fat accumulation.

Ang choline deficiency ay puwedeng magdulot ng fat retention sa liver na maaaring mauwi sa non-alcoholic fatty liver.

Dahil dito, malaki ang maitutulong ng pagkain ng itlog na mayaman sa choline.

hard boiled eggs
A nutritionist sheds light on whether daily consumption of eggs is good or bad for the health.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why Meghan Markle’s one-pan tomato pasta is controversial

BENEFITS OF EATING TWO EGGS A DAY

Nagtataglay ang isang piraso ng itlog ng 169 milligrams ng choline, at ang pagkain ng dalawang itlog sa isang araw ay equivalent sa 61-79% ng recommended daily value intake nito for adults.

Dagdag ni Aro, halos lahat ng choline ay nasa egg yolk o yung dilaw na bahagi.

“Kaya kung gusto mong makuha ang full benefits, kainin ang buong itlog hanggang sa dalawang piraso sa isang araw at hindi lang puro egg whites,” pahayag ng licensed nutritionist-dietitian.

“Ang pagkain ng itlog kasama ang egg yolk ay makakatulong upang mapataas ang inyong daily choline intake.”

Bagamat mataas daw ang cholesterol content ng itlog, hindi nangangahulugang masama ang pagkain nito araw-araw.

Saad niya, “Marami rin ang pag-aaral na nagpapatunay na ang dietary cholesterol mula sa itlog ay walang negative effects sa cardiovascular health para sa karamihan ng healthy individuals.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Puwede umanong makatulong ang itlog sa pagpapataas ng “good cholesterol” o high-density lipoprotein (HDL) at pagpapababa ng “bad cholesterol” o low-density lipoprotein (LDL).

Pahayag pa ni Aro, ang key hormones tulad ng testosterone sa males pati na rin estrogen at progesterone sa females, ay mula sa cholesterol.

“Kung kaya't ang pagkain ng itlog araw-araw maaaring makatulong upang suportahan ang fertility at reproductive health in both men and women.”

organic eggs
While eating eggs daily is generally safe and nutritious, Coach Jeaneth Aro advises individuals with health conditions to consult their doctors before increasing their egg intake.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOOD FOR THE EYES

May benepisyo rin para sa mga mata ang pagkain ng itlog.

Sabi ni Aro, ang daily consumption ay makakatulong para maiwasan ang macular degeneration at cataract habang nagkakaedad.

Mayaman kasi ang egg yolk sa carotenoids na kilalang antioxidant.

Ilang uri ng carotenoids ay lutein at zeaxanthin na matatagpuan sa mga mata.

Ang lutein at zeaxanthin “ay may mataas na concentration sa macula ng ating mga retina kung saan sila ay nagfa-function as antioxidants, na tumutulong upang ma-filter ang blue light at protektahan ang ating mga mata laban sa oxidative damage,” ani Aro.

Binanggit din niya ang isang pag-aaral na napatunayang ang pagkonsumo ng kahit isang itlog sa loob ng five weeks ay makakatulong para mapataas nang husto ang serum concentration ng lutein at zeaxanthin sa older adults.

Inisa-isa rin niya ang iba pang nutrients na nasa itlog: vitamin D, vitamin E, vitamin B12, CoQ10, at protein.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat ng ito ay importante para sa hormonal balance.

Pero may paalala si Aro sa mga taong may existing non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD) or metabolic syndrome.

Aniya, “Kumonsulta sa doktor at nutritionist bago kumain ng additional portions ng itlog araw-araw dahil kailangang mabalanse ang overall dietary cholesterol intake.”

At sa mga may medical conditions, “Siguraduhin munang kumunsulta sa inyong doctor at nutritionist bago kumain ng additional portions ng itlog araw-araw.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is eating eggs daily good or bad for your health? A registered dietitian and nutritionist who worked with Filipino athletes in the Tokyo and Paris Olympics cites its benefits.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results