Ang pandesal o pan de sal ay kilalang almusal at meryenda para sa ating mga Pilipino.
Ang karaniwang partner nito ay mainit na kape o hot chocolate. Pinapalamanan ito ng keso, margarine, coco jam, peanut butter, at pati na rin pancit o pancit canton.
Sa sobrang tanyag nga nito, nagkaroon siya ng iba-ibang versions ngayon at naging highly commercialized.
Merong malunggay pandesal na sinasabing mas masustansiya.
Ang iba namang negosyo, itinitinda itong may palaman na sa loob, tulad ng cheese, tuna, sardinas, at corned beef.
Ang pandesal ay ipinakilala raw ng mga Kastila sa mga Pilipino noong 16th century, ayon sa mga ulat.
Ang ibig sabihin ng pandesal ay “bread of salt” o “salt bread,” dahil mas maalat ito kumpara sa pandesal ngayon.
Mas maalat daw kasi ang panlasa ng mga Spanish, ayon sa trivia ni Kim Atienza.
Bukod sa maalat, ang sinaunang pandesal ng mga Kastila ay mas malutong at mas matigas dahil purong wheat o harina ang gamit noon.

Read: The story of pan de regla and its other shocking names
THE ORIGIN OF PANDESAL IN THE PHILIPPINES
May mga ulat na sinasabing ang paggawa ng tinapay sa Pilipinas ay ipinakilala ng mga Portuguese.
Bago kasi nagkaroon ng tinapay sa Pilipinas, ang pangunahing source of carbohydrates ng mga Pilipino, magpasa hanggang ngayon, ay ang kanin. Wala noong wheat sa bansa.
Subalit may mga Filipino historians ang nagsasabing ang mga tinapay na gawa sa wheat (butil), na ginagawang harina, ay ipinakilala ng mga naglalayag na Portuguese noong 1500s, ayon sa Eater.com, isang food site. Sila ang nagdala ng harina sa Pilipinas.
Kalaunan ay sumunod na rin ang mga Kastila na dumating at nanakop sa Pilipinas.
Ang mga Kastila—kaagapay ang mga Portuguese tulad ni Ferdinand Magellan—ang nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Kinakailangan nila noon ng harina para gumawa ng hostia o ang sacramental bread, sabi ng food historian na si Ariel Layug sa Eater.
Ang sabi naman local food site na Pepper, nag-originate ang pandesal sa mga Kastila. Pantapat nila ito sa French baguette, ang pahabang tinapay na malutong o matigas sa labas sa France.
Ang ginagawa noon ay hinuhurno ang tinapay sa pugon. Sa lutuang may mga nagbabagang apoy ay ilalapag ang tinapay sa sahig para maluto. Kaya ang tawag dint dito ay pan de suelo o floor bread.
Ang Pilipinas ay nag-aangkat lamang ng harina, kahit magpasa-hanggang ngayon. Kaya humanap noon ng version ang mga Filipino bakers ng wheat version na mas mura. Ito ang dahilan kung bakit mas malambot ang pandesal na gawa natin.
Lumaki nang husto ang industriya ng pandesal at tinapay sa Pilipinas nang dumating ang mga Amerikano noong 1900s.
Sila ang nagpakilala sa Pilipinas ng mas murang wheat na tumutubo sa U.S. Pacific Northwest. Mas kaunti ang protina nito, pero nagtatagal ito nang hanggang isang taon.
Nang dumagsa ang mga Amerikano sa Pilipinas pagsapit ng 20th century, bitbit nila ang mga kasangkapan at sangkap para sa mas modernong pagluluto o pagbi-bake.
Sila ang nagpakilala ng yeast, mga de-latang dairies.
Sila rin ang nagpakilala ng makabagong paraan ng pagluluto, tulad ng baking pans.
Sa ngayon, moderno na rin ang pagluluto ng pandesal gamit ang mga ovens, pero may ilan pa ring nagluluto sa tradisyunal na paraan, tulad ng pugon.
Read: Spanish Bread’s surprising origin: Spain or the Philippines?
