Isang uri ng prutas ang nag-uumpisang ipakilala sa market dito sa Pilipinas.
Mabibilang pa lamang ang mga rehiyon at ilang lugar sa Metro Manila na nagbebenta nito.
Pero naging maingay agad ito sa social media dahil sa agaw-pansin nitong pangalan.
Ang prutas ay tinatawag na chupa chupa.
Isang tindera sa Cagayan de Oro (CDO) ang itinampok sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong September 2025.
Ang mga tinda niya raw ay mula sa Manolo Fortrich sa Bukidnon.
WHAT IS CHUPA CHUPA?
Ang tropical fruit ay bilog, kulay brown at makapal ang balat, at may tangkay.
Kapag binuksan ito, ang laman ay matingkad na dilaw at fibrous tulad ng mangga.
Malambot at makatas ito, at ang lasa ay nasa gitna ng papaya, mangga, at melon.
Paliwanag ng tindera, ang “chupa” ay salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “sipsip.”
Ang paraan kasi ng pagkain sa prutas ay pagsipsip.
WHAT WE WILL GET FROM EATING CHUPA CHUPA
Sagana rin ito sa nutrients.
“Ang chupa chupa ay mayaman sa fiber, nagtataglay ng vitamin A, at meron din carotene,” sabi ni Professor Maria Lindsay Alvarez, isang nutritionist.
“Orange pigment siya na nagtataglay ng antioxidant.”
Mabisang gamot din daw ito sa constipation at nakakatulong sa digestion.
Read: The story of pan de regla and its other shocking names
CHUPA CHUPA IN THE PHILIPPINES
Paliwanag naman ni Jong Flores, representative ng Bukidnon Food Farmers and Processors Association, ang pangalan ng prutas ay mula sa Spanish na "chupa," na ang ibig sabihin din ay "sipsip."
“Kailangan mo kasi siyang sipsipin at yung tamis at yung juice,” sabi sa One News ni Jong.
“Rare sa Asia, nagmula ito sa Amazon rainforest. Sa ngayon, ang alam ko, sa Bukidnon lang marami nito.”
Maganda raw itanim ang chupa chupa sa Luzon. Hindi ito mahirap alagaan sa tropical climate.

origin OF CHUPA CHUPA
Ang scientific name ng chupa chupa ay Quararibea cordata.
Tinatawag ding itong South American Sapote sa South American countries tulad ng Brazil, Colombia, Ecuador, at Peru.
Kilalang-kilala ito bilang cultivated food crop sa Peru at Ecuador, at tinatawag na native tree sa Amazon rainforest.
Lumalabas na ang chupa chupa ay sinaunang pagkain ng mga tribo sa Amazon rainforest.
Pero ngayon lamang ito nakikilala sa iba’t ibang panig ng mundo.
Other sources:
- https://veliyathgarden.com/products/matisia-fruit-live-plant-quararibea-cordata
- https://www.herbs2000.com/herbs/herbs_chupa.htm
Read: Tinapang Manok: Culinary tales from Bulacan and Pangasinan
