PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chris Tamayo: Pinoy chef cooking his way into NBA stars’ hearts

This Pinoy chef impresses the executive chef of a fine-dining restaurant in U.S.
by Bernie V. Franco
Published 2 days ago
Christopher Tamayo
After cooking for NBA players, Chris Tamayo is now focusing on his food businesses in the Philippines, including Textures by Tamayos, his restaurant in Tagaytay.
PHOTO/S: Christopher Tamayo on Facebook

Ibinahagi ni Christopher Tamayo, 33, ang pambihirang kuwento kung paano siya naging chef to NBA players sa U.S.

Una nang naitampok si Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2022.

Kamakailan, idinetalye ni Chris na ang pagkaka-hire niya bilang chef ng mga basketbolista ay hindi sinadya.

“Sa maniwala ka man o hindi, hindi ako nag-apply doon…” simula ni Chris nang maitampok siya sa “The Age is Right” segment ng Eat Bulaga! noong October 27, 2026.

Bukod sa mataas na pinag-aralan ni Chris bilang chef, nagmula rin siya sa kilalang Tamayo’s Catering, na kilala bilang “Caterer to the Stars.”

Si Chris ay nagtapos mula sa Culinary Institute of America (CIA) sa Napa Valley, isang tanyag na culinary school sa U.S.

Pero sa kabila ng bright future sa Pilipinas, bakit mas pinili ni Chris na makipagsapalaran sa U.S. at magluto para sa mga sikat na basketbolista?

Read: Meet Chris Tamayo, Pinoy chef ng NBA players sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHRIS’ INTERESTING STORY

Kuwento ni Chris, may kaibigan siyang nasa U.S. na nakakadaupang-palad ang mga NBA players sa trabaho nito sa restaurant.

Tinanong si Chris ng kanyang kaibigan kung nais niya silang ma-meet.

Lahad ni Chris: “Meron akong kaibigan na nagtatrabaho sa fine-dining restaurant ng Golden State Warriors, and then alam niyang NBA fan ako.

“Nandun pa ako sa Amerika noon. Sabi niya, ‘Gusto mong pumunta dito? Baka makakita ka ng mga NBA players.’”

Sagot daw ni Chris sa kaibigan, ‘Sige, kahit tagahiwa lang. Huwag mo na akong suwelduhan. Gusto ko lang makakita ng NBA player.’”

Plano raw ni Chris ay magtrabaho sa resto kahit dalawang araw lang, at umaasang makakakita ng NBA players doon.

Pero ang dalawang araw na iyon, mauuwi pala sa pagtatrabaho niya sa restaurant.

Batay sa kanyang Facebook account, nagtrabaho si Chris sa Miller & Lux Restaurant, isang upscale modern steakhouse sa San Francisco.

Tyler Florence, Chris Tamayo
(Left photo) Chris with American celebrity chef Tyler Florence. Right photo shows Chris with the logo of NBA's Los Angeles Lakers. Hde has cooked for many well-known NBA players.
Photo/s: Christopher Tamayo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHRIS WAS HIRED

Sa kanyang ikalawang araw sa fine-dining restaurant, tinanong daw siya ng executive chef doon: “Can you whip something up?"

Naisipan daw ni Chris na gumawa ng popover, isang simpleng American bread, pero hindi madaling gawin.

Sabi ni Chris: “Isa po siyang malaking tinapay, pero walang laman. Parang teknikal siya na kung mali ang iyong temperature, nasobrahan sa halo, hindi siya magagawa po.”

Hindi inasahan ni Chris ang sumunod na nangyari.

“And then, blessing right there and then doon, sabi nila sa akin, ‘Gusto ka namin dito. I-sponsor-an namin lahat ng papeles mo, lahat ng laywers mo, lahat…’ so, ganoon.”

Sa PEP interview ni Chris, binanggit niya ang papel ng American celebrity chef na si Tyler Florence sa kanyang pananatili sa U.S.

Nagustuhan daw ng tanyag na Food Network chef and host ang kanyang attitude, kung kaya’t ini-sponsor-an niya ang mga papeles at dokumento ni Chris.

Ang nakakatawang sagot daw ni Chris noong una ay tatanungin muna niya ang kanyang mga magulang sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ni Chris, ipinapamahala na raw kasi sa kanya noon ang catering business ng pamilya.

Gayunpaman, hindi pinakawalan ni Chris ang pagkakataon. Tinanggap niya ang offer.

Idinetalye rin ni Chris ang sunud-sunod niyang promotions nung nagtrabaho sa Chase Center, ang sports and entertainment arena sa Manila Bay, San Francisco, na siyang home court ng Golden State Warriors.

“Assigned po ako sa Chase Center, so lahat po ng nakakalaban ng Golden State, ako din po ang nagluluto.”

Kuwento niya, sa stadium ay may isang kitchen na sadyang idinisenyo para lamang sa players.

“So ang ginagawa ko ay magluluto ako doon since sila ay very, very strict pagdating sa diet.

“Pagkaluto ko, meron akong all-access card. Since ako yung assigned, so pupunta ako sa locker room, at ako mismo ang magpapakain sa player.”

Read: Sheryl Cruz sees gold as investment

Chris Tamayo, NBA
Chris worked his way up at an upscale American steakhouse before becaming a chef for NBA stars. Many chefs, including a well-known chef, were impressed with Chris' skills in the kitchen.
Photo/s: Christopher Tamayo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REASON WHY CHRIS CHOSE TO WORK IN THE U.S.

Dalawang linggo matapos magsimulang magtrabaho, ginawa siyang supervisor sa cold kitchen, kunsaan hinahanda ang salads.

“After two weeks po ulit, ginawa nila akong head ng cold kitchen.

“’Tapos after another two weeks, ginawa akong sous-chef ng fine-dining restaurant.”

Ang sous-chef ay ang second-in-command sa kitchen, sumunod sa executive chef.

Makalipas daw ang dalawang linggo, kinausap at tinanong siya: “Christopher, who are you?”

Ikinuwento ni Chris ang konteksto ng pulong na iyon.

Twenty-eight years old daw siya noon at nagugulat ang kanyang mga kasamahan dahil bagama’t hindi siya Amerikano, kaya niyang gawin lahat sa kitchen.

Sumagot daw si Chris at nagpaliwanag na mula siya sa Pilipinas at natutong magluto sa edad na apat, at lumaking naoobserbahan ang family catering business.

Tanong daw kay Chris, sa kabila ng magandang estado niya sa buhay, bakit nasa U.S. siya?

Pagbabalik-tanaw ni Chris: “Sabi ko, ‘Hindi ko ito ginagawa para sa pera. Ginagawa ko ito para i-prove sa sarili ko na meron akong talento, meron akong skills.’”

Sa Pilipinas daw, kilala siya bilang anak ng may-ari ng Tamayo’s Catering.

Napaisip daw siya kung nirerespeto ba siya ng mga tao dahil sa skills niya o kung dahil sa last name niya.

“Kaya ginusto kong pumunta ng Amerika dahil doon walang nakakakilala sa akin, at blessing na na-prove ko naman na mayroong skills ang isang Christopher.”

CHRIS’S WORK

Nagkuwento si Chris tungkol sa naging trabaho niya bilang chef ng NBA players.

Sobrang istrikto raw ang diet nila at kailangang matiyak na nasusunod ito.

Sabi niya, may basketball team na pare-pareho ang kakainin ng lahat.

Meron ding mga team na puno ng basketball superstars.

Ani Chris, ukol sa star-studded teams: “Kada player, iba-iba yung diet nila. So, hindi porke 40 people lang ang kakain, ang lulutuin ko limang putahe lang.

“Minsan 40 people, pero 60 na different na putahe ang niluluto ko dahil lang sa diets nila.”

Dahil dito, wala pang nailulutong Filipino dish si Chris para sa mga basketball players.

“Pero po ang pinakagamit ko as Pilipino ay calamansi. Talagang gustung-gusto po nila ang calamansi doon, na kahit sobrang mahal po sa Amerika ay talagang ino-order ko po.”

CHRIS IS BACK IN THE PHILIPPINES

Matapos ang kanyang matagumpay na karera sa U.S., balik na sa Pilipinas si Chris.

Bukod sa family catering business, nagtayo ng dalawang restaurant si Chris: ang Café Intramuros na nagse-serve ng traditional Filipino dishes, at Textures by Tamayos sa Tagaytay, na nagse-serve ng international dishes pero Pinoy flavors.

Sa kabila ng pagkilalang natanggap niya mula sa pinagtrabahuhang fine-dining restaurant, at bilang chef ng NBA players, bakit nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas?

Sagot ni Chris: “Na-prove ko na sa sarili ko na meron akong skills, kaya sabi ko, ‘It’s time na bumalik ako sa Pilipinas at i-highlight ang talento ng Pilipinas sa Pilipinas, to the world.”

Read: Donald Trump's Philippine visit sparks AI photos, Jollibee buzz

WHAT'S NEXT FOR CHEF CHRIS?

Ibinahagi ni Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung ano ang kanyang focus ngayon: ang palaguin at palakihin ang kanyang itinayong restaurant sa Tagaytay.

"Textures by Tamayos just opened last May po," ani Chris sa PEP via direct messaging ngayong Huwebes, November 19, 2026.

"It was our house and I converted it to a resto."

Ang goal daw ng restaurant ay mag-serve ng high-end dishes, pero hindi kailangang manamit nang magarbo ang diners para makakain dito.

Paliwanag ni Chris: "I wanted to serve super-complex food, but still want the identity of our family-business story. Tamayos Catering grew from a humble carinderia.

"Actually, it started po na yung father ko nagbebenta ng 13 pesos na naka-plastic na food outside CEU," pagtukoy sa Centro Escolar University.

"So reflecting on that aspect, I wanted to serve elevated cuisine, pero hindi intimidating yung lugar.

"So you can be yourself when you eat at Textures: wear your shorts and flip flops if you want."

Ang paniniwala ng Filipino chef: "For me lang, you don't have to dress nice just to have elevated food.

"I didn't want to open a pretentious space and as a family po. Hindi kami super formal, so I wanted to show that aspect.

"So I want to focus on Textures po and let it grow bigger."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After cooking for NBA players, Chris Tamayo is now focusing on his food businesses in the Philippines, including Textures by Tamayos, his restaurant in Tagaytay.
PHOTO/S: Christopher Tamayo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results