Viral sa social media at pinipilahan ngayon ang isang panaderya dahil sa tinda nitong Spanish bread.
Ang nasabing panaderya ay may mga branches sa Pasig at Taguig, at parehong dinarayo ng mga influencers at netizens,
Pero alam niyo bang ang Spanish bread ay hindi nagmula sa mga Kastila?
Tinatawag ding Pan de Kastila at Señorita bread, nilikha ito mismo ng mga Pinoy.
Ang pangalang Spanish bread ay “by association” dahil sinakop tayo ng Spain sa loob ng 333 years.
Ito ay hango sa dalawang tinapay na impluwensiya ng mga Kastila—ang pandesal, pero parihaba ang hugis nito at may manamis-namis na filling; ang ensaymada, na kapareho niyang may butter o mantikilya at asukal, pero magkaiba ang porma nila.

Read: The story of pan de regla and its other shocking names
ORIGIN OF SPANISH BREAD
Ayon sa isang article na may titulong “The Secret History Behind Pan de Regla and Other Panaderya Eats”: “It has been theorized that it’s called thus because of its similarity to the ensaymada.
"Both breads are made with eggs, butter, and sugar, and are coiled prior to baking.”
May ilang Facebook pages ng mga Filipino bakeries na nagsabing "adaptation" ito, pero isa pa ring patunay ng creativity ng mga Pinoy pagdating sa pagkain.
Nakaisip din sila ng pangalan na papatok sa mga may gusto ng pandesal at ensaymada, pero agad madi-diferentiate sa mga ito: ang Spanish bread.
Read: TIPS: How to prevent colored clothes from fading
