Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan opt to wear masks in Las Vegas as Nevada state eases face covering guideline

by Arniel C. Serato
Jun 10, 2021
Ai-Ai delas Alas and husband Gerald Sibayan in Las Vegas: "Mga asians napansin ko ang may mga mask mga puti wlaey na."
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram

Kahit bakunado na, nagsusuot pa rin ng face mask si Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan.

Ito ay kahit hindi na required magsuot ng face masks sa Las Vegas, Nevada ang mga taong fully vaccinated na.

Sa kanyang Instagram ngayong araw, June 10, nag-post si Ai-Ai ng larawan nila ni Gerald habang namamasyal sa Fremont Street sa downtown Las Vegas.

Nakalagay sa isang tarpaulin doon: “NO MASK REQUIRED FOR FULLY VACCINATED INDIVIDUALS.”

Pero, naniniguro pa rin ang mag-asawa.

Ayon pa kay Ai-Ai, mga Asian na lamang ang nakikita niyang nagsusuot ng face masks doon.

Sabi niya sa caption, “Kami lang saka...MASK .. hehe ... mga asians napansin ko ang may mga mask mga puti wlaey na .. kahit complete na ayaw ko pa din mag tanggal ng mask parang kulang kasi parang hubad ka ... @gerald_sibayan

Nasa Las Vegas ngayon sina Ai-Ai at Gerald dahil dinalaw nila ang pangalawang anak ng comedienne na si Nicolo.

Continue reading below ↓

Kailangan ding bumiyahe ni Ai-Ai papuntang Amerika dahil greencard holder siya.

Isa rin sa purpose nila ay ang magpabakuna roon.

Noong May 30 nga ay nabakunahan na sila ng kanilang first dose ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Sabi pa ni Ai-Ai sa kanyang post, “1st dose-- hindi tumitingin haha kaloka -- shokot wala naman pala wala akong naramdaman hehe ... tnx LORD may 1st dose na kami ni darl .. #covidvaccine #1stdosepfizer

Binibigyan ng libreng bakuna sa Amerika ang mga turista at hindi talaga residente doon.

Tatlong linggo pa ang hihintayin nina Ai-Ai at Gerald upang maturukan sila ng kanilang second dose ng nasabing COVID-19 vaccine.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas and husband Gerald Sibayan in Las Vegas: "Mga asians napansin ko ang may mga mask mga puti wlaey na."
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results