Hindi rin nakaligtas sa COVID-19 ang aktres na si Sofia Andres.
Sa kanyang Instagram kagabi, January 6, 2022, sinabi niyang negatibo na siya sa virus matapos ang sampung araw.
Hind raw birong salubungin ang Bagong Taon na mag-isa.
Pero okay lang daw ito dahil mas marami namang araw na makakasama niya ang kanyang pamilya.
Buong post ni Sofia: “After 10 days … finally I’m negative.
“Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself.
“What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong. #fuckomicron”
View this post on Instagram
Marami nang celebrities at personalities ang nag-anunsiyo na nagpositibo sila sa COVID-19 nitong pagpasok ng Bagong Taon.
Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nagpapagaling din ngayong sa United Kingdom matapos siyang magpositibo sa virus.
Kasama niyang nahawaan ang kapatid na si Sarah Wurtzbach.
Ang professional volleyball star at Pinoy Big Brother Kumunity Top 2 housemate na si Alyssa Valdez ay nagpositibo rin.
Ang broadcast journalist na si Karen Davila at ang kanyang pamilya ay nagpapagaling pa rin dahil sa COVID-19.
Ang Omicron variant ng virus ang dahilan ng paglobo ng kaso sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ngayong araw lamang, January 7, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng lagpas sa 21,000 kaso. Hinihikayat ng gobyerno ang lahat na magpabakuna.
