Ilang araw ring binuno ng napapabalitang magkarelasyong sina Jane Oineza at RK Bagatsing ang COVID-19 virus.
Parehong nahawaan ang dalawa ng nasabing sakit.
Pero nagnegatibo na sila ayon na rin sa kani-kanilang magkahiwalay na posts nitong Martes, January 11, 2022.
Parehong nagbigay ng update sa kanilang Instagram sina Jane at RK, pero makikitang magkasama sila sa isolation habang nilalabanan ang sakit.
Saad ni Jane sa kanyang Instagram: “How it’s been the past few days… but yay!!! Finally tested negative [clapping hands emoji] (Swipe till the last slide)
“How is everyone? Don’t forget to rest up, drink your vitamins, eat well and be kind to yourself. We got this! One step at a time. Stay strong and stay safe!! [heart emoji]”
Makikita sa sampung larawang kalakip sa post ni Jane ang magkayakap na picture nila ni RK, ang COVID antigen test nila kung saan makikitang parehong positive, ang mga bagay na pinagkakaabalahan nila habang naka-isolate, at ang negative antigen result ng aktres.
View this post on Instagram
Ganito rin ang makikita sa post ni RK.
Sabi niya sa caption, “Now that’s out of the way. Kamusta kayo?
“Just take it one day at a time and before you know it you’ll be good as new.
“Sending you all my love and prayers. Get well soon!”
View this post on Instagram
