Nakalabas na ng ospital si Kris Aquino matapos sumailalim sa ilang health examinations kaugnay ng kanyang mga karamdaman.
Sa Instagram kagabi, March 14, 2022, ibinahagi ni Kris ang larawan niya kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Sa caption, sinabi niyang pauwi na silang mag-ina sa nirerentahang bagong bahay.
Ani Kris, “Nakauwi na kami. ... this was our last pic before heading to our temporary, leased home… maghihintay na lang for my bone marrow test results. Super blessed to have the LOVE and concern from these 2 giants, through thembinigay ni God so much more than i could ever deserve. #grateful #family”
View this post on Instagram
Bago pa ito, nauna na siyang nagbahagi ng halos pitong minutong video kung saan ipinakita niya ang maraming tests na pinagdaanan at ng mga anak.
Sabi ni Kris, ang caption ng kanyang post ay nasa video na pinaghirapan daw niyang i-edit.
Aniya pa, walang nadiskubre ang doktor sa kanya kung meron ba siyang cancer o tumor.
Detalye pa niya, “Thursday March 10, the 3 of us were admitted for all preliminary tests.
“Listed in chronological order is what was done March 11, 2022.
“1. PEP/CT scan: I am so thankful our prayers are being heard by our Lord and Saviour… Maraming Salamat for being our prayer warriors. From PET/CT scan results, Dr. Francis gave me the HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.
“2. Upper endoscopy: Dr. Jonard Co’s findings are erosive gastritis and gastric ulcer."

“3. Bone marrow aspiration for biopsy fone by Dr. Francis Lopez (for me, 1 of the most thorough doctors in the [PH flag emoji]); para wag na tayong malito, kumuha po ng bones marrow fluid from my back pelvic bone. That sample is now being tested to RULE OUT a blood related disorder associated with my weight loss and my being anemic.”

Ayon pa sa kanya, parang nabugbog ang katawan niya sa prosesong ito dahil wala na siyang taba.
Sabi nito, "I won't lie to you, there's this this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine but apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help cushion my bones... kaya exag ang sakit, skin then diretso sa buto."
“KEEP THANKING GOD”
Palagi raw pinaaalahanan ni Kris ang kanyang sarili na magpasalamat lagi sa Diyos.
Aniya, “I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat, at patuloy na magdasal."

Hindi na rin daw niya kailangang sumailalim sa angiogram dahil okay naman ang kanyang puso.

Pinayuhan din daw siya ng kanyang mga doktor na “eat more, relax, breath the fresh air, and attempt to start recreational walking.”
Kaya ang lakad daw nila sa ibang bansa ay inaasahang maging “true health and wellness trip.”
Regalo na raw niya ito sa kanyang sarili.

Ibinahagi raw ni Kris ang kanyang health journey dahil alam nitong maraming netizens ang nagdasal sa paggaling niya.
Lahad ni Kris, “I’ve shared my journey because pinagdarasal, inuunawa, at nagbigay kayo ng panahon para kamustahin ako. That’s why I believed you deserved the TRUTH coming straight from me.”

Kaya lubos-lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nagpapakita ng simpatiya sa kanya.
“Maraming Salamat po for caring about my family and praying with all of us. God bless you. May the Almight always protect you and those closest to your hearts.”

View this post on Instagram
Noong March 1, nakatanggap si Kris ng kanyang unang dose ng Xolair, na ayon sa rxlist.com, ay isang prescription medicine para sa paggamot ng allergic asthma at chronic idiopathic urticaria.
