Tagumpay ang kidney transplant procedure kay Miss International 2013 Bea Santiago.
Ang nakababatang kapatid na lalake ni Bea, na tinawag niyang isang bayani, ang kanyang kidney donor.
Updated sa medical condition ni Bea ang mga taong nagmamalasakit sa kanya dahil ibinabahagi ng beauty queen sa social media ang mga nangyayari sa pagpapagamot niya sa Toronto General Hospital sa Toronto, Canada.
August 2018 nang ma-diagnose na may chronic kidney disease ni Bea.
Read: Bea Rose Santiago diagnosed with chronic kidney disease
Naranasan niyang sumailalim sa limang araw na dialysis treatment sa loob ng isang linggo.
Read: Bea Rose Santiago very optimistic sa kabila ng 5X-a-week dialysis
Ang kanyang ina, kapatid na lalake, isang kaibigan, at ang boyfriend niyang si Marc Nash ang ilan sa mga possible kidney donor ni Bea noong 2019.
Pero naantala ang operasyon dahil sa coronavirus pandemic.
Finally, natupad ang kidney transplant procedure na pinakahihintay ni Bea nitong April 2022.
Ang nakababatang kapatid ng beauty queen ang buong pagmamahal na nagbigay sa kanya ng bahagi ng katawan nito.
Mensahe ni Bea sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 28, 2022: “Thank you to my baby brother’s love and bean I am changed.
"Thank you world for showing me kindness and patience and of course to my family, friends and strangers for your support, countless prayers and positive energy.
“FINALLY AFTER THE 3rd TIME AND 3 YEARS OF DIALYSIS! I FEEL BRAND NEW!!! I FEEL LOVED AND RENEWED! THANK YOU THANK YOU THANK YOU!”
Kabilang sa mga nagbunyi dahil nalampasan ni Bea ang mga pagsubok sa kalusugan nito ang mga kapwa beauty queen na sina Pia Wurtzbach, Maggie Wilson, MJ Lastimosa, Cindy Miranda, at Megan Young; at ang veteran actress na si Sandy Andolong, na sumailalim din noon sa kidney transplant surgery.