Watch Now

Lolit Solis undergoes dialysis after being hospitalized

by Jerry Olea
Jul 29, 2022
lolit solis dialysis
Lolit Solis: “Siyempre, bawal pa rin akong mag-presscon-presscon, ‘no?! Magagalit ang mga doktor ko, ‘no?! Sa pagiging lakwatsera ko, ‘no?! Maiirita sila sa akin… Maiirita sila sa akin?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Jerry Olea

Nakakatalak na muli ang 75-anyos na talent manager na si Lolit Solis.

“Hindi kagaya ng dati na nag-i-stammer-stammer ako, ‘no?!” bulalas ni Manay Lolit nitong Hulyo 29, 2022, Biyernes, habang dina-dialysis siya sa FEU-NRMF Medical Center, Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City.

“Kaya feeling ko, magaling na ako!”

Read: Lolit Solis quits online show to focus on Instagram posts after getting hospitalized

Wala nang manas ang mga binti at talukap ng mga mata ni Manay Lolit.

Humigit-kumulang apat na oras ang bawat dialysis session niya, dalawang beses kada linggo. Kaya wala na sa schedule niya ang mga presscon, thanksgiving lunch, at iba pang showbiz gatherings.

“Siyempre, bawal pa rin akong mag-presscon-presscon, ‘no?! Magagalit ang mga doktor ko, ‘no?!” sambit ni Manay Lolit sabay irap nang slight.

“Sa pagiging lakwatsera ko, ‘no?! Maiirita sila sa akin… Maiirita sila sa akin?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

"I LOVE YOU" FROM MANAY LOLIT

Nagulat si Mr. Fu sa text messages ni Manay Lolit na umagang-umaga, nag-a-“I love you” si Manay Lolit kay Mr. Fu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Diyos ko, bakit siya maaano, ‘no?! Kasi, di ba, erratic na yung pagtulog mo?” paliwanag ni Manay Lolit.

“Nagigising ka nang ganitong oras chu-chu. E, wala naman akong magawa.

“Ang ginagawa ko, kinakalkal ko lang yung phone ko chu-chu chu-chu, anu-ano ako.

“Ano nga, sabing ganun ni ano, bakit ang ano, sabi ni Dra. [Vicki] Belo — kasi, yun daw isa sa mga kinakalkal ko.

“Sabi niya, ‘Bakit five days kang hindi nakapag-text chu-chu? I was so worried. Where are you chu-chu?’

“Naku! Nasa ospital ako, ‘no?! Alangan namang nasa ospital ako, tine-text pa kita! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kalokaaah!!! Yun ngang ano, di ba, wala akong magawa. Gaya ngayon, gusto nila, buksan itong TV-TV dito sa kuwarto.

“Sabi ko, ‘Naku, huwag na! Dito na lang ako mag-IG kesa manood ng TV.”

Dalawang magkasunod na Martes nang hindi napanood si Manay Lolit sa online show nila ni Mr. Fu na “Take It! Take It! Me Ganon?!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nami-miss niya ba ang pagpapaayos sa salon ni Bambbi Fuentes bago sumalang sa online show?

“Oo,” mabilis na tugon ni Manay Lolit, “ano nga, talagang… kinalkal na ako ni Mel [kasama ni Manay Lolit sa bahay] dahil sabi ko, ‘Naku, hindi! Sa Bambbi Fuentes ako magpapa-shampoo!’

“Naku, di ba?! Sabing ganun ni Mel, ‘Ate, baka katihin ka na!’ Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Baka katihin ka na!’

“Ha! Ha! Ha! Ha! Siyempre, hindi kasi sina-shampoo ang buhok mo! Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya pinilit talaga niya ako, ‘Ate, baka katihin ka na!’

“Kasi talagang ini-insist ko talaga, kina Bambbi Fuentes ako magpapa-shampoo para ma-protect mo itong nasa balikat mo.

“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Ay, hindi, day!’ Sabi niya, ‘Hindi, ate, kakatihin ka na!’

“Siguro, nahihiya si Mel na kinakalkal-kalkal ako dito, naaamoy nila ang buhok ko.”

STILL UPDATED

Gusto sanang mag-Baguio ni Manay Lolit, at gamitin ang mga gift certificate ng Kamiseta Hotel na bigay sa kanya ni Miss Cris Roque. Kaso, naospital siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong makita yung Kamiseta Hotel, di ba? Salamat, Cris Roque, kailangan alagaan mong mabuti yung mga binigyan ko ng gift certificate mo, ‘no?

“Or else… alam mo na! Ha! Ha! Ha!”

Tapos, nilindol pa ang Baguio. Takot tuloy magpunta roon ang ibang mga tao.

“Ano naman daw, hindi naman daw naapektuhan yung hotel, sabi ni Cris,” paglilinaw ni Manay Lolit.

“OK naman daw, oo. At saka hindi, alam mo ba, parang ganun pa rin daw kadami ang nagpupunta! Oo, sabi niya!”

Updated si Manay Lolit sa mga bali-balita. Pinanood niya ang unang SONA ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., at bumilib siya sa dire-diretsong pag-i-English nito.

Tungkol sa sigalot ng isang feisty politician at isang magandang aktres ay napahalakhak nang sakdal taginting si Manay Lolit.

Noong Hulyo 26, Martes ay nag-set up pa rin ang Supersam restaurant ng mesa sa pag-aakalang darating na doon sina Manay Lolit at Mr. Fu para sa kanilang online show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabuntong-hininga nang malalim si Manay Lolit, “Oo, biruin mo talagang ano… ready pa rin sila na bigla akong darating doon, di ba? Bait talaga ng Supersam, oo.”

Anu-ano ang immediate plans niya for the meantime? Sa mga darating na linggo…

“Wala muna. Behaved muna ako. Behaved muna ako sa bahay. Tapos, tuluy-tuloy ang gamutan at dialysis,” pagngiti ni Manay Lolit.

Thankful si Manay Lolit sa pag-aalaga sa kanya ng mga doktor at nars sa ospital. Pati iyong security guard, nakaalalay sa kanya.

“Hindi tatalab sa akin ang mga kulam-kulam na 'yan!” tili pa ni Manay Lolit.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis: “Siyempre, bawal pa rin akong mag-presscon-presscon, ‘no?! Magagalit ang mga doktor ko, ‘no?! Sa pagiging lakwatsera ko, ‘no?! Maiirita sila sa akin… Maiirita sila sa akin?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results