Carlos Agassi suffers knee injury after basketball accident: "Please pray for me"

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 7, 2022
CARLOS AGASSI BASKETBAL INJURY
Carlos Agassi: "Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg...Can’t believe I can’t stand or walk or bend."
PHOTO/S: Carlos Agassi Instagram

Nanawagan ng dasal ang hunk actor na si Carlos Agassi matapos niyang maaksidente habang naglalaro ng basketball.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, September 6, 2022, ibinahagi ni Carlos ang kasalukuyang kalagayan, kalakip ang mga litrato ng kanyang binti na tila namamaga at nakabenda.

Ayon sa aktor, hindi niya maigalaw nang maayos ang kanyang kaliwang tuhod, na halos hindi na siya makagalaw at makatayo.

Mensahe niya: "Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg.

"Sana speedy recovery and no need for surgery.

"Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din si Carlos sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto, sa kanyang nanay, at sa lahat ng nagpaabot ng dasal at tulong sa kanya.

Saad niya, "Thanks my love for taking good care of me @sarinayamamoto [Sarina].

"Thank you to everyone asissting & being patient with me, thank you so much Momskie for helping me & Sarina."

Dagdag pa ni Carlos, "Can’t believe I can’t stand or walk or bend."

Ikinuwento rin ni Carlos ang kanyang hirap na kalagayan sa kanyang sunud-sunod na Instagram stories kahapon, September 6.

CARLOS AGASSI BASKETBAL INJURY

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw siya makagalaw na kahit ang pagpunta sa banyo ay kinakailangan pa niya ng tulong ng iba.

Nakakaramdam na rin siya ng pagkabagot at pagkalungkot dahil sa limitado niyang paggalaw, para makaiwas sa lalong paglala ng kanyang injury.

CARLOS AGASSI BASKETBAL INJURY

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng injury si Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 2020 ay nadulas siya habang nagdyi-gym sa loob ng kanyang bahay, kung saan nagtamo siya ng sugat sa kilay at gilagid.

Read: Carlos Agassi gets stitches on eyebrow, gum after freak accident

Dahil dito, sumailalim siya sa anim na stitches sa kanang kilay, bukod pa sa four stitches sa kanyang gilagid.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Agassi: "Please pray for me, had a bad landing and my knee gave up and swayed side to side, can’t walk or move my leg...Can’t believe I can’t stand or walk or bend."
PHOTO/S: Carlos Agassi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results