PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Veteran actor Joonee Gamboa reveals routine to stay in shape at 87

"Kailangan, tama ang ating kinakain, at hindi tumitigil ng pagkilos."
by Jerry Olea
Published May 10, 2023
jooney gamboa health
Joonee Gamboa: "Naniniwala ako, napakahalaga na piliin natin lalo na yung nasa edad namin, na medyo piliin kung ano ang tama na kainin. Kasi, malaki ang epekto ng pagkain, e."
PHOTO/S: Jerry Olea

Eighty-seven (87) years old na si Joonee Gamboa, pero wala pa sa isip niya ang tumigil sa pag-aartista.

Kasama siya sa cast ng teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo, pati sa pelikulang Lola Magdalena na sinusyuting ni Direk Joel Lamangan sa Bulakan, Bulacan.

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay todo ingat ang beteranong aktor.

“Siyempre medyo natatakot ka pag hindi mo alam… pag hindi mo alam ang isang bagay,” lahad ni Joonee sa storycon ng Lola Magdalena noong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant sa Sct. Tuason, Quezon City.

“E, bigla na lang nangyari yun, e. So for a while talaga, natakot ako. But ang ginawa ko, tumigil talaga ako sa bahay.

“Yung kuwarto ko, lalo kong ginawang exclusive. Ibig kong sabihin, kung maaari, walang ibang papasok. Ako lang.”

Hanggang ngayon ba ay todo ingat pa rin siya sa bahay, o medyo nagluwag na?

“Medyo hindi na kasing-ingat noong height ng pandemya. Ang mahalaga para sa akin ay kailangan, tama ang ating kinakain, at hindi tumitigil ng pagkilos,” sabi ni Joonee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang kilos ko naman, tama lang. Lumalakad ako, normal pace. Normal pace lang. I don’t do strenuous exercise.

“Noong una, bisikleta. Kasi, laki akong Balete Drive, no? At nagbibisikleta ako noon mula sa Balete Drive, lalabas ako ng E. Rod, tapos dadaan ako ng Morato, lalabas ng Quezon Avenue, tuluy-tuloy sa UP.

“Tapos iikutin ko ang UP nang limang beses, tapos balik the same route.”

Sa Quezon City ang rutang iyon ng pagbibisikleta noon ni Joonee.

Pagpapatuloy ng beteranong aktor, “Pero ngayon, sinimplehan ko na lang. Naglalakad-lakad ako pabalik-balik sa loob ng bahay.”

Iyon lang ang ginagawa niya para mapanatiling masigla ang kanyang katawan?

Tumango si Joonee, “Oo at basta, kung ano ang tingin kong tamang kainin… Kasi, naniniwala ako, napakahalaga na piliin natin lalo na yung nasa edad namin, na medyo piliin kung ano ang tama na kainin.

“Kasi, malaki ang epekto ng pagkain, e. Like for example, I do not eat pork or anything that is porkish, like yung mantikang galing sa pork, hindi ko kinakain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyong processed na pork, hindi ko kinakain. Yung ibang karne, beef saka manok, at saka isda, kinakain ko.

“So my diet is high, high, high cholesterol… high, high, high protein.”

Maganda siguro na mag-vlog siya at i-share ang kanyang diet at routine…

“Aaminin ko, hindi ko kayang gumawa ng vlog dahil bobo ako sa ganyan. Ha! Ha! Ha! Ha! Bobo ako sa computer!” bulalas ni Joonee.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joonee Gamboa: "Naniniwala ako, napakahalaga na piliin natin lalo na yung nasa edad namin, na medyo piliin kung ano ang tama na kainin. Kasi, malaki ang epekto ng pagkain, e."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results