PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Veteran actor Gamboa recalls ""fights"" with late director

Joonee Gamboa relates experience memorizing script on the set.
by Jerry Olea
Published May 10, 2023
joonee gamboa celso ad. castillo
Joonee Gamboa (left) on the late director Celso Ad. Castillo (right): "Hindi ko masakyan kaagad yung kanyang moods. So, una talaga, antipatiko. Pero mamaya, makikita mo… napaka-creative pala. Napaka-creative at spontaneous. Spontaneous ang istorya. Wala talagang script. Umaandar yung script, ha, habang kayo ay nagsu-shoot.”
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Ang unang pelikula ng veteran actor na si Joonee Gamboa, 87, ay ang Santiago! (1970) na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr., sa direksiyon ni Lino Brocka.

Naging best supporting actor siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 1977 para sa pelikulang Burlesk Queen na pinagbidahan ni Vilma Santos, sa direksiyon ni Celso Ad. Castillo.

Read: Showbiz History: The great Lino Brocka questions MMFF 1977 winners; walks out in protest

Wagi rin siyang best supporting actor sa 1979 Gawad Urian para sa pagganap niya bilang Maestro Roque sa Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak, na pinagbidahan din ni Vilma sa direksiyon din ni Celso Ad.

pagputi ng uwak pag-itim ng tagak

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghihinayang ba siyang wala na ngayong mga pelikula na kagaya ng Burlesk Queen at Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak?

“Iba na kasi yung genre,” pagbuntong-hininga ni Joonee nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa storycon ng Lola Magdalena noong Abril 30, 2023, Linggo, sa Max’s restaurant sa Sct. Tuason, Quezon City.

Sayang at hindi na magawan ng remastered version ang mga ito.

“Hindi na-preserve, e. Nailagay sa isang bahay na binaha.”

Kumusta ang pagtatrabaho niya bilang Akong sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Batang Quiapo? Naka-adjust ba siya sa sistema roon? Maayos ba ang kanilang sistema?

“Oo naman, maayos sila. Maayos sila, e. Iyon nga, ang script, ibinibigay sa set,” saad ni Joonee.

“So you have to be a quick study, pero OK lang.”

Anong fulfillment ang nakukuha niya at patuloy siyang nag-aartista, gayong karamihan sa kakontemporaryo niya ay nagretiro o inactive na sa showbiz? Hindi na kaya, o natatakot nang lumabas…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi fulfillment. It’s fun! Masaya!” pagmamatuwid ng veteran actor.

Masaya dahil sa mga nakakatrabaho, or what?

“Lahat! Mga sira-ulo ang mga tao diyan kaya masaya!”

JOONEE'S MOST MEMORABLE FILMS

Maraming de kalidad at makabuluhang nilabasan si Joonee.

Tampok din siya sa Stardoom (1971) at Tinimbang Ka Nguni’t Kulang (1974) ni Lino Brocka, Tag-ulan sa Tag-araw (1975) ni Celso Ad. Castillo, Aguila (1980) ni Eddie Romero, at marami pang iba.

Ano iyong maipagmamalaki talaga niya sa mga papel na ginampanan niya?

“Ang una kong maipagmamalaki ay yung Burlesk Queen. Nung makilala ko si Celso, lagi kaming nag-aaway,” pagtatapat ni Joonee.

“Yung unang pelikula ko kasi sa kanya, Ang Madugong Daigdig ni Salvacion (1975). E, hindi ko masakyan kaagad yung kanyang moods.

“So, una talaga, antipatiko. Pero mamaya, makikita mo… napaka-creative pala. Napaka-creative at spontaneous. Spontaneous ang istorya.

“Wala talagang script. Umaandar yung script, ha, habang kayo ay nagsu-shoot.”

Gaya nina Direk Brillante Mendoza at Direk Coco Martin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, yung sa amin sa Batang Quiapo, sa set na ibinibigay ang script,” pag-ayon ni Joonee.

burlesk queen

Ano ang memories niya sa pelikulang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak na syinuting sa Majayjay, Laguna, at iprinodyus mismo ni Vilma Santos?

“Yung palagi kaming nag-aaway ni Celso. Dahil sabi ko, ‘Bakit ganyan ka? Maawa ka naman sa artista, huwag suspense! Hindi malaman kung bukas, anong isu-shoot!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nababago ang istorya, kung saan-saan pumupunta. Sabi niya, ‘Ako ang bahala! Iba-iba iyan lalabas pero ako ang magtatagni niyan.’

“Tama! Tinagni nga niya. Ang kanyang isip, parating creation.

“Minsan, isinakay niya ako sa kotse niya. Dumaan kami sa isang lugar, sa loob ng kampus ng Ateneo.

“Lumiliko kami sa isang kurbada na ang dilim-dilim, sabi niya, ‘Imagine-in mo, may babae diyan, naglalakad. Hinihipan ng hangin.’ Ganun!

“It was always a challenge working with him.”

FROM THEATER TO FILM

Nag-umpisa si Joonee bilang aktor sa entablado. Naggi-guest siya sa PETA (Philippine Educational Theater Association) na itinatag ni Cecile Guidote-Alvarez noong 1967, kung saan nagtrabaho si Lino Brocka bilang assistant ni Guidote-Alvarez, aktor, at executive director.

Pagbabalik-tanaw ni Joonee, “Sabi ni Lino, ‘Joonee, it’s time you share your talent with the bigger audience.’ Sabi ko, ‘How?’ Sabi niya, ‘Film.’ ‘No!’

“Sabi ko, ‘No!’ Takot ako, dahil nakikita ko, kung minsan ang sinu-shoot nila, ending muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Lino, kung ako mag-aral, chronological dahil sa stage, tapos ngayon, uumpisahan mo ako ng The End?! Hindi ko kaya ang ganun!’ ‘Makakayanan mo, I’ll guarantee.’

“So… he was right.”

Kahit nag-aartista na sa pelikula ay nagpatuloy si Joonee sa akting sa entablado.

“Lumalabas ako noon sa PETA, naggi-guest ako. Hindi kasi ako naging miyembro pero naggi-guest ako,” salaysay ni Joonee.

“Isang hindi ko malilimutang ginawa ko e yung buhay ng komedyanteng si Canuplin. Ni-research nila lahat yun. He was a superstar of the ‘30s.

“Ang ganda nun, may magic. So live ka, nagma-magic, hindi ka makakadaya, ‘no? Ang ganda ng challenge. Sa PETA namin ginawa yun.”

SECRET OF LONGEVITY

Para sa mga baguhang artista, ano ang maibabahagi niya upang tumagal din sa industriya?

“Akala ng mga tao, ang akting ay madali. Mahirap yun! Mahirap yun,” tugon ni Joonee.

“Kailangan parati kang nag-o-observe ng sarili mo. Tapos aaminin mo pag pangit, halimbawa napanood mo sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makikita mo, ‘Ang pangit ko diyan!’ What should I have done?! Each thing you see becomes a lesson. I think you should have that kind of attitude.

“Na each take you do is a lesson, and you try to make it better all the time, di ba?”

Aling role niya iyong bumilib siya sa sarili at nasabing, “Ang galing ko rito”?

Napailing si Joonee, “Wala akong maisip na ‘Ang galing ko rito.’ Sabi ko nga, siguro one day dadating iyong favorite role ko.

“Siguro dadating yun. Kasi, wala pa naman.”

Sa movies niya, alin ang pinaka-favorite niya?

“Pag may favorite ako, it’s because of my experience. Like, how difficult it was to work with Celso but it worked,” sambit ni Joonee.

“It worked all the time. All the time he was right. Pero nag-aaway kami. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“He was a different director. Habang ginagawa niya, ang feeling mo, saan pupunta ang istorya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron pa siya kung minsan, nagagalit iyan sa producer. Sasabihin niya sa akin, ‘Gusto mo, pagastusin ko?! Tingnan mo…’

“Gagawa iyan ng eksena. Yung producer, ‘Celso, ang mahal naman!’ Ang galing niya! I think he mastered film so well na iba, iba talaga.”

Bukod kina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Celso Ad Castillo, sino pa ang maituturing niyang film master?

“Mike de Leon. He’s a gift, ito sa akin… he’s a gift to film.”

Ang papel ni Joonee sa Lola Magdalena ay love interest ng 83-anyos na si Perla Bautista.

Nasa cast din ng pelikula sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Sunshine Cruz, Pia Moran, at Myrna Castillo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joonee Gamboa (left) on the late director Celso Ad. Castillo (right): "Hindi ko masakyan kaagad yung kanyang moods. So, una talaga, antipatiko. Pero mamaya, makikita mo… napaka-creative pala. Napaka-creative at spontaneous. Spontaneous ang istorya. Wala talagang script. Umaandar yung script, ha, habang kayo ay nagsu-shoot.”
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results