PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How often should you take a bath?

May paliwanag ang mga eksperto.
by KC Cordero
Published May 1, 2024
Photo of a woman taking a shower
Sa sobrang init ng panahon ngayon, baka nakakailang beses kang maligo sa loob ng isang araw. Pero ano nga ba ang opinyon ng mga eksperto kung gaano tayo dapat kadalas maligo?

Nakakailang beses kang maligo sa isang araw?

Posibleng sa sobrang init ng panahon ngayon, baka not just once or twice.

Pero kung hindi ikukunsidera ang klima—mainit man o maginaw—ilang beses ba talaga dapat maligo sa isang araw?

Sa mga nakalipas na panahon, gumawa ng ingay sa social media ang mga celebrities at influencers na nagse-share ng kanilang opinyon na hindi nila pinapaliguan ang kanilang mga anak araw-araw.

Photo of a kid taking a bath

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa ibang parents, ganito rin ang kanilang sistema.

May mga parents naman na nagsasabing kapag ilang araw nang hindi pinapaliguan ang kanilang anak, pakiramdam nila ay isang kahihiyan ito on their part.

Ayon sa artikulong nalathala sa website na Upworthy last March 7, 2024, nilinaw ng mga doctor na ang mga bata ay hindi kailangang maligo araw-araw.

May mga doctor na inirerekomenda pa ito sa mga parents para maprotektahan ang maselan pang balat ng mga bata.

Read: Lalaki, nagnakaw ng cologne: "Para i-spray sa sarili ko dahil ilang araw na akong walang ligo."

HOW MANY TIMES DO WE HAVE TO TAKE A BATH?

Tayong mga grown-ups, may mga naliligo araw-araw at mayroon din namang hindi—pero ano nga ba ang ideal frequency para sa paliligo?

Sa U.S., sa isinagawang survey ng YouGov sa 5,700 Americans, napag-alamang kalahati lang sa mga respondents ang nagsabing naliligo sila araw-araw.

Ang 11 percent ay nagsabing dalawang beses o higit pa kung maligo sila sa loob ng isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangangahulugan ito na dalawa sa bawat tatlong Americans ang naliligo nang at least once a day.

Photo of a hand catching flowing water

Pero ayon sa mga doctors and dermatologists, “overkill” o sobra iyon.

Paliwanag nila, kung ang trabaho ng isang tao ay hindi heavy labor, o kaya ay hindi naman nag-e-exercise nang heavy, na-e-expose sa toxin, nadumihan ang katawan o sobrang nagpawis, healthynhygiene pa rin kahit hindi maligo araw-araw sa loob ng isang linggo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaalala rin ni Dr. Robert H. Shmerling ng Harvard Health na ang madalas na paliligo ay may negatibong epekto sa kalusugan ng tao.

Paliwanag ni Dr. Shmerling, “Normal, healthy skin maintains a layer of oil and a balance of 'good' bacteria and other microorganisms.

“Washing and scrubbing removes these, especially if the water is hot.”

Aniya, kapag natanggal ang protective layer na ito, natutuyo ang ating balat, naiirita o kaya ay nangangati.

Dahil dito, kapag may damage ang balat, nakakapasok ang allergens at bacteria sa mga barrier ng skin.

Bukod dito, nire-require din aniya ng ating immune systems na dapat tayong magkaroon ng exposure sa microorganisms, mga dumi, at iba pang environmental stimuli para makalikha ng “immune memory.”

Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days

WHAT THE EXPERTS SAY ABOUT FREQUENCY OF TAKING A BATH?

Kung madalas naliligo, pinipigilan maging epektibo ang ating immune system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng Vogue kay Dr. Deanne Robinson, isang board-certified dermatologist, puwedeng hindi maligo ang isang tao sa loob ng isang araw kung hindi naman ito sumabak sa rigorous activities.

Ganito rin ang opinyon ni Mamina Turegano, isang triple board-certified dermatologist, internist at dermatopathologist.

Aniya, ang paliligo nang tatlo hanggang apat na beses sa loob ng isang linggo ay sobra pa nga kung tutuusin.

Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star

Malaki rin ang pagkakaiba ng quick shower at mahabang paliligo, at kung malamig o mainit ang tubig.

Bagaman at ang hot shower kung medyo malamig ang panahon ay relaxing lalo na kung masakit ang katawan, para sa mga dermatologists, hindi maganda ang epekto nito sa balat.

Ang hot shower ay hindi ipinapayo sa mga taong may skin issues gaya ng eczema.

“Any skin condition characterized by a defective skin barrier can be worsened by a hot shower,” ayon kay board-certified New York City dermatologist Shari Marchbein sa panayam ng Allure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, tinutuklap ng hot shower ang coverings ng sebum, pati na rin ang healthy fats and oils na kailangan ng ating balat.

Dahil dito, nade-dehydrate ang ating skin.

Ipinapayo ng mga dermatologists na maligo ng maligamgam na tubig.

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

May mga nagsasabi rin na para makatipid sa tubig ay piliin ang sabon na madaling banlawan kapag matatapos nang maligo.

Usually, ang mga bar soap na panligo ang madaling mabanlawan.

Ang mga body wash ang medyo may katagalan bago mawala ang mga bula at dulas sa katawan.

Pero bago ikonsidera kung bar soap o body wash ang gagamitin, alamin din ang epekto nito sa inyong balat at gamitin lang kung alin ang epektibo sa inyong skin.

Ang mga sabong panligo na gamit ang mga organic na sangkap gaya ng papaya at niyog ay masyado ring mabula at matagal banlawan.

Marahil, habang may krisis pa sa tubig, maging praktikal muna kung anong sabon ang gagamitin sa paliligo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAKING A BATH EVERY OTHER DAY IS IDEAL

Dahil sa mga payong ito ng mga experts, hindi tayo dapat maging judgmental sa mga taong hindi araw-araw kung maligo.

Ibang usapan na nga lang kung talagang ayaw maligo kahit may singaw na ang katawan.

Ang paliligo every other day ay maituturing pa ring okay.

Sa Pilipinas, sadyang mahilig maligo ang mga tao dahil nasa kultura natin ang pagiging malinis sa katawan.

Matatandaang ang madalas na paliligo ng mga Pilipino sa ilog ay pinuna ng mga prayle noong panahon ng mga Kastila.

Ipinagbawal nila ito dahil nagiging makasalanan umano ang mga Indio kapag nakikita ang hubad na katawan ng iba habang nakababad sa tubig.

Pero ang totoo, naiirita ang mga prayle sa sobrang linis ng mga Pilipino.

Madalas din kasing magtawanan ang mga ninuno natin noon kapag naaamoy naman ang putok ng mga Kastila na bihirang maligo.

Sa kasalukuyan, ang klima natin ang dahilan kung bakit napapadalas ang pag-shower. Kung tag-araw kasi ay napakainit talaga at tatagaktak ang pawis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder

Iba-iba ang pananaw ng mga tao pagdating sa kung gaano kadalas maligo.

Hindi masamang ikunsidera ang payo ng mga eksperto, at importante rin naman na maging malinis tayo sa ating katawan nang hindi nasasakripisyo ang kalusugan ng ating balat.

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa sobrang init ng panahon ngayon, baka nakakailang beses kang maligo sa loob ng isang araw. Pero ano nga ba ang opinyon ng mga eksperto kung gaano tayo dapat kadalas maligo?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results