May sakit na hypothyroidism si Cassy Legaspi.
Read: Mikee Morada reveals third miscarriage with wife Alex Gonzaga
Ito ang binulgar ng Kapuso actress sa January 24, 2025 episode ng Kapuso ArtisTambayan, ang isang interview show na naka-upload sa YouTube channel ng GMA Netowrk.
Saad ni Cassy, ang hypothyroidism ang dahilan kaya’t nahirapan siyang magpapayat noon.
Noong 19 to 20 years old daw na-diagnose si Cassy ng naturang sakit. 24 years old na siya ngayon.
Ang hypothyroidism ay sakit sa thyroid gland. Ang sintomas nito ay ang pagdagdag ng timbang, madaling pagkapagod, pagka-lamigin, sakit sa mga kasu-kasuan at iba pa.
Walang gamot sa hypothyroidism ngunit maaaring i-manage.

Read: Arnell Ignacio tells Ai-Ai delas Alas to create "AIAI party-list"
CASSY LEGASPI HYPOTHYROIDISM
Ikinuwento ni Cassy sa Kapuso ArtisTambayan ang kanyang mga nararamdamang sintomas.
“Naging super fatigued ako, tapos intense falling hair. Sobra talaga!" sabi ng Sparkle artist.
“Tapos palagi akong nilalamig, parang may fever ako palagi, pero fever na nilalamig, parang ganoon.”
Dahil daw sa diagnosis ay tinigilan niya muna ang goal na maging balingkinitan.
“Sabi ko talaga, 'Alam mo, at this point, Cassandra, wag ka nang magpapayat, maging healthy ka muna,” saad ni Cassy.
Read: Sarsi Emmanuelle, inconsistent ang mga pahayag kay Pepsi Paloma
CASSY LEGASPI ON LOSING WEIGHT
Years later, kontrolado na ni Cassy ang sakit niya kaya’t na-achieve na niya ang target weight.
Sa dagdag na panayam kay Cassy ng 24 Oras Weekend kahapon, January 25, 2025, ipinahayag nito na ang sports na pilates at tennis ang nakatulong sa kanya sa pagpapapayat.
Hindi niya rin masyadong pinagbabawalan ang sarili sa pagkain.
"I don't cut out carbs. I don't like restrictions because that's what got me into this mess in the first place," sabi niya.