Isinugod muli sa ospital si Kris Aquino dahil tumaas ang blood pressure nito.
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong araw, September 4, 2025, sinabi ng malapit niyang kaibigan at dating entertainment editor na si Dindo Balares, na ligtas at nasa maayos na ang kalagayan ni Kris.
Totoo raw na isinugod si Kris sa ospital sakay ng isang ambulansiya pero stable na ang lahat.
Ayon kay Dindo, kinabahan siya sa nasagap na impormasyon dahil ilang araw siyang walang contact kay Kris.
Kaagad daw niyang kinontak ang mga nakapalibot kay Kris.
Lahad niya: "Pagkatanggap ko sa unang tawag, nangumusta ako agad sa isa sa mga nag-aalaga kay Kris.
"Ang sagot sa akin: 'Sleeping po.' Saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Nagkakontakan kami ni Krisy sa messaging app kinagabihan, and yes, good news, she's really alive!
"Sinabi ko ang kumakalat na death hoax sa ilang diyaryo.
"'Maybe coming from here,' reply niya na sinundan ng pictures na kuha sa kanya sa hospital bed."
Kasunod daw na nagkuwento si Kris tungkol sa kanyang blood pressure na kakaiba na ang ipinapakita.
Dagdag pa raw sa sinabi ni Kris, "'You know my BP (blood pressure) was going crazy. My WBC (white blood cells) dropped. Waiting for my doctors to explain.'
"Nag-send siya ng photos kuha sa resulta ng kanyang blood pressure monitor.
"'My BP NOW. Scary,' mensahe niya. 'When I reached 172/112-I told Alvin to call St. Luke's for an ambulance.'"
Sinabihan din daw siya ni Kris na huwag nang mag-alala dahil kinakaya pa niya ang laban sa kanyang kalusugan.

Read: Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple
KRIS AQUINO IN HIGH SPIRITS
Ayon pa kay Dindo, mataas ang morale ngayon ni Kris dahil natunaw na raw ang blood clots na kailangan upang matuloy ang kanyang operasyon.
Kuwento pa raw ni Kris: "They checked if I had more blood clots.
"The good news-the 55 blood clot that required for the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly."
Dagdag ni Dindo, "Marami pa ring dinaramdam at ginagamot kay Kris. Pero lagi pa ring matapang sa buhay.
"Siya na mismo ang nagsabi, 'Kaya pa!'"

Noon lamang August 24, 2025 nakalabas ng ospital si Kris.
Read: Kris Aquino checks out of hospital after latest health scare
