Kitang-kita ang masayang ngiti ng Kapuso star na si Aira Lopez matapos siyang hiranging "Fastest Filipina" sa France.
Nangyari ito noong September 12-13, 2026, sa nakaraang Ironman World 70.3 Championship sa birthplace ng long-distance triathlon sa Europe: ang French city na Nice.
Tinapos ni Aira ang buong marathon sa loob lamang ng 6:35:59.

Kuwento ni Aira: "So first time ko po sa Europe. Galing kami sa Nice, France. So yeah, sabi nga nila kanina, nagko-congrats sila kasi we are the 'Fastest Pinay.'
"So nagbunga naman yung training natin sa pagpunta."
AIRA LOPEZ'S NEXT GOAL
Paano ba ang naging training niya at ilang buwan?
"Ilang months din kasi it's a long distance race. One point nine (1.9) kilometer swim, ninety (90) kilometer bike and a twenty-one (21) kilometer run.
"So talagang almost every day, nagti-training po tayo sa race na yun. So luckily, maganda naman yung result."
So dedication talaga siya?
"Yes, siyempre. Iba ang sport and lalo na it's an endurance sport. So it takes a lot of training, hard work, and patience talaga."
Ano naman ang next goal niya?
"Next for me, hopefully, next year, we're doing the full Ironman na. So let's do that. Okay."
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aira bago pa ang kanyang pictorial kahapon sa Studio 7 ng GMA-7, kung saan ginanap ang media conference ng upcoming thriller movie na Red Crown.
Read: Jennylyn's managers call out Patrick Garcia over his interview
AIRA: FROM MARATHON TO RED CROWN
Sa kabilang banda, excited din si Aira dahil kasama siya sa upcoming thriller film ng GMA Pictures na Red Crown.

"Siyempre una, na-surprise ako na bakit tayo nasali dito because alam naman ng mga audience natin na lagi lang akong nasa sports.
"So, I'm very grateful na na-experience ko naman yung feminine side of me, di ba?
"Kailan pa magpa-pageant, e, nakikita lang nila ako nag-swim o nagba-bike or run."
Wala din daw sa plano ni Aira ang pumasok sa pageantry dahil, "sa height ko pa lang, parang wala na akong laban: five-three lang po ako."
Dagdag niya tungkol sa naman sa kanyang upcoming film, "Yes, excited for the movie. It's my first movie kaya special sa akin..."
Ang kuwento ng Red Crown ay sumesentro sa journey ng 25 candidates na maglalaban-laban sa fictional na pageant na Queen of The Islands, na nagdiriwang ng ika-25 anibersaryo.
Ang grand prize winner ay makakatanggap ng PHP25M.
Ano kaya ang gagawin ng mga kandidata kung ang inakala nilang glamorous competition ay magiging deadly fight for survival pala?
Tuwing elimination kasi, nagkakaroon ng mga nakakatakot na twists kung saan may isang kandidata ange= mai-eliminate, este, mag-i-exit for good.
Bukod kay Aira, kasama rin sa cast ng Red Crown sina MJ Lastimosa, Yana Aduana, Alethea Ambrosio, Ara Arida, Herlene Budol, Skye Chua, Faith da Silva, Michelle Marquez Dee, Haley Dizon, MJ Encabo, Shuvee Etrata, at Gazini Ganados.
Kasali rin sa thriller film sina Rein Hillary, Maika Kemmochi, Aira Lopez, Sanya Lopez, Ahtisa Manalo, AZ Martinez, Ashley Ortega, Vanessa Peña, Sandy Riccio, Jade Tecson, Tarah Valencia, Yna Angela Uy, at Yza Thalia Uy.
Read: MJ Lastimosa embraces “Meme Queen” status over viral NatCos
