Hindi apektado ang Sparkle artist na si Aira Lopez sa mga isyung ibinabato sa nobyong si dating Batangas Vice-Governor Mark Leviste.
May balita kasing kumalat na nagpadala raw si Mark ng mga bulaklak at mga paboritong chocolate ni Kris Aquino habang nasa ospital ito at nagpapagaling.
Ayon sa netizens, dapat daw maalarma si Aira dito dahil baka raw magkabalikan ang dalawa.
Sa kanyang Facebook noong January 16, 2026, pinakalma ni Aira ang netizens sa kanilang pag-aalala.
Wala raw kasi itong isyu sa kanya.
Pinayuhan pa nga raw niya si Mark na bisitahin si Kris sa ospital.
Sa huli, sinabi ni Aira na ipinagdarasal din niya ang paggaling ni Kris.
Buong post ni Aira: "Wag na po nating gawing issue ang lahat.
"Whether he gave the chocolates or not, wala pong problema sa akin. I even encourage Mark to visit Ms. Kris in the hospital
"I sincerely wish her well and pray for her recovery."
Read: Willie Revillame explains why Wilyonaryo will not air on TV5
AIRA LOPEZ-MARK LEVISTE LOVE STORY AFTER MARK-KRIS
February 13, 2025, ipinakilala ni Mark sa media si Aira bilang kanyang bagong girlfriend.
Noong panahong iyon, anim na buwan pa lang ang kanilang relasyon.
Saad ni Mark sa kanyang social media post: "From day one, we connected well. I felt the spark and I'm happy where I am right now.
"We're having fun. We're having a happy and harmonious relationship these last six months going on seven."
Dahil kinabukasan ay Valentine's Day noong nakapanayam sila, naitanong na rin ng media kung ano ang balak nila sa Araw ng mga Puso.
Ayon sa politiko, isang dinner sa Hong Kong ang sorpresa niya para kay Aira.
Saad niya: "A dinner, I will be taking her out for dinner in Hong Kong, overnight lang, talagang for Valentine's lang.
"After ng mga kasalang bayan, at mga Valentine's na ganap dito sa Batangas, we're flying in Hong Kong in time for dinner.
"In love na in love."

Siniguro naman ni Mark na naging maayos ang hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kris kahit on and off ang itinakbo ng relasyon ng dalawa.
July 2024, kinumpirma ni Kris na hiwalay na sila ng Batangas politician.
Read: Kris Aquino says reuniting with ex-BF Mark Leviste unlikely
Ngayon, patuloy pa ring nilalabanan ni Kris ang samu't saring auto-immune diseases nito na umabot na sa labing-isa.
Read: BREAKUP TALES: Swap na nauwi sa separation
, "widget":"Hot Stories"}
