Ethel Booba grows vegetables, fruits in living and dining areas of her home

by Arniel C. Serato
Oct 12, 2020
Ethel Booba's plants at home are not just for aesthetic purposes. Their leaves are edible, too.
PHOTO/S: Courtesy: Ethel Booba on Facebook

Usung-uso sa panahon ngayon ang salitang “plantito” at “plantita.”

Nagsimula ito nang mag-lockdown ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Napagtuunan ng mga netizens ang pagtatanim ng mga ornamental plants sa mga paso upang payabungin at ipang-display sa kanilang mga bahay.

Ang iba naman ay nag-alaga ng mga halamang gulay sa mga paso o sa maliliit na espasyo sa kanilang mga bakuran.

Pero, ibahin mo si Ethel Booba.

Dahil nagmistulang vegetable garden ang loob ng kanilang bahay.

Sa kanyang post noong nakaraang October 10, 2020, ipinakita ni Ethel ang malalaking puno ng gulay sa loob ng kanyang bahay.

Sabi niya sa caption, “Good morning PLANTITOS and PLANTITA.”

Continue reading below ↓

Kinagiliwan ng netizens ang post ni Ethel kaya naman umani ito ng 58,000 likes, 3,600 comments, at 21,000 shares.

THE PLANTS

Sa unang larawan ay makikita si Ethel na nakagayak habang karga niya si Baby Michaela, ang anak niya sa partner na si Jessie Salazar.

Makikita sa background ang malaking puno ng malunggay at talong na may bunga pa.

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang larawan, makikita naman ang mga puno ng papaya na nakatanim sa mga paso.

Makikita naman ang mga puno ng saging sa isa pa niyang post.

Continue reading below ↓

May mga puno rin ng gabi si Ethel sa kanyang sala.

Ang huling larawan ay picture ng buo niyang sala kung saan makikita ang lahat ng kanyang halamang gulay.

Continue reading below ↓

Bukod kay Ethel, marami na rin ngayong celebrities ang proud plantitas at plantitos.

Kamakailan lang, usap-usapan rin ng netizens si Jinkee Pacquaio dahil sa mamahalin nitong halaman na "variegated Alocasia Elephant Ear" o mas kilala din sa tawag na "Badiang" sa bahay nila ni Senator Manny Pacquiao sa General Santos.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba's plants at home are not just for aesthetic purposes. Their leaves are edible, too.
PHOTO/S: Courtesy: Ethel Booba on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results