Value for money ang habol ngayon ng mga mamimili o customers. Yung hindi kailangang gumastos nang malaki pero may kalidad pa rin.
Isa itong malaking hamon lalo na ngayong ang mahal ng mga bilihin.
Pero isang construction company sa Pampanga ang kayang magtayo ng 18-square-meter container house sa halagang PHP170,000.
Isang araw lamang itatayo ang bahay, maniwala kayo at sa hindi, at puwede na siyang lipatan at tirahan dahil may electrical installations nang kasama.
Calamity proof pa!
Ito ang kagandahan ng mga nauusong prefab (short for prefabricated) container houses.
Ani John Lam ng Zhongjian Prefab Container Houses PH, nag-originate ang kanilang produkto sa China at dinala sa Pilipinas dahil naging in demand ito.
Read:
- Calamity-proof na tiny house worth PHP800K, natapos sa loob ng six days
- Container van house sa bukid sa Calamba, may breathtaking view ng Mt. Makiling

Si John Lam ng Zhongjian Prefab Container House PH. Sa likod niya ay mga model units ng kanilang products.
Nagsimula sila sa pagtatayo ng temporary offices at barracks sa construction sites.
Nung nag-pandemic, ginamit ang prefab container bilang COVID hospitals.
Ngayon, nauuso na ito for residential use.
“Our standard container only takes one day to build. Napakabilis. Unlike sa mga conventional construction,” sabi ni John sa Summit OG interview.
“After building the container, it’s as good as ready for use. Wala nang pinapatuyong pintura, wala nang ibang finishing.”
Diin niya pa, “Mas mura siya compared sa conventional standard construction. For a prize of P170,000 meron ka nang isang 18-square-meter basic prefab container [house].”
Read: Bahay-kubo worth PHP150,000, itinayo gamit ang mga kahoy sa paligid

Ang interior ng bare prefab container house

Ang interior ng inayusang prefab container house
Ito ay three-meter wide at 5.95-meter long.
Pero bakit ganoon kabilis itayo ang bahay?
Paliwanag ni John, “The materials, the components are already prefabricated so pagdating sa site, assembly na lang. Ina-assemble natin parang Lego na lang.”
"Using prefab containers, we’re limiting the construction wastes to minimal [or] to zero wastes, since everything is already prefabricated."
Matibay kaya ito?
“The materials we use are mostly steel for the main frame. Everything is pre-painted and galvanized, so our wall panels are fire retardant, high density EPS sandwich panels.”
Double-layered glass din ang gamit sa mga bintana kaya nakakatulong sa sound insulation and heat insulation.
Ang mga steel doors naman ay gumagamit ng European-standard door lock.
“Hindi siya mainit kasi all components from the walls to the roofing are all insulated,” sabi ni John.
Dagdag niya, “Prefab containers are earthquake resistant, typhoon resistant, fire retardant. Kaya nitong mag-withstand ng magnitude 7 earthquake.

Isang variation ng prefab container house unit

Maaari ring i-customize ang unit, depende sa preference ng client
Ang isang bare unit ay may kasamang dalawang bintana, isang door, dalawang standard electrical outlets, dalawang ilaw, isang breaker, at isang aircon outlet.
May option ding maglagay ng all-in-one toilet and bath na ginagamitan ng fiberglass flooring.
OPTION TO CUSTOMIZE
Pero bukod sa kanilang standard prefab container house, maaari rin silang gumawa ng customized unit, depende sa gusto ng kliyente pati sa available area para sa bahay.
“Kung gusto niyo nang mas malaking space, puwede ring i-combine yung container units. Puwede silang side by side, pero independent units or combined units.
Ipinakita rin ni John ang kanilang two-story model unit na kinabibilinagan ng 18 prefab containers.
Maaari ring gamitan ng glass walls ang ibang bahagi ng unit.
Para sa mga interesado, maaari silang ma-contact via Zhongjian Prefab Container PH Facebook page.

Sample ng two-storey prefab container house na ginamitan ng glass panels as walls.
