PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why an aircon upgrade could lower electricity bill

Up to 60K savings!
by Bernie V. Franco
Published Apr 4, 2025
aircon unit
Meralco offers money-saving tips for more efficient aircon use.
PHOTO/S: Canva

Maraming kinakabahan sa kanilang electric bill tuwing summer.

Isang rason ay dahil gamit na gamit ang air-conditioning unit.

Sobrang lakas ba ng konsumo nito sa kuryente?

Kapag oo ang sagot, gaano na ba ito kaluma? Ano bang model?

Akma ba sa sukat ng kuwarto ang horsepower ng aircon?

Kapag hindi ang sagot, baka kasi masyadong malaki ang area?

Kung luma na ang unit mo, mas malaki raw ang matitipid kung palitan ito ng bago.

Ayon sa article na naka-post sa Meralco website, “Technology dramatically improves efficiency, so it becomes more cost efficient to replace an aircon after five years.”

Base ito sa consumption test ng Power Lab facility ng kumpanya sa 300 aircon units na ginamit sa iba’t ibang sizes ng rooms.

Dito naikumpara ang cost savings at energy efficiency ng five-year-old non-inverter sa brand-new inverter, na may kakayahang i-control ang speed ng compressor motor ng aircon unit once lumamig na ang temperature sa kuwarto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag na paliwanag ng Meralco, "If your unit is outdated and non-inverter, replacing it with a newer, more efficient inverter model can be cost-effective."

Huwag kalimutan ang maintenance at brand quality.

Kapag regular na nalilinisan at napapa-check, ang aircon unit ay puwedeng tumagal ng hanggang "10 years and still work efficiently."

Read: Are inverter aircons money-saving or budol?

SAVINGS FROM ENERGY-EFFICIENT AIRCON

Alam mo ba na kapag ang aircon ay energy-effcient, ang posible savings sa loob ng limang taon ay PHP60,000?

Ayon pa rin sa consumption test ng Power Lab facility ng Meralco, ang PHP7.50/hour na kinukunsumo ng five-year-old 1HP non-inverter aircon ay mas mataas sa PHP3.75/hour ng inverter aircon.

Nasa PHP900 kada buwan ang possible savings.

“If a new one [aircon unit] costs [PHP]20K, it would have paid for itself in less than 2 years,” ayon pa sa Meralco article.

aircon remote
According to Meralco Power Lab, newer aircon models are more energy-efficient due to advanced technology.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RIGHT KIND OF HORSEPOWER FOR ROOM SIZE

Base pa rin sa isinagawang test, lumalabas na mas mataas ang electric bill ng PHP1,000 kada buwan kung hindi tama ang horsepower ng aircon unit sa laki o liit ng kuwarto.

Ito rin ang madalas na sabihin ng aircon salespeople sa mga appliance stores.

Saad ng Meralco, “That’s PHP60K in five years."

Kung bibili raw ng maliit na unit na may 0.5HP para sa 30-square-meter room, kaya nitong palamigin ang malaking kuwarto, pero maaaring mas malaki ang babayarang kuryente dahil tuluy-tuloy ang paggana ng compressor.

Imbes na mag-focus lamang sa diperensiya sa presyo ng aircon units na may .5 sa 1 o 1.5 HP, isipin ang puwedeng maging savings buwan-buwan.

Sa previous article na inilathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mayroong guide para sa laki ng kuwarto batay sa HP ng aircon unit.

  • 1 HP para sa 18-22 square meters na kuwarto. Katamtaman lamang ang laki ng area at kasya ang dalawang tao, dalawang upuan, isang lamesa, at isang kama.
  • 1.5 HP naman para sa 23-37 square meters na kuwarto. Ang espasyo ay sinlaki ng studio apartment at kakasya rito ang dalawang lamesa at isang malaking kama.
  • 2 HP para sa 28-40 square meters na kuwarto, na sinlaki ng isang apartment at kakasya rito ang malaking kama, malaking lamesa, at upuan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din ni Meralco Power Lab manager John Pocholo Pabillona na may magagawa ang pag-a-adjust sa aircon temperature from 18 degrees to 25 degrees Celsius para magkaroon ng energy savings up to 71%.

Read: Tips para makatipid sa kuryente gamit ang aircon, ref, electric fan

ED'S NOTE: This article was revised following clarifications provided by Meralco.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meralco offers money-saving tips for more efficient aircon use.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results