PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco embraces solo life--chores and all

Yup, he doesn't have a kasambahay.
by Arniel C. Serato
Published Apr 16, 2025
David Licauco and his dog Hershey
David Licauco enjoys solo living and doesn’t mind doing the chores. Here he is with his dog Hershey.
PHOTO/S: @davidlicaucao on Instagram

Isa si David Licauco sa mga artistang lumaki sa karangyaan.

Sa panayam ng aktor sa Updated With Nelson Canlas noong February 2023, sinabi niyang "comfortable" ang buhay niya at ng kanyang pamilya.

Pero klinaro niya, "Lahat ng meron ako ngayon, pinagtrabahuhan ko yun.

"Kaya siguro iniisip nila na parang lahat nga, given sa akin, na parang everything was easy, like, you know.

"Pero hindi, pinaghirapan ko lahat and meron din akong hardships na hindi lang nila alam kasi yun na nga outside appearance ko, like the way I post on Instagram na parang all happy."

Hindi raw siya yung tipong spoiled and pampered.

Sa katunayan, "solo-living" siya ngayon, at wala siyang househelp na nag-aasikaso sa kanya o ng kanyang mga gamit.

Siya nga raw ang naglalaba ng kanyang mga damit.

Biro niya, "Washing machine lang. May washing machine ako. May dryer pa."

Read: David Licauco, Barbie Forteza get cozy at premiere night

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DAVID LICAUCO'S INVESTMENTS

Mahilig din ba siya sa kotse?

"Medyo," maiksing tugon ni David.

Meron daw siyang tatlong kotse ngayon, at ang pinakamahal ay, "Yung Patrol."

Ang tinutukoy niya ay ang Nissan Patrol 2023 model na ang presyo ay nasa PHP4.7 million.

david licauco with his nissan patrol
David Licauco with his Nissan Patrol
Photo/s: @davidlicaucao on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa na raw siyang loteng nabili, pero wala pa siyang bahay na naipatayo.

Sabi niya, "Wala pa. Iyan yung plan ko this year. Saka plano ko naman bumili ng mga lote."

Outside of showbiz, meron siyang restaurant chain, ang Kuya Korea at Sobra Cafe, coffee business, at construction projects.

Read: David Licauco reveals winning mindset; how he grows his net worth

Nangyari ang exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay David noong March 27, 2025, sa mediacon para sa pinagbibidahang pelikula, ang Samahan ng mga Makasalanan, isang satirical comedy film na ipapalabas sa mga sinehan simula sa April 19.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco enjoys solo living and doesn’t mind doing the chores. Here he is with his dog Hershey.
PHOTO/S: @davidlicaucao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results