PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to maximize your aircon and save on electric bill

Small changes, big savings.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
aircon unit
Want to use your aircon but worried about your electricity bill? Here are some tips to cut costs while keeping your home cool.
PHOTO/S: Canva

Dahil sa sobrang init ngayon, expected na madalas at matagal ang paggamit ng air-conditioning unit.

Asahan ding mas magiging hardworking ang compressor o makina ng aircon.

Ang resulta: mas mataas na bill sa kuryente.

Pero, ayon sa Manila Electric Company (Meralco), maraming puwedeng gawin para mapanatiling cool ang bahay gamit ang aircon nang hindi nabubutas ang bulsa.

Narito ang mga tips mula sa pinakamalaking private-sector electric distribution company sa bansa.

Read: Tips: Paano makatipid sa kuryente gamit ang aircon, ref, electric fan?

Use the aircon timer or smart plug

Isang praktikal na paraan ay ang paggamit ng timer.

Sa pamamagitan nito, automatic na mag-o-off ang aircon kapag lumamig na ang kuwarto.

Makakatulong din ang paggamit ng smart plug upang magkaroon ng remote shutdown ang appliance saan man ang iyong lokasyon.

Kailangang lang i-pair ang smart plug sa mobile phone o tablet via wi-fi.

Oras na maging successful ang pairing, may control ka na sa wired appliance gamit ang iyong phone o device.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are inverter aircons money-saving or budol?

Ensure rooms are properly sealed

Tiyaking properly sealed ang mga kuwarto kapag umaandar ang aircon.

Ito ay para hindi makalabas ang malamig na hangin at upang hindi makapasok ang mainit na hangin mula sa labas.

Ibaba ang kurtina o blinds para maiwasan ang pagpasok ng sikat ng araw na puwedeng makontra ang mabilis na paglamig ng kuwarto.

Huwag kalimutan na ang trabaho ng aircon compressor ay i-pump out ang init sa pamamagitan ng condenser.

Kapag mas mainit ang kuwarto, mas mahihirapan itong palamigin ang kuwarto.

aircon room
Meralco recommends the cleaning of aircon unit every six months.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SET Aircon temperature to 25 degrees

Highly recommended ang pagse-set ng thermostat ng window-type aircon sa "highest most comfortable level," dahil puwede raw umabot sa higit PHP1,000 kada buwan ang matitipid.

Ayon sa "tips for the bedroom" na nasa website ng Meralco, ang temperature setting ng aircon ay dapat nasa "24 or 25 degrees Celsius" para sa pagpapalamig ng kuwarto.

Dagdag na paliwang ng consumer-voice.org website: "the temperature difference between the room and the outdoors is minimized, allowing the compressor to run less frequently."

Batay sa Meralco Powerl Lab tests noong 2024, malaki ang matitipid kapag nilalagay sa mid-setting ang temperature ng aircon.

Kapag daw inilagay ang 1.0 window-type aircon sa 25 degrees kumpara sa 18 degrees kada eight hours per night, puwedeng makatipid ng PHP1,895.91 kada buwan.

Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill

Regular cleaning of filters

Inirerekomenda ang paglilinis ng filter isang beses kada dalawang linggo, lalo na kung madalas gamitin ang aircon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Meralco article, nakakabawas ito ng hanggang nine percent sa energy consumption .

Mas nagkokonsumo kasi ng kuryente ang aircon unit kapag marumi at puno ng alikabok.

Highly recommended din ang pagpapalinis ng aircon sa professional cleaner kada anim na buwan para sa ma-achieve ang ultimate performance ng unit.

CONSIDER INVERTER TECHNOLOGY

Karaniwan na ngayon ang inverter technology, na mas matipid ng hanggang PHP4.25/hour kumpara sa conventional aircon unit, ayon sa Meralco.

At kung ginagamit ito nang mas matagal, mas maginhawa na, mas matipid pa.

Masasabing investment ito lalo na sa mga nasa tropical countries na gaya ng PIlipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Want to use your aircon but worried about your electricity bill? Here are some tips to cut costs while keeping your home cool.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results