Maraming paraan para makatipid sa kuryente.
Kaya ang ginagawa ng Meralco Power Lab, ang specialized testing and education facility ng largest power distributor ng bansa, ay nagsasagawa ito ng mga experiments para makakuha ng datos tungkol sa halagang matitipid.
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa head ng facility na si Engr. Cholo Pabilona, inisa-isa niya ang mga posibleng magpababa sa electric bill.
Read: Tipid kuryente tips gamit ang aircon, ref, at electric fan
WHICH APPLIANCES ARE SIGNIFICanT ENERGY USERS?
Alamin kung ano ang mga appliances na nagkokonsumo ng malaking kuryente.
Ito ang unang rekomendasyon ni Pabilona “kung gusto talaga natin makita yung ginagawa nating pagtitipid na mag-reflect talaga sa monthly bill.”
Paliwanag niya: “Kasi kung magtitipid ka doon sa mababa naman yung konsumo, hindi siya magre-reflect sa total bill natin.
“So, anu-ano ba yung mga Significant Energy Users o tinatawag natin na SEUs? Iyan na yung aircon, refrigerator, kung may induction cooker ka.
"And then some lower wattage, ito na yung mga electric fan and ilaw. Kahit mas mababa kasi yung wattage niya, matagal naman or mas maraming unit yung ginagamit natin sa bahay.
“So, sila yung usual na Significant Energy Users natin.”
Nagbigay siya ng tips para mas makatipid sa tuwing gagamitin ang mga SEUs.
“So ano ba yung mga pwedeng gawin? Yung proper aircon setting,” pagtukoy niya sa pag-set ng aircon temperature sa 25 degrees.
“Numero uno iyan kasi ang laki nga nung puwede mong matipid. So, from PHP750, puwede mag-jump up to PHP2,500-plus yung bill mo, ano, with the aircon alone.
“And then si electric fan, ganun din. Yung proper setting ng electric fan.”
Mungkahi ni Pabilona: “Kung okay ka naman sa low… kasi kung PHP300 per month yung equivalent nung ating bill sa electric fan pag naka-high. Around PHP200 siya kung naka-low.
“Pero, siyempre, may preference diyan nung comfort din. Ayaw naman natin talagang totally mag-suffer yung comfort pag nagagamit natin yung appliances.
“And then even sa refrigerator, yung mid-setting. Ganun din. Kapag naka-mid-setting tayo, mas matipid yan sa kuryente.
“And then, siguro additional din for refrigerators, yung frequent opening. Based sa testing namin, it can actually increase your consumption by around five percent.”
Ipinaliwanag ni Pabilona kung bakit tumataas ang electricity consumption kapag madalas na binubuksan ang ref.
“So, tuwing bukas kasi ng ref, yung mainit na hangin posibleng siyang pumasok doon sa refrigerator natin, and magre-restabilize din yung ref by running the compressor.
“So, similar with air conditioning. Yung mga air leaks natin, iwasan natin na pag may naiiwang bintana na nakabukas, gap sa pinto, o yung mga small openings. It can actually contribute din to higher bill.”
Dugtong ng engineer, “So, that's the importance kung bakit dapat hindi sumisingaw, di ba.”

ELECTRICITY CONSUMPTION DURING SUMMER
Mayroon ding nais ipabatid si Pabilona sa consumers pagdating sa paggamit ng kuryente sa panahon ng tag-init, lalo pa’t marami ngayon ang nagugulat sa tumaas na bayarin nila sa kuryente.
“Yung summer kasi, yun yung impact talaga. So, yung mga cooling appliances natin during summer really work harder. Na ang nangyayari, dumodoble talaga yung consumption niya. Almost double, or in some cases triple during lunchtime, ano.
"Yung sobrang init talaga, nagti-triple pa yung consumption ng mga aircon natin, ng mga refrigerator...
“Kasi nga yung init sa labas, nagsi-seep in din yun sa loob ng bahay natin. Mas kailangang magtrabaho ng compressor para mapanatili niya yung malamig na temperature sa loob ng bahay or doon sa loob ng room.
“And nakikita ko kasi iyan na parang usual na nangyayari is [sasabihin ng customers], ‘Wala naman kaming dinagdag na bagong appliance.’
“Pero yung simple na nagbago yung temperature sa labas can actually affect yung consumption ng mga appliances natin, like yung mga aircon.”
Read: ASK MERALCO: How aircon, inverter, brand affect eletric bill
LONGER USE OF APPLIANCES
Kaugnay pa rin ng paggamit ng appliances sa panahon ng tag-init, may dagdag si Pabilona.
“Aside kasi doon sa impact mismo doon sa appliance, yung longer use. Kasi pag summer nga, yung 5:00 A.M. na dapat nagpapatay ka na ng aircon, na-e-extend iyan hanggang 6:00 A.M. para mapanatili pang malamig yung room.
“So, kung magdadagdag ka actually ng one hour of use ng aircon, ang impact nun sa monthly consumption mo kung puro nighttime mo lang siya ginagamit, is around PHP118 additional pa ulit.
“So, bukod sa nagdo-double na yung consumption niya during summer, dahil longer hours of use ka pa, may additional ka pa ulit na dagdag sa bill mo.”
Saad niya pa, “And even nung summer, ano, yung mga electric fan natin. Kapag kasi yung typical natin na electric fan, close to PHP300 yung consumption niya kung twelve hours a day mo siya ginagamit sa isang unit.
“E, during summer break may bata. So, kung dati si Nanay lang naiiwan sa bahay, ngayon dalawa na sila sa bahay, dalawang fan na yung ginagamit, magkaibang area, plus PHP300 yun sa bill mo.
“And kung dahil nga longer period of time, yung iba nga based sa mga nakakausap din namin, walang patay ang electric fan. So, pa-times two pa iyan, or kung ilan ba yung electric fan na gumagana, at the same time… yung mga bahay na tatlo, limang electric fan, di ba?
“So, lahat yun nagpa-pile up na, yung maliliit na bagay kasi yun, extended period of use, yung impact nung high weather, nagpa-pile up siya kaya ending talagang dumodoble yung bill nila.”
Paliwanag ni Pabilona, sa typical Filipino household, pinakamalakas talagang magkonsumo ng kuryente ay ang aircon.
“Pero yung nabanggit ko kanina… sa electric fan kasi can also be the highest parang contributor sa bahay natin, kasi nga, kung one is to one, definitely aircon…
“Pero dahil multiple electric fans yung ginagamit natin, at kung walang patayan ng electric fan, can also be parang contender dun sa mga highest consuming appliances.
“Pero definitely, cooling and heating appliances, like induction cooker or mga microwave, yun yung malalakas yung consumption.”

