May paniniwalang dapat ino-off at binubunot sa saksakan ang mga appliances kapag nagkaroon ng brownout.
Kapag hindi raw kasi ito ginawa, nagkakaroon ng surge ng energy consumption ang appliances kapag bumalik ang kuryente.
May epekto nga ba ito sa electric bill?
Read: ASK MERALCO: How aircon, inverter, brand affect eletric bill
Isa ito mga tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa head na Meralco Power Lab na si Engr. Cholo Pabilona.
Ang sagot niya: Wala.
“During startup talaga nagkakaroon ng surge kasi, siyempre, may [rush] ng kuryente galing sa grid natin.
“Pero yung consumption naman niya, milliseconds lang yun or one [second]. Halos hindi siya mag-i-impact doon sa bill natin.
"Hindi siya totoo na dahil kada patay-sindi, mas malakas ang consumption,” paglilinaw niya.
UNPLUGGING APPLIANCES, A GOOD PRACTICE
Gayunpaman, rekomendado pa ring mag-unplug ng appliances for a different reason.
Sa pagpapatuloy ni Engr. Pabilona: “Puwede siyang makasira talaga ng appliances natin, lalo na yung mga sensitive yung unit at saka walang proper grounding.
"Kasi yun yung mga pag may excess voltage na nagbabato sa grounding, ang ending kasi, nasisira yung appliance pag hindi siya properly grounded.”
Sa madaling salita, mag-off ng appliances kapag brownout hindi dahil biglang may spike ng electricity kundi dahil sa posibilidad na masira ang mga ito.
May isa pa siyang binigay na dahilan kung bakit magandang practice ang pag-unplug sa mga appliances.
“Kung may tumama na kidlat sa linya, puwede talaga siyang magkaroon ng surge sa voltage na makakasira ng appliances natin.
“So, yung mga uncontrollable na yun during thunderstorm, better talaga na unplug na lang yung mga hindi natin ginagamit na appliances.”
Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill
