Nauna nang ibinunyag ni Meryll Soriano na siya ang gastadora, at ang long-time partner niyang si Joem Bascon ang budgetarian.
Aniya pa, "good provider" at masinop sa pera pera ang aktor, habang siya raw itong walang habas gumastos kapag may nais siyang bilhin.
Pero, hindi mamahaling bagay ang trip niya kundi mga kung anu-anong item na matipuhan niyang i-add to cart sa online shops.

Read: Meryll Soriano on Joem Bascon: Budgetarian, kuripot, good provider
MERYLL SORIANO: "BE WISE!"
Hindi maluhong ang panganay ni Willie Revillame.
Kuwento ni Meryll: "Dahil mahilig kasi ako sa maliliit na kotse-kotse. Hindi ako maluho, e.
"Mahilig akong yung, 'A, gusto ko ng ganito. A, gusto ko...' Alam mo na ang online? Mga shopping-shopping, add to cart."
Nadiskubre na raw niya ang Pinduoduo, isang Chinese shopping app na maraming mumurahing bilihin.
"I know. Di ko nga binubuksan muna, e," aniya.
Ano ba ang kinahiligan niya sa online shops?
"Mga ano, mga tissue. Ay, mahilig ako sa mga tissue.
"So yung mga ganun na akala mo parang two hundred lang.
"Na-try niyo na ba yung ano lang...Baby Monster?"
Hinanap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang brand na sinabi ni Meryll sa Lazada, at ang malapit sa binanggit niyang presyo ay ang four-ply mini-pocket tissue na may 280 sheets kada pack.
Magkano? PHP124 ang 30 packs, at PHP223 for 60 packs.

Mas gusto rin bumili ni Meryll nang "by the bulk" dahil mas tipid pati na rin sa shipping fee.
Aniya pa, "Yung Royo Panda, ang ganda nun, a! Ang mura pati."
Halimbawa na lang ay itong Hanging Pull-out tissues na skin-friendly, ang five packs sa Tiktok shop ay PHP357, habang ang 10 packs naman ay PHP689 plus free four packs.
Bawal pack pala ay may 10,000 sheets.

Pero minsan daw, sumusobra siya sa dapat bilhin.
Natatawa niyang sabi: "Nakakatipid ka pero pag marami ka namang binili na maliliit, nag-a-accumulate pa rin."
Pati daw wet wipes, meron din daw sa Royo Panda.
"O iyan, try mo yung Royo Panda. Okay siya. Meron pang-poopoo at meron pang-normal lang. Taray, di ba?
"Yes. Mas makapal yung maputi."

MERYLL SORIANO'S SHOPPING TIP
Ano ang payo niya sa mga mommies na gusto ring makatipid?
"Ah, be wise sa iyong gagastusin. Kumbaga kung makakamura kayo, doon kayo sa makakamura kayo."
View this post on Instagram
Ano naman ang top three best finds niya sa online?
"Tissue iyan, mga tissue wipes iyan. Isa na iyan.
"Sabon panglaba. Alam mo nang may edad na.
"Saka mga papel kasi nag-aano ko ng mga ume-post kasi meron akong mail club, e, monthly mail club.
"So nag-o-order ako ng papel dahil hindi lahat ng papel na gusto ko nasa, wala sa National Bookstore. At least yun, nakakamura din ako. Specific, yes."
View this post on Instagram
Read: Rafael Rosell explains why he and wife Valerie have no baby yet
