PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon nag-sorry sa sagot na magaling siya sa "kama"

Joem Bascon ipinaliwanag kung bakit wala siyang social media account.
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2024
joem bascon fast talk
Joem Bascon on why he deleted all his social media accounts: "Having a social media is like going to a battlefield. It’s like driving sa EDSA na kailangan prepared ka sa lahat ng mangyayari. I mean, with all the… siyempre maraming comments and everything, it really affects me as a person. I decided to turn it off, to delete it, and then just focus on Meryll, focus on my baby, my family."
PHOTO/S: GMA Network

Off cam, inihingi ni Joem Bascon ng paumanhin ang naging sagot niya kay Boy Abunda sa tanong ng TV host kung saan siya magaling bukod sa pag-arte.

"Kama" ang naging mabilis at seryosong sagot ni Joem.

Nangyari ito sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Enero 22, 2024.

Nang magkaroon ng commercial break ay nag-"sorry" si Joem kasunod ng nakatatawang depensa niya.

“Puwede naman na magaling akong mag-ayos ng kama?” dagdag ng aktor patungkol sa kanyang titillating answer.

Lumabas si Joem sa showbiz talk show ni Boy sa kauna-unahang pagkakataon bilang bagong Kapuso actor, dahil kabilang siya sa cast ng Asawa Ng Asawa Ko, ang prime-time drama series ng GMA-7.

Sinabi ni Joem sa "Fast Talk" segment na ang ina ng kanyang anak na si Meryll Soriano ang kanyang buhay, "love is Meryll Soriano."

At pagdating sa pag-ibig, siya ay Takusa (Takot sa Asawa).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joem Bascon, Meryll Soriano still mum on wedding plans

Nagbitaw ng salita si Joem na sigurado na siya ngayon sa sarili dahil, “Sigurado na kami [ni Meryll] sa isa’t isa. Sigurado na kami sa kung sino kami ngayon and sigurado kami na panghabambuhay na kaming magkakasama.”

Bukod sa pagpapahalaga sa kanyang mental health, may kinalaman din si Meryll at ang anak nilang si Gido sa desisyon ni Joem na burahin ang lahat ng social media accounts niya.

Pagtatapat ng aktor: “Having a social media is like going to a battlefield. It’s like driving sa EDSA na kailangan prepared ka sa lahat ng mangyayari.

“I mean, with all the… siyempre maraming comments and everything, it really affects me as a person.

"I decided to turn it off, to delete it, and then just focus on Meryll, focus on my baby, my family.

"It’s a choice and I’m happy right now."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dennis Trillo at Joem Bascon, kumusta bilang stepdads sa ibang anak ng kanilang partners?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on why he deleted all his social media accounts: "Having a social media is like going to a battlefield. It’s like driving sa EDSA na kailangan prepared ka sa lahat ng mangyayari. I mean, with all the… siyempre maraming comments and everything, it really affects me as a person. I decided to turn it off, to delete it, and then just focus on Meryll, focus on my baby, my family."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results